ALYSSA'S POV
Pagkatapos ng class ko ay dumiretso agad ako sa dorm para magpalit ng damit. Nakakahiya naman kay Lau e kung mukha akong gusgusin.
Pagpasok ko sa dorm ay nandon na sila Den, Ella, Mae, Jirah,Marge, A,Dzi. "Oh? Ly? Nagmamadali ka ata?" Tanong ni Capt. "Ah e, May lakad po kasi ako." Sagot ko sakanya. "Osige, Basta umuwi ka before curfew." Sabi ni Capt. "Yes Capt. Akyat na po ako :)." Sagot ko kay Capt. Bago ako umakyat ay sumulyap muna ako kay Den pero busy lang sya sa panunuod kaya napabuntong hininga na lang ako sabay akyat.
Naligo muna ako saglit at nagbihis na nanguha lang ako ng 3/4's na polo and short shorts tapos kinuha ko na rin yung roshe run ko na black. Tinignan ko naman yung sarili ko sa salamin pero natabig ko yung pabango ko kaya natapon. Sayang naman yung natapon kaya pinahid ko na rin sakin.
Nung nasiguro ko na maayos na ako ay bumaba na ko. "Hmm, Bango natin a?" Sabi ni Marge. "Himala nagpabango ka?" Sabi naman ni A. "Matagal na kong mabango atska anong masama kung nagpabango ko? Haha." Sabi ko sakanila. Hindi naman talaga ako madalas magpabango e kasi mas gusto ko yung natural scent ng katawan ko. "Naks, Pinopormahan mo na si Lau?" Tanong ni Marge. "Baliw, Hindi pa. Haha." Pagbibiro ko kay Marge. "Tss." Rinig naming singhal ni Den at nag walk out na papunta sa kwarto.
*BLAAAAG*. Rinig naming pagbagsak nya ng pinto, Nagtinginan naman sakin yung team mates ko at nagkibit balikat na lang ako. Ganon na ba nya kaayaw na nasa malapit ako sakanya para magwalk out sya ng ganon.
"Alis na ko Guys." Malungkot na sabi ko at lumabas na ng dorm. Dumiretso na ko sa GYM baka kasi nandon na si Lau, Nakakahiya naman kung paghihintayin ko sya diba? Pagdating ko ay sakto naman na wala pa sya kaya naupo muna ako sa may hagdan sa labas ng GYM.
Bigla naman akong napaisip sa mga nagiging reaksyon ni Den sa t'wing lumalapit ako sakanya. Lagi syang nagwawalk out at para bang hindi sya comfortable pag nasa malapit ako sakanya. Dapat na ba talaga akong lumayo? Dapat na bang makipagpalit ako ng room sa kateam mates ko? Dapat ko na bang tigilan yung nararamdaman ko para sakanya?
DENNISE'S POV
Nanunuod lang kami ng TV nung pumasok si Alyssa. Well, Kanina ko pa sya hinihintay kasi hindi ako mapakali hangga't hindi sya nakakauwi ng dorm. Baka mamaya e, Nakipagsapakan nanaman sya kay Salva.
Pagpasok nya ay nagmamadali sya, Oo nga pala may lakad sila ni Laura. Bigla naman akong nainis. "Kalma lang Bebe Den." Bulong sakin ni Jirah nung nakaakyat na si Aly sa kwarto namin. "Tss." Sabi ko sakanya. Tinawanan nya lang ako. Ilang sandali lang ay bumaba na sya. Tinignan ko naman sya in my peripheral vision at nakita ko na nakaporma sya. Naamoy ko rin na nagpabango sya e never naman nagpabango yan si Ly kasi mas gusto nya yung natural scent ng katawan nya. Pag ako nga kasama nya hindi yan nagpapabango e tapos ngayon na si Lau yung kasama nya nagpabango sya?! Tss.
Inasar naman sya nila Marge na baka may something na sya kay Lau. Nakoo, Mababatukan ko talaga tong Marge na to e. "Hello ! Nandito kaya ako !" Gusto ko sanang sabihin yan kay Marge para matigil na yung pangaasar nya tapos eto namang Valdez na 'to ay tuwang tuwa pa at mukhang kinikilig pa ata. Tss, Dahil hindi ko na kinaya ay nag walk out na ko papunta sa kwarto namin. Binalibag ko naman yung pinto sa inis bahala sila kung anong isipin nila basta ako, Naiinis ako.
Nahiga lang ako sa kama at tumingin sa kisame.
*Knock*
*Knock*
"Bebe? Pwede bang pumasok. Umalis na si Ly." Rinig kong sabi ni Dzi galing sa labas ng pinto. "Pasok." Sagot ko na lang sa kanya.
Ramdam kong binuksan nya yung pinto at pumasok na sya. Hindi ko pa rin sya nililingon dahil wala ako sa mood.
BINABASA MO ANG
Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)
Fanficnakaranas ka na ba ng Annoyed at first sight? Yung tipong unang kita mo palang sa kanya kumukulo na dugo mo? Kulang nalang isumpa mo siya sa tuwing magkakasalubong kayo? pano kung isang araw magising ka na Mahal mo na pala siya? Handa mo bang tangga...