Alyssa's POV
Pagkatapos naming mag dinner ay dumiretso na kami sa may seaside para gawin yung bonfire. Napagtanto ko na hindi pa ito yung right time para sabihin sa kanila yung buong kwento ng buhay ko. I'll just give them some facts about my life.
"Whoooo. Drinks !." Sigaw ni Bea Tan. Binatukan naman agad siya ni Amy. "Don't be so obvious Bea." Sabi niya. Natahimik naman si Bea. Masyadong sabik sa alak ganon? Hahaha. "Tara Jamming ulit." Sabi ni Marge sabay abot sakin ng gitara. Nagsimula naman na akong tumugtog, Itong kantang 'to yung una niyang tinuro sakin. Theme song nga namin 'to e. Nagstart na ko magstrum mag gitara.
"Ako ay nagbalik
Sa init ng iyong yakap
Parang ibong sabik sa isang pugad
Nadanas kong lungkot
Nang kita'y aking iwan
Na di pa dinanas ng sinuman
Ako ay nagbalik
At muli kang nasilayan
Hindi na 'ko muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati ang iyong ngiti
Init ng 'yong halik
Wala ng kasing init
Yakap pa rin nito yaring isip
Nakapikit lang ako habang kumakanta. Inaalala yung nakaraan, Yung happy moments namin. Yung araw na tinuruan niya ko mag gitara at kumanta.
Ako ay nagbalik at muli kang nasilayan
Hindi na 'ko muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati
Ang 'yong ngiti...
Ohhhh
At muli kang nasilayan
Hindi na ko muli pang lilisan
Dahil kung ikaw ang yakap ko
Parang yakap ko ang langit
At yakap ko pati ang yong ngiti
Ang yong ngiti"
Pagkatapos kong kumanta ay biglang nagsalita si Den. "Besh? Damang dama mo yung kanta ha?" Sabi niya. "Oo nga Ly? Para kanino yun?" Tanong ni Capt. Dzi. I clear my throat bago magsalita. "Ahemm, Hmm. That song was introduced to me by the most important person in my life." Sabi ko. Hindi naman sila nagsalita at parang naghihintay ng susunod kong sasabihin. Kaya nagsalita ako. "Nawala siya dahil sa katangahan ko at sa importanteng araw pa ng buhay ko. Nawala siya dahil naging pasaway ako. Hanggang ngayon pinagsisihan ko yung araw na 'yon. Hindi ko matanggap na ganon nalang siya nawala sa buhay ko. Siya yung nagturo sakin ng maraming bagay, Siya yung nagturo sakin kung paano mahalin ang sports at music. Sana.. Sana maibalik ko yung araw na yun, Sana buhay pa rin siya ngayon."Sabi ko. Lahat naman sila ay natahimik at mukhang nashock. Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko kaya maagap ko 'tong pinunasan para hindi nila makita. Tumayo naman sila isa-isa at niyakap ako saying na its alright. "Whoo. Tama na ang dramang 'to. Tara spin the bottle." Sabi ko. Para maiba naman yung mood. Ayokong masira 'tong gabi na 'to. "Whooo ! Tara masaya yan." Sabi ni Jho. Nagstart na nga kami magspin the bottle. Unang tumapat ay kay Ella. "Truth or Dare?." Tanong ni Dude Gretch. "Dare." Sabi niya. Tapang nito. Hahaha. "Hmmm. Tumawag ka ng ramdom people sa cellphone mo and tell them na natatae ka na." Sabi ni Gretch. Natawa naman kaming lahat. Ungas talaga magbigay ng dare yang si Gretch. "Wth? Are you serious?." Hindi makapaniwalang tanong ni Ella. Hahaha. "Mukha ba kong nagbibiro? I'll count 1 to five pag hindi mo pa rin nagawa. Aaminin mo ngayon kung sino yung mahal mo?." Pananakot ni Gretch. "Eto na nga oh nagriring na." Sabi ni Ells. "Hello?" "Marciiii ! Pa Cr naman please ! Hindi ko na kayang pigilaaan !." Sabi ni Ells sabay baba ng phone. Namumula na siya sa sobrang hiya. Hahaha. Naghiyawan naman kami. Kung anu-ano pang dare yung pinagawa samin. Like kay Jho kumain ng tatlong siling labuyo. Mangiyak-ngiyak si Jho non e. Haha. Kay Ate Jem naman e pinasayaw siya ng sexy dance sa harap ng maraming tao. Hiyang hiya siya non e kami naman tawa lang ng tawa. Si Marge naman e pinainom ng tuyo na may suka na nilagyan ng sibuyas, peanut butter, patis tapos ay beer. Hahaha. Yun nagtatakbo lang siya papunta sa malapit na CR para sumuka. Yung kay Amy naman e pinagsalita siya ng tagalog na tongue twister habang may polvoron sa bibig. Tawa kami ng tawa kasi hirap na hirap siya at yung mukha niya e parang natatae na ewan. Nung kay Coach na natapat ay nagyaya na siyang bumalik sa Villa. "ANG DAYAAA COACH !" Sigaw namin. "Oh ano? Aangal kayo o papatakbuhin ko kayo maghapon sa Ateneo pagbalik natin." Sabi niya. Natakot naman kaming lahat, Sino ba namang matinong tao na gugustuhin tumakbo sa Ateneo maghapon? Ang lawak non! Nakakapagod." May umaangal ba? Diba wala naman? Tara na Coach pasok na tayo." Sabi ni Capt Dzi. Takot din to kay Coach e. Pag kasi sinabi ni Coach gagawin niya talaga. Nagpasukan nalang kami sa loob. Yung ibang gumawa ng dare ay hindi maipinta yung mukha. Hahaha. Kami hindi kami nakagawa ng dare dahil nakaligtas kami. Thank you talaga Coach. "Oh matulog na kayo !" Sabi ni Coach. Nagpasukan naman na kami sa kwarto namin. Si Den ay naligo na while ako e nagsoundtrip muna. Masaya naman pala mag open ng secrets mo sa team mates mo pero syempre hindi lahat sinabi ko. Like yung kung sino yung nawala sakin and yung about sa family ko and syempre yung about sa underground drifting. Ramdam ko kasi na hindi pa ito yung right time para sa mga bagay na 'yun. "Hoy Besh?! Ang lalim nanaman ng iniisip mo jan ! Maligo ka na. Inaantok na ko e." Sabi ni Den nung tapos na siya maligo. "Sorry na. Teka lang maliligo lang ako." Sabi ko sabay talikod pero bago pa ako makalayo ay binack hug niya ako. "Besh? Everything will be okay, Someday :)." Sabi niya. Tumango naman ako. "Maligo ka na nga ! Ang baho mo na." Sabi niya. "Wow ha?." Sabi ko sabay pasok sa banyo. Loko talaga yun. Pero masaya ako dahil laging nandyan si Dennise para sabihin na okay lang ang lahat at lagi niyang pinaparamdam sakin na hindi ako nagiisa at magiisa. Syempre ganon din sa mga team mates ko. I found new siblings from another mothers :)
-End of Chapter-
A/N: Sorry if lame,Wala akong maisip e. Hahaha.
-NeverInYourDreams12
BINABASA MO ANG
Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)
Fanfictionnakaranas ka na ba ng Annoyed at first sight? Yung tipong unang kita mo palang sa kanya kumukulo na dugo mo? Kulang nalang isumpa mo siya sa tuwing magkakasalubong kayo? pano kung isang araw magising ka na Mahal mo na pala siya? Handa mo bang tangga...