GRETCH'S POV
"Alam mo ba Ate Gretch, Yang mga yan. Ayaw kaming isali sa problema nila. Nakakatampo nga e, Sila malungkot at lutang tapos kami ni Jia masaya. Dapat diba share share kasi Team mates tayo."
Pagsusumbong nya. Kanina pa yan e nasa byahe pa lang kami kwento na ng kwento yan. Kesyo, Hindi daw nakain maayos yung team, Si Ella daw himala dahil kahit anong alok nya ng pagkain ay natanggi ito. Si Aly daw simula nung lumabas ng hospital laging lutang, tatawa lang daw yun pag alam nyang may tao sa paligid nya.
Si Marge daw ay hindi na naasikaso si Jirah dahil nga hinahanap kami. Si Dzi at Fille daw laging mugto at hindi makausap ng matino. May isang training daw na natamaan si Fille ng bola sa mukha dahil sa sobrang kalutangan tapos daw ay nung napadaan sya sa locker ko ay ang dami na daw sulat.
Nakakatuwang isipin na namiss nila kami. Ang sarap sa pakiramdam ja may mga taong nagaalala sayo.Hindi ko lang alam kung ba't laging lutang si Fille e diba sila na ni Lino? Hmm. Pero kailangan kong bumawi sa mga to. Sa mga stress na dinulot namin. Aha ! Alam ko na, dadalin ko na lang sila sa kabubukas naming beach house sa Bulacan. Magpapaalam ako kay Coach mamaya.
"Nasan pasalubong?" Sabi ni Ella nung nakarating kami sa dorm. Kita mo 'to o, pasalubong agad. "Grabi, pasalubong agad? Di man lang kami kinamusta." Pagtatampo ko. "Ay sorry na. Kamusta Greta?" Sarcastic na sabi nya. Nagtawanan naman sila. "Kunin mo yung maleta ko andon lahat." Sabi ko at iyon mabilis pa sa alas kwarto ang pagkalabas nya. "Ella talaga. Hahaha." Sabi ni Ly.
"Kamusta kayo ni Lino Fille?" Tanong ko kay Fille. "Ah S-si L-lino? Ah iyon a-ayos lang?" Alanganing tanong nya. Hmm, baka LQ sila. "Namiss kita Fille." Sabi ko sakanya at pumorma na parang nanghihingi ng yakap. Yumakap naman agad sya sakin. "Namiss din kita." Sabi nya naramdaman ko naman na parang nababasa yung damit ko. Umiiyak ata sya. "Sorry Gretch, Sorry, G-ginawa ko lang yun para sayo. W-wag ka na ulit umalis, W-wag mo na ulit akong iwan." Sabi nya. Hinarap ko naman sya sakin at pinunasan ang luha nya. "Alam ko Fille, Alam ko ang lahat. Hindi na ko aalis, Hinding hindi na." Sabi ko sakanya at ngumiti sa kanya. "GRABEEE ! ANG BIGAT NAMAN NITO !" Sigaw ni Ella nung nakapasok na sya sa dorm. "Sino bang may sabi sayo na buhatin mo magisa yan? Di ka man lang nanghingi ng tulong. Basta talaga pasalubong o. Kala mo naman mauubusan." Sabi ni Mae at tinulungan na si Ella. Nakakaawa na nakakatawa yung itsura nu Ella. Pagod na pagod kasi mas malaki pa kasi sa kanya yung maleta ko kung makabuhat. HAHA. "Ay Guys. Buksan nyo na may mga pangalan naman na yan. Labas lang kami nila Dude." Sabi ko. "Sige, Balik kayo agad." Sabi nila Ayel at iyon nga lumabas na kaming apat. "Aano tayo Dude?" Tanong ni Ly. "Hmm, Sa Gym tambay lang. Just like the old times." Sabi ko at iyon nagapiran yung tatlo sa likod ko.
Pagpasok namin sa Gym ay sakto dahil walang tao. Nanghiram lang kami sa office ng bola na pambasketball. "2 on 2 kampi kami ni Marge." Sabi ko. So iyon nagstart na nga kami maglaro. Habang naglalaro kami ay naguusap kami. "Ly, Pano mo nalaman kung nasan kami?" Tanong ko sakanya habang binabantayan nya ako. "Si Jia at Mich, nagtanong ng info sa parents nila na business partners ng parents nyo." Sabi nya. "Pero hindi complete info sabi lang nasa Japan at Italy kayo." Sabi nya. Sabay agaw ng bola sakin at nag 3points. "Eh pano mo nalaman yung contact number ko?" Tanong ko ulit sa kanya sabay pasa ng bola kay Marge. "Hmm, Si Kevin pumunta dito." Sabi nya. "Ayos na kayo?" Tanong ko sakanya. "Hindi." Matabang na sabi nya sabay sapo ng bola na pinasa ni A sabay shoot ulit. "Bakit? Nag explain na ba sya sayo?" Tanong ko ulit habang bantay nya si Marge. "He tried to but I cut him off. Ayoko na makarinig ng kahit ano sa kanya." Sabi nya. Galit pa rin sya hanggang ngayon. Mabait naman si Kevin e, tinulungan nya kami nung gabing magpapakamatay ako buti na lang at nandon sya kundi baka matagal na kong pinaglamayan. "Don't you think it's time na magkaayos kayo?" Tanong ni A. "Tss. No. Sinira nya tiwala ko." Sabi nya. "But mukha namang pinagsisihan nya na yun." Sabi ko. "Ikaw na nga ang nagsabi diba na dapat magpatawad tayo kahit ano pang kasalanan ang ginawa nya. Atska malay mo naman mali ang akala nating reason kung ba't nya ginawa yun. Malay mo may mas deep pa don." Sabi ko. Alam ko na kasi ang totoo. "Hmm, Ewan. Pagiisipan ko." Sabi nya. "Oh ! Nandito na pala yung dalawang asong nawala." Napatigil kami sa paglalaro dahil sa narinig namin. "Tayyyy !" Sigaw ko at tumakbo palapit kay Coach Roger. "San ba kayo nanggaling ha?" Tanong nya. "Tay, Sorry nagpalipas lang po kami ng sakit ng damdamin." Sagot ni A. "Nakoo kayong dalawa talaga. Sana sinabihan nyo ako. At kailangan nyong bumawi sa team mates nyo." Sabi nya napakamot na lang ako sa ulo ko. "Opo Tay, kaya nga po magpapaalam ako sainyo e, Gusto ko po sana silang dalin sa beach house namin sa Bulacan kahit 2 Days lang po." Sabi ko. "Hmm,Osige. Para naman makapagpahinga rin sila." Sabi ni Coach. "Syempre kasama kayo Coach." Sabi ko. "Nakoo, para sa bagets lang yan. Si Cha na lang ang isama nyo. Tska ka na bumawi sakin pag uwi nyo. Boys night out tayo." Sabi ni Coach natawa na lang kami. "Sige po Coach. Haha. Una na po kami, para makapag ayos na." Pagpapaalam ko. Tumango naman si Coach at ngumiti.

BINABASA MO ANG
Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)
Fanficnakaranas ka na ba ng Annoyed at first sight? Yung tipong unang kita mo palang sa kanya kumukulo na dugo mo? Kulang nalang isumpa mo siya sa tuwing magkakasalubong kayo? pano kung isang araw magising ka na Mahal mo na pala siya? Handa mo bang tangga...