Fille's POV
Kanina pa tahimik si Gretch, natatakot naman kaming tanungin kung ano yung problema niya kasi mahirap na baka singhalan kami niyan. Nakakatakot kali yan pag galit.
Nandito na kami ngayon sa mini bus na sinasakyan namin. Lahat ay nandito pwera kay Gretch na may kinuha pa daw sa kwarto namin. After ilang sandali ay nakita ko na siyang paakyat ng bus. Naghanap agad siya ng mauupuan. "Gretch dito oh!." Sabi ko sakanya pero tinignan niya lang ako at sa pinaka likod umupo. That is unusual dahil hindi talaga umuupo si Gretch sa dulo dahil tagtag daw kaya siya nahihilo. Galit ba siya sakin? Ano nanaman bang ginawa ko?. Nakita ko naman na nakatingin sakin mga team mates ko nagkibit balikat nalang ako dahil hindi ko talaga alam kung bakit hindi siya sa tabi ko umupo. Pumikit nalang ako at sinaksak ang earphones sa tenga ko. Bahala na,Kakausapin ko nalang siya namaya.
Marge's POV
Ang tahimik nanaman ni Jirah. Hindi ko alam kung bakit, Nung isang araw ko pa siya inoobserbahan. Iba yung kinikilos niya e. Yung ngiti at tawa niya fake. Nakikisama naman siya sa kulitan namin pero hindi ganon ka-energetic e. Hayst. Makausap nga. "JirahMallows, Is there something wrong?." Tanong ko sakanya. "Ha? Pinagsasabi mo jan besh? Okay lang ako noh :)." Sabi niya sabay ngiti ng fake nanaman. Hinampas ko ng mahina yung noo niya. "Sakin ka pa talaga magtatago ha? I know you too well besh, I've been observing you since nagpunta tayo dito. May mali e, So tell me." Sabi ko sakanya. "Hayss. Hindi talaga ako makapagtago sayo. Nakakainis. Hahaha. Si Rex kasi e," Sabi niya. "May ano kay Rex?." Tanong ko naman. "Kasi hindi na siya ganon ka sweet sakin besh,lagi nalang siyang busy. Kung hindi ko pa siya itext hindi siya magtetext. Hindi naman siya ganon e, Lagi pa nga siya yung unang nagtetext para lang gisingin ako sa umaga. I don't know besh."Sabi niya. Here she comes again,Napaparanoid nanaman 'to. Nakikita ko naman na mahal na mahal siya ni Rex. Oo alam kong masakit pero kailangan komg tanggapin ang katotohanan. After all Rex and I are best buds bago pa niya ligawan si Jirah. "You're being paranoid again. Baka busy lang talaga si Rex. I knew him, Mahal ka non. Atska nakwento din sakin ni Reiley na busy yung Men's volleyball team ngayon sa mga projects and paper works." Sabi ko. "Hayss. Sana nga paranoid lang ako. Atska wait, kelan pa kayo naging close ni Reiley? Ayiie. Diba matagal ng may gusto sayo yun? Nanliligaw na ba siya sayo? Ayiie." Sabi niya. Yeah, matagal na ngang nagpaparamdam sakin si Reiley na gusto niya ko. Pero sinabi ko naman sa kanya na may mahal na kong iba e. Na hanggang friends lang kami. "Haha. Baliw, matagal na kaming close non and no, hindi siya nanliligaw sakin and ayoko rin kasi may iba na kong mahal. Sinabi ko naman sakanya na hanggang friends lang kami e."Sabi ko sakanya. "Sayang, Akala ko magkakalovelife ka na. Totoo ba yung sinabi ni Ate Ells na si Princess yung mahal mo?." Tanong niya sakin. "Hmm. Hindi uso lovelife sakin. Hahaha. Kuntento na ko na nakikita ko yung taong mahal ko na masaya sa piling ng mahal niya. Hahaha. For real? Naniwala ka kay Ells?. Hindi siya yung mahal ko noh. Parang kapatid ko na yun e." Sabi ko sakanya, nakita ko naman na parang umaliwalas yung mukha, ewan baka namamalikmata lang ako. "Ah. Besh? Pasandal a? Antok ako e." Sabi niya. "Sige :). Matulog ka muna." Sabi ko at isinandal yung ulo niya sa balikat ko and inakbayan siya para hindi magpagewang gewang ulo niya. Tinitigan ko lang siya habang natutulog siya. Sana akin ka nalang, Sana kaya kong magtapat sayo. Mahal na mahal kita Jirah hindi bilang bestfriend ko kundi bilang Ikaw mismo. Nagsaksak nalang ako ng earphones at pumikit na.
Dzi's POV
Katabi ko si A ngayon sa byahe, nagkkwentuhan lang kami ng kung anu-ano. "Ano 'to Dzi? Bakit ka may pasa sa braso?." Tanong niya. Patay ! Nakita niya yung pasa ko sa braso. Yan yung hinampas ako ni Jeriel sa braso dahil nagalit siya sakin. "H-ha? I-iyan? W-wala yan. Tumama lang yan sa bakal sa kama nung natutulog siguro ako." Pagsisinungaling ko. Tinignan niya lang ako. Yung tingin na parang iniexamine ka kung nagsasabi ka ng totoo. Ganyan kasi talaga yan si A, magaling yan manghuli pag nagsisinungaling ka sa pamamagitan lang ng pagtingin niya sa mga mata mo or sa kilos mo. "Nagsasabi ka ba ng totoo?." Tanong niya. Yan na nga ba yung sinasabi ko e. Huhuhu "Oo naman noh." Sagot ko sakanya. "Okay, if you say so. Pag nalaman ko lang talaga kung sino yung may gawa niyan sayo. Patay siya sakin." Sabi niya with galit tone Sabi na nga ba e hindi maniniwala 'to e. Pagsinabi ni A talagang gagawin niya, sana lang ay wag niyang malaman na si Jeriel ang may gawa sakin nito. Ayokong madamay pa si A sa kahibangan ni Jeriel.
Dennise's POV
"Gisingin niyo na yung mga katabi niyo at baba na tayo."Sabi ni Coach. Ginising ko naman si Ly. "Ly? Wake up." Sabi ko at tinapik yung noo niya. Hahaha. Para maiba lang. "Hmm." Dumilat naman siya. "Nandito na tayo?." Tanong niya. "Yes, Tara na daliii. Excited na kong makapanuod ng dolphin and sea leon na sumasayaw. Hahaha." Sabi ko. Nandito kasi kami ngayon sa subic. Sa ocean adventure. Maganda daw dito e. "hindi ka naman excited niyan?. Tara na nga." Sabi niya nung naayos niya na yung buhok niya. Bumaba na nga kami at lahat samin ay excited. Hahaha. "Tara na guys? Bili muna tayong ticket." Sabi ni Coach. "COACHHHHH ! KAIN MUNA TAYO PLEASE."Sigaw ni Ells. Gutom nanaman siya. "What? You are hungry again?." Sabi ni Amy. "Oo nga Ells, Ikaw nga lang nakaubos ng baon nating chips e." Gatong ni Ayel. "EH SA BITIN E. GUTOM NA KO."Reklamo niya. "Maghintay ka Ella. Hahaha. Bili muna tayo tapos ay kakain na tayo."Sabi ni Coach. Nagliwanag naman ang mga mata ni Besh at tumalon sa tuwa."TARA NA GUYS ! BILI NA TAYO. ANO PANG HINIHINTAY NIYO DYAN, LEZZ GO !." Sigaw niya at nauna na ngang maglakad. Kahit kelan talaga, napailing nalang kaming lahat. Pumila na nga si Coach syempre kasama kami sa may ticket booth. Pagkatapos namin makabili ng tickets ay kumain na muna kami, mamaya pa naman daw yung show e. Habang kumakain ay nagaasaran lang kami, Si Ella? Ayon busy sa pagkain. Hahahaha. Pagkatapos namin kumain ay namili muna kami ng mga souvenir. Naghiwa-hiwalay muna kami, magkita kita nalang daw sa entrance bago mag 1pm. Kasama ko si Ly ngayon. Naningin-ningin lang kami then pag may nagustuhan ay bibilin namin. Binili ko yung family ko, close friends, si LA and yung family niya. "Ang dami naman niyan besh?" Tanong ni Ly sakin." Haha. Ganon talaga, binilhan ko kasi sila Dad and mom then yung mga kapatid ko, close friends, si LA and yung family niya." Sabi ko. "Eh bakit yung iyo ang konti lang?."Tanong ko. Ang konti lang talaga ng binili niya promise. "Hmm. Sila Drake lang naman bibigyan ko then sila Kim."Sagot niya, Bakit wala para sa family niya? Hmm. Pumila na kami sa counter para bayaran na yung binili namin dahil malapit na mag1pm. Nung nabayaran na namin lahat ay lumabas na kami sa shop at pumunta na nga sa entrance. Nung kumpleto na kami ay pumasok na kami sa loob, Ilang saglit lang ay nagstart na yung show. Tuwang tuwa ako don sa sea leon na sumasayaw. Hahaha. Ang kyutt nila then sa dolphin na lumulusot sa may circle. Hahaha. Pumunta pa nga ako sa harap para pakain yung dolphin e tapos kiniss ako nung sea leon sa pisngi. Ang kyutt talaga nila. Pagkatapos ng show ay nagbyahe agad kami papuntang pampanga, then tarlac tapos ay diretso na sa manila. Namili lang kami ng mga delicacy nila. Ang sasarap grabi . Pumunta din kami sa taksyapo wall sa tarlac. Ang saya pala don. Haha. Tawa kami ng tawa habang nagbabato ng kung anu-ano. Hahaha. Pagkatapos ay diretso na kami sa Manila dahil may pasok na kami bukas.
-End of chapter-
A/N: Thank you for reading
-NeverInYourDreams12
BINABASA MO ANG
Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)
Fanfictionnakaranas ka na ba ng Annoyed at first sight? Yung tipong unang kita mo palang sa kanya kumukulo na dugo mo? Kulang nalang isumpa mo siya sa tuwing magkakasalubong kayo? pano kung isang araw magising ka na Mahal mo na pala siya? Handa mo bang tangga...