Chapter 36: Gut feeling

11.7K 219 1
                                    

A/N: This chapter is dedicated to Llaneta05 and Mekkacabil

Marge's POV

Ilang araw ko ng napapansin na matamlay si Jirah lagi ko naman siyang tinanong pero lagi niya lang sinasabi e  "Wala 'to Besh. Okay lang ako." Wala naman akong magawa miski sila Ate Fille eh hindi alam kung bakit matamlay si Jirahbesh. Tulad ngayon nagkukulitan kami sa sala pero siya nakatulala lang. This is unusual kasi siya yung susunod kay Ate Ella sa pangiinis at pangaasar sa mga team mates namin. Tapos ang yung mga tawa niya fake pati yung ngiti niya. Pano ko nalaman? Kasi nga hindi lumalabas yung dimples niya. Namiss ko na yung Jirah na makulit. Aha ! Alam ko na kung ano magpapasaya dito. Tumayo ako at umakyat sa taas para kunin yung susi ng kotse ko pati na yung wallet ko. Pagbaba ko ay nagkakasatan parin sila. Lalabas na sana ako nung mapansin ako ni Capt Dzi. "Where do you think you're going?." Sabi niya. Natahimik naman lahat and lahat sila e nakatingin sakin even Jirah. "Ah eh Capt may bibilin lang po ako." Sabi ko sabay kamot sa batok ko. Nakita ko naman na nagpipigil ng tawa sila Dude kaya sinamaan ko lang sila ng tingin. "Nakalimutan mo ba yung bilin ni Coach?" Tanong niya. "Hindi po pero kas---" Hindi ko na natapos dahil nagsalita agad siya. "Oh yun naman pala e, umupo ka dito." Sabi niya. Wala na kong nagawa kundi umupo nalang. Binigyan naman ako nila Dude ng nakakalokong ngiti kaya binato ko sakanila yung can ng coke na nasa harapan ko at umupo sa tabi ni Jirah habang naka busangot yung mukha ko. "Hoy Besh? Anyare sayo? Aano ka ba?." Sabi niya sakin. "Wala. May bibilin lang sana ako :3." Sagot ko sakanya. Nilamukos niya naman yung nguso ko at pinilit ingiti yung labi ko. "Yaan, mas maganda pag nakangiti ka oh. Haha. Nagiging kamukha mo si Donald duck e pag naka pout ka." Sabi niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya. "Oo na po Boss ngingiti na." Sabi ko. "Yuck ! Jejemon ka besh, boss ka jan." Sabi niya. Tinawanan ko nalang siya. "Ayiiie ! Ang sweet naman." Sigaw nila Gretch. Nagtawanan naman silang lahat excluding me and Jirah. Binato ko naman sila ng unan. "Ungas !." Sigaw ko sakanila. Napansin ko naman na balik ulit si Jirah sa pagkatulala. Hayss. Kailangan ko na talaga mabili yun. Nakakainis naman kasi e bakit ba bawal lumabas? Psh. Naramdaman ko naman na nagvibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko yun sa bulsa ko at tinignan kung ano yun. Nakita ko naman na notif yun from twitter. Nagtweet si Reiley

@ReileyUdasco: Here at SM north edsa.

Pagkabasa ko non ay agad akong tumayo at tinawagan si Reiley. Sa kanya nalang ako magpapabili. Nice one Marge ! Ang talino ko talaga. Hahaha. Ang hangin yata? Hihi. Sorry na.

*Phone Convo*

Reiley: Hello? Marge

Ako: Hi Rei !

Reiley: Napatawag ka yata?

Ako: I saw your tweet kasi. Pwedeng favor?

Reiley: Sure. Ano ba yun?

Ako: Pabili naman nung itetext ko sayo. Bawal kasi kami lumabas e. Pretty please !

Reiley: Hahaha. Osige text mo nalang ako.

Ako: Yehey ! Thank you Rei. Savior talaga kita.

Reiley: Haha. Ano ka ba, Wala yun. Basta ikaw, Idadaan ko nalang sa dorm niyo. Pano ba yan? I'll hang up na andito na sila Mom

Ako: Sige. Ingat Thank you :)

*End of convo*

Pagkatapos namin magusap ay binaba ko na yung phone at bumalik na sa sofa. "Ngiting tagumpay tayo ha? Sinong kausap mo kanina?." Tanong ni Gizzle. "Ngiting tagumpay ka jan. Wala yun si Reiley lang." Sabi ko. "Ayiiie. Kayo na?." Tanong nilang lahat. "Tse. Hindi a we are just friends." Sabi ko. "Akala ko ba yung mahal mo e si J---" Bago pa matapos ni Gretch yung sasabihin niya e binato ko siya ng unan na malaki and iyon napalakas yata dahil tumama yung ulo niya sa pader. Hahaha. Malamang bukol yan. Haha. "Aray ha! Nakakarami ka na sakin !." Sabi ni Gretch. "Ikaw kasi kanina ka pa. Ang daldal mo." Sabi ko. "Manahimik ! Eh bakit nga ang saya mo kanina pagkatapos mo siyang makausap. Atska diba matagal ng may gusto sayo yun?." Pang iintriga ni Capt. Tsismosa rin minsan 'to e. Hahaha. Secret lang natin 'to a." Wala, Let's just say na may nagawa lang siyang mabuti kaya ganon yung ngiti ko atska wala e friendzoned siya sakin." Sabi ko. Tumango-tango nalang sila. "Manuod na nga lang tayo." Sabi ni Ate Fille. Kaya iyon nanuod na kami pero syempre hindi romance nakakauta yun. Hahaha. Inspirational movie yung pinapanuod namin.

Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon