ALYSSA'S POV
Looking at her like this makes me want to protect her eventhough Den's sleeping halata mong broken sya. Yung mukha nya may tuyong luha, She's not the Dennise that I met and loved. "Hay besh, If only I could take that pain away." Bulong ko at kinumutan ko na sya atska ako bumaba nasasaktan kasi ako na makita syang ganito.
"Oh, Ly? Parang mas ikaw pa yung broken hearted kesa kay Den a?" Tanong ni Capt. nung umupo ako sa tabi nila. Nanunuod kasi sila ng cartoons pero halata mo ring affected sila sa nangyari lalo na yung Bebes. Sino ba naman ang may gusto na masaktan si Den nung gilagid na yun. "Hayyy. Hindi naman Capt." Sagot ko. "May problema ba Dude?" Tanong ni A na nasa tabi ni Capt. "Wala naman Dude, Aishhh. Ewan." Sagot ko sa kanya. "Capt. Labas lang po muna ako." Pagpapaalam ko kay Capt. "Sige, Basta bumalik ka agad. Baka hanapin ka ni Den." Sabi nya, Tumango na lang ako at lumabas.
Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung bakit ako nagkakaganito. Nalilito ako, Yung feeling na gusto kong protektahan at alisin lahat ng pain na nararamdaman ni Den pero hindi ko alam kung paano.
May something na pumipigil sakin na gawin yun. Yes, I do love Den so much. Natatakot ako na mag effort ng sobra tapos sa bandang huli masasaktan lang ako dahil hindi pa sya nakaka move on kay LA. Atska gusto kong burahin sa mundo yang si LA na yan.
Pagkatapos kong pagkatiwalaan gagantuhin lang si Den. Wag lang sya papakita sakin nakoo talaga, Manghihiram yun nang gilagid sa aso. Naiinis din ako sa sarili ko kasi what if pinaglaban ko tong nararamdaman ko kay Den? Siguro masaya sya, masaya kami edi sana hindi sya nasasaktan ngayon. Kung di lang ako naduwag e :(
Sa sobrang kalutangan ko ay hindi ko namalayan na nasa Gym na pala ako. Buti na lang at walang tao kaya nahiga ako sa gitna ng Gym.
"Dude?" "Shit !" Sigaw ko dahil nagulat ako. Paglingon ko ay nakita ko sila Dude na tawa ng tawa. "Ba't ba kayo nanggugulat?' Asar kong tanong sa kanila. "Kanina pa kami nasa tabi mo pero hindi mo kami napansin dahil sa lalim ng iniisip mo." Sagot sakin ni Dude Gretch. "May problema ka ba Dude?' Tanong naman ni A. "Oo nga? Si Den ba o si LA? Ano banatan na natin oh." Sabi ni Marge at pinatunog pa yung mga daliri nya. "Eh kung kay Jirah kaya kita ipabanat?" Tanong ko sakanya. "Joke lang e. Ano nga yun?" Tanong ni Marge.
"I don't know maski ako naguguluhan e. You know that I love her right? Pero ba't ganon natatakot ako sa nararamdaman kong 'to. Half of me saying that I want to protect her but half of me says no." Sabi ko at nagbuntong hininga.
"Ngayon ka pa ba matatakot? Ngayong kailangan ka nya? Ngayong may chance ka na iparamdam sa kanya na mahal mo sya? Dude, Hindi ka natatakot sa nararamdaman mo, Natatakot ka na masaktan ulit. Natatakot ka na baka masayang yung effort na gagawin mo. Akala ko ba you'll risk everything for her?" Sabi ni Dude Gretch. "Yeah, ngayon ka pa ba aatras e may laban ka na. You said that you'll risk everything for her. Everything means lahat, Even your heart and your feelings are counted. Eh ano naman kung masayang yung effort mo? Atleast nagawa mo yung part mo bilang bestfriend nya and naparamdam mo na mahal mo sya." Dugtong ni Dude A.
"Nasa kanya na yun kung ano yung magiging decision nya. If she'll love you back or she'll treat you just like before. Risk your heart, Help her move on malay mo in the process may magandang ibunga yun sa future." Dugtong ni Marge. Kung di lang seryoso tong usapan na 'to e baka matawa na ko kasi naman e dugtong dugtong yung sinasabi nila.
"Don't overthink about the future Dude. Just enjoy the moment na may chance ka to be with her. You know you should make her happy instead na magisip ka ng kung anu-ano dapat iniisip mo kung pano mo sya mapapasaya." Pahabol pa ni Dude Gretch.
Tama nga sila. Why am I over thinking the future kung pwede ko namang simulan kung ano yung gusto kong maging bunga sa future? "Thank you Dude, Kung wala kayo baka nabaliw na ko sa kakaisip." Sabi ko sakanila. "Sus, matagal ka na kayang baliw. Haha." Sabi ni Marge. "Kanina ka pa a." Sabi ko sakanya at binatukan sya. "Aray !" Pasalamat ka mabait ako." Sabi nya kaya binato namin sya nung tsinelas namin at nagtatakbo na kami palabas ng Gym.
![](https://img.wattpad.com/cover/24102207-288-k627029.jpg)
BINABASA MO ANG
Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)
Fanficnakaranas ka na ba ng Annoyed at first sight? Yung tipong unang kita mo palang sa kanya kumukulo na dugo mo? Kulang nalang isumpa mo siya sa tuwing magkakasalubong kayo? pano kung isang araw magising ka na Mahal mo na pala siya? Handa mo bang tangga...