Chapter 25: I'm Broken </3

18.1K 268 5
                                    

Alyssa's POV

"Hmmm." Sabi ko nung

naramdaman ko na parang may mabigat sa ulo ko. Unti unti ko namang binuksan yung mata ko and yun nga nakita ko na may nakalagay na bimpo sa noo ko. Tatayo na sana ko pero naramdaman ko na may parang nakadagan sa tyan ko. Kinuha ko naman yung cellphone ko para maaninag kung ano yun. Nakita ko si Den na natutulog sa tabi ko habang nakayakap sakin. Hmm. Ano bang nangyari kagabi?. Bigla ko namang naalala yung break up namin ni Dayne. Bumalik nanaman tuloy yung pain na nararamdaman ko. Ang huli kong naalala ay yung I'm on the way na pabalik sa dorm. Kakatok na sana ako when my vision became blurred and the next thing I knew was everything went black. Dahan dahan akong tumayo para hindi magising si Den. Nakaramdam naman ulit ako ng hilo buti nalang at nakahawak ako sa may monobloc na nasa tabi ng kama ko. Naiihi na kasi ako, Pumunta na ko sa banyo at umihi na. Nung tatayo na ko ay may nakita akong salamin. Tumitig lang ko don, Nakita ko yung dating Alyssa sa salamin. Yung miserableng Alyssa, namumugto yung mata, Horrible at higit sa lahat broken. Akala ko siya na pero hindi pa pala. Masyado rin kasi akong naging kampante na hindi siya mawawala sakin at na hindi niya ko lolokohin. Pare-parehas lang sila. Pare-parehas lang sila na sasaktan ako sa huli. Nakita ko na naguunahang tumulo yung mga luha ko. Hindi ko matanggap na dito lang mapupunta yung 2 years relationship na iningatan ko at talangang pinsan ko pa yung pinagpalit niya sakin. Pinunasan ko na yung luha ko at lumabas na ng banyo. Humiga na ulit ako sa tabi ni Den at natulog na.

Dennise's POV

Maaga akong nagising dahil maaga yung training at class ko. Yung katabi ko naman ay tulog pa. May lagnat pa rin siya ngayon pero mas mababa na kumpara kagabi. Hinayaan ko muna siyang matulog at bumaba na dahil ipagluluto ko siya. Alam kong gutom 'to dahil hindi niya naman nakain yung soup na hinanda ko para sakanya. "Den? Kamusta si Ate Ly?." Tanong sakin ni Jho nung nakasalubong ko siya pababa ng hagdan. "Iyon may lagnat pa rin pero hindi na mataas." Sabi ko. "Buti naman. Nagalala talaga kami sa kanya kagabi." Sabi niya sakin. "Oo nga e. Lahat naman tayo :)." Sabi ko sakanya atsk umakbay sa kanya kahit na mas matangkad siya sakin. Hahaha. "Kamusta si Ate Alyssa/Alyssa?." Yan yung pambungad na tanong sakin ng mga team mates ko nung nakababa na kami ni Jho. "Hmm. Ayos naman na siya. Pero may lagnat pa rin pero hindi na kasing taas nung kagabi." Yan lang yung lagi kong sagot sa kanila at dumiretso na ko sa kitchen para magluto ng breakfast ni Besh Ly. "Den? Magttraining ka ba?."Tanong sakin ni Ate Jem. "Hindi muna siguro Ate Jem. Walang magbabantay kay Besh e." Sabi ko. "Ah sige :). Excuse ka nalang namin kay Coach." Sabi ni Ate Jem. "Thank you Ate Jem. Wait lang ha? Akyat ko lang 'to kay Ly. Baka gising na e." Sabi ko. Tumango naman siya kaya umakyat na ako. Pagkapasok ko ay nakita ko si Ly na nakatulala sa ceiling. "Besh?." Tawag ko sakanya. Lumingon naman siya at ngumiti. Alam kong peke yung ngiti niya dahil hindi lumabas yung cute niyang dimples. "Kamusta pakiramdam mo?." Tanong ko sakanya sabay lapag ng pagkain na dala ko sa kama. "Hmm. Getting better." Sabi niya. Tinignan ko siya and pain is all over her eyes. I know abd I can feel that there is something wrong. Pero bakit ayaw niyang iopen up sakin? Diba bestfriends kami?. "Kain ka muna. Alam kong gutom ka na kasi hindi ka kumain kagabi." Sabi ko sakanya. "Hmm. Busog pa ko Besh." Walang gana niyang sagot habang nakatingin pa rin sa kisame. "Dali na kasi Besh. Kailangan mo pang uminom ng gamot." Pangungulit ko sakanya. "Osige na nga." Sabi niya atska kinuha yung trayn. Pinanuod ko lang siya habang kumakain. Halata mong wala siyang gana kumain. Nakakatatlong subo palang siya nung bigla siyang umayaw. "Ayaw mo na? Eh nakakatatlong subo ka palang ay besh." Sabi ko sakanya. "Wala akong gana." Sabi niya at tumalikod sakin. Lumapit naman ako sakanya at umupo sa tabi niya. "May problema ba?." Tanong ko sakanya. "W-wala." Sabi niya. Alam kong nagsisinungaling siya dahil nabubulol siya. "I know you too well besh. Alam kong may mali at ramdam kong nasasaktan ka. Kung hindi ka pa ready i-open up yan ayos lang. Just remember that I'm always here for you. I will never leave you alone." Sabi ko sakanya atska ko siya niyakap ng mahigpit gumanti naman siya ng yakap sakin. *sobs* *sobs* Naramdaman ko naman na basa yung damit ko at nagsshrug na yung shoulders niya umiiyak siya. "Hush now besh." Sabi ko atska hinaplos yung likod niya tryin' to calm her down. "B-besh ang sakit sakit *sobs* N-niloko n-niya ko *sobs* S-sabi niya m-mahal niya ko at di niya ko iiwan pero iniwan niya pa rin ako *Sobs* D-diba s-sabi n-niya c-cool off lang kami p-pero b-bakit niya a-ako pinagpalit? S-sa p-pinsan ko p-pa talaga * Sobs*. Ang sakit *sobs* s-sakit B-besh*sobs*." Sabi niya habang umiiyak. So tama nga ako break na sila ni Dayne. Naaawa ako kay Ly, hindi niya deserve na masaktan ng ganto. Wala naman siyang ginawa kundi magmahal ng totoo. "Hush now besh. Maybe may reason si God kung bakit niya binigay sayo yang pain na yan. He know that you can. Lagi mong tatandaan na sa mga problems and struggles na dadating sayo eh hindi ka nagiisa. Nandito yung team at syempre ako para sayo. Hindi kita iiwan besh. Wag ka ng umiyak. Everything will be okay maybe not today or tomorrow but soon it will be okay. I assure you." Sabi ko sakanya. Iyak lang siya ng iyak, Wala akong magawa para ma-ease yung pain na nararamdaman niya. After ilang minutes e humina na yung pag iyak niya. "Besh? Hindi ka nagtraining?." Mahinang tanong niya sakin. "Hmm. Hindi wala kasing magbabantay sayo. Don't worry pina-excuse naman nila ako kay Coach." Sabi ko sakanya. Humiwalay naman siya sa yakap ko at yumuko. "Hindi mo na dapat ginawa yun. Kaya ko naman e, Atska may class ka diba? 30 minutes nalang magsstart na yung class mo." Sabi niya sakin. Eto nanaman siya, Iniisip nanaman niya na magiging pabigat siya sakin or sa team. "Hindi na ko papasok. Babantayan na lang kita." Sabi ko. Tumingin naman siya sakin. "No, Kailangan mong pumasok may test ka today diba? Kaya ko naman talaga e. Matutulog nalang ako." Sabi ni Ly sakin. Sht ! Oo nga pala may test kami sa bio. Huhuhu pero kailangan ako ni Ly. "No. Okay lang babantayan nalang kita." Sabi ko. "Den wag ng makulit. Kaya ko na kasi atska mas importante yun. Pano ka magiging Doctor niyan?." Sabi niya sakin. Hayst ang kulit talaga nito. Wala na kong nagawa kundi tumango nalang. "Very Good ! Sige na maligo ka na. Kaya ko na 'to." Sabi niya tapos hinila ako papunta sa banyo. Pagkatapos ko maligo't magbihis ay lumabas na ko sa banyo. Nakita ko naman siyang natutulog, Lumapit ako sa higaan niya para icheck kung may lagnat pa siya. Kinapa ko yung noo niya at hindi na siya gaanong mainit. Hmm. Siguro sinat nalang. Nagiwan nalang ako ng note at lumabas na.

Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon