Gretch's POV
Maaga akong nagising dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Napansin ko naman na wala na si Fille sa kama niya Kaya tumayo na ako para maligo. After 20 minutes ay natapos na ko maligo at magbihis at lumabas na nga ako ng kwarto namin. Naabutan ko naman yung mga team mates ko na nagkakagulo. "AYIIIE !" Sigaw nila. Lumapit naman ako kila Ayel kasi sila yung nasa may malapit sa pinto ng kwarto namin. "May ano?." Tanong ko sakanya. "Si Fille kasi kinikilig dahil kay Lino pinadalan kasi siya ng flowers." Sabi niya. Tss. Lino nanaman. "Tss. Parang flowers lang." Sabi ko at naglakad na nga papuntang kitchen. "Ang BITTTER MO !." Sigaw ni Ayel at Bea Tan. Hindi ko nalang sila pinansin. Nagtimpla nalang ako ng kape at nag earphones para hindi sila marinig. Nasasaktan ako e </3, Kelan mo ba marerealize na mahal kita Fille? Lahat na ginawa ko para maramdaman mo na mahal kita. Ano pa ba ang kulang?. "Dude? Problem?." Rinig kong sabi ni Ly at umupo sa tapat ko. "Hmm. Wala naman,Masama lang gising." Pagpapalusot ko. "Masama ang gising o nagseselos ka?." Sabi niya sakin. "Both." Maikling sabi ko sakanya at tinaggal na yung earphones sa tenga ko. "Kelan mo ba kasi balak umamin sa kanya? Pag sila na ni Lino?." Tanong niya. "Naduduwag ako Ly." Pag-amin ko sakanya. "Wow? Kelan pa naduwag ang isang Gretchen Ong Ho?." Pangaasar niya sakin. " Since the day that I fell in love with her." Sabi ko. "Gretch, San ka ba naduduwag? Sa magiging reaction niya? Maduwag ka kung maging huli ka na. Kapag may iba ng nagmamay ari sakanya." Sabi niya sakin. Hmm, Hindi ko na kakayanin pag napunta pa si Fille sa kamay ng iba. Hindi ko kaya. Balak ko na talagang umamin kay Fille pero aayusin ko muna siguto yung gusot namin sa underground drifting para maayos at malinis yung conscience ko pag umamin ako sakanya. "Dude, Yan ang di ko kakayanin. Baka ikamatay ko na yan. OA pero hindi ko talaga kayang mapunta siya kay Lino. Balak ko na talagang umamin sa kanya pero hinihintay ko lang na maayos natin yung sa Underground Drifting." Sabi ko sakanya. Nakita ko naman na napangiti siya sa sinabi ko. "Atlast ! Sige aayusin na natin yang problema natin sa madaling panahon para hindi ka na maungusan ulit ni Lino. Lamang na lamang na siya e." Sabi niya. Sabay tayo at lumapit sakin tapos ay inakbayan ako. "Ang drama mo Dude." Sabi niya at pinisil ng madiin yung ilong ko . "VALDEZ !." Sigaw ko at nagtatakbo lang siya palabas ng kitchen. Hinabol ko naman siya. Napansin ko naman na pinapanuod kami ng mga team mates namin pero wala akong paki. Gaganti ako ang sakit kaya ng ilong ko. Naghabulan lang kami sa loob ng sala, Nung hindi ko na siya maabutan ay hinubad ko yung suot kong tsinelas at binato sa kanya. "ARAY !" Reklamo niya. Bull's eye e. Hahaha. "ANG SAKIT NON GRETCHEN ONG HO ! KATIGAS-TIGAS NG TSINELAS MO E -_-." Reklamo niya ulit. "SUITS YOU DUDE ! TIGNAN MO NGA ILONG KO NAMUMULA PA." Sabi ko. Nagtawanan naman yung mga Team mates ko. "BLEEEH :P." Binelatan ko siya. Gumanti naman siya ng belat sakin. "HAHAHA. Tama na nga yan tara na kain na tayo." Sabi ni Coach. "YES ! ATLAST KANINA PA KO NAGUGUTOM." Sigaw ni Ells. "Ang takaw talaga." Pagpaparinig ni Marge. "At sayo pa talaga nanggaling yang salitang yan ha." Sabi ni Jem. "Wow Jem? Parang di ka ganon ha?." Sabi naman ni Fille. Sabay pulupot ng kamay niya sa braso ko. Di ko nalang siya pinansin dahil naiinis parin ako sakanya hanggang ngayon. "HAHAHA. Pare-parehas lang naman kayong APAT :D" Sabi ni Coach. Nagtawanan naman silang lahat. Pero ako tahimik lang,Wala ako sa mood. Napansin yata ni Fille na wala ako sa mood dahil kanina pa siya tingin ng tingin sakin habang kumakain kami. "What's wrong Gretch?." Tanong niya. "Excuse, Nawalan na ko ng gana e." Sabi ko, Napatahimik naman silang lahat tumayo na ko at naglakad na palayo. "Alam ko kung bakit wala si Gretch sa mood, Kasi----." Sabi ni Bea T. Shocks ! Oo nga pala narinig niya yung sinabi ko. "Oh diba? Ang sarap ng ulam diba Bea? Kain lang ng kain." Sabi ni Ly? Lumingon naman ako at nakita ko na sinubuan ni Ly si Bea T. Para hindi niya matuloy yung sinasabi niya. Tinanguan ko lang si Ly at lumabas na nga ng tuluyan sa kitchen. Kahit kelan talaga siya yung savior namin nila Dudes hindi lang sa gantong situation kahit buhay niya handa niyang ialay para lang hindi kami masaktan. Kaya nga mahal na mahal namin yan e. Tumambay nalang ako sa sala at nagsuot ng earphones. Stress reliever kasi namin to nila Dudes e.

BINABASA MO ANG
Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)
Fanfictienakaranas ka na ba ng Annoyed at first sight? Yung tipong unang kita mo palang sa kanya kumukulo na dugo mo? Kulang nalang isumpa mo siya sa tuwing magkakasalubong kayo? pano kung isang araw magising ka na Mahal mo na pala siya? Handa mo bang tangga...