Chapter 49: Confused...no more

13.2K 225 7
                                    

JIRAH'S POV

" Tagaytay, August 10th 8pm." Yan yung nakasulat sa papel na binigay sakin ni Marge.  August 10? Eh anong araw na ba? Tinignan ko naman sa sa cellphone ko kung anong date na. August 3 palang. Meron pa kong 1 week ! Arghhh ! Marge naman e. Ginugulo mo yung puso't isipan ko. Huhuhu. Bakit ka ba ganyan?. Kanina nung sinabi nya na nagseselos sya parang gusto komg magtatalon sa tuwa. Hindi ko alam kung ano ba talaga yung nararamdaman ko para sa kanya. Yes, She's important to me kasi nga diba bestfriend ko sya. Pero iba e, pag hinahawakan nya ko may nararamdaman akong sparks, the way she looks at me may sparks e. Pagsinasabihan nya ko ng mga bagay na maganda ka, mag ingat ka, at Iloveyou ay nakakaramdam ako ng kilig na hindi ko pa nararamdaman  nung kami pa ni Rex. Pag may kasama syang iba nasasaktan ako, pag nakita ko syang masaya sa iba nasasaktan ako. Arghhhh ! Ano ba 'tong nararamdaman ko. Ginugulo mo utak ko Marge !

"JIRAAAAH ! AALIS NA TAYOOOO !" Sigaw ni Bebe Dzi. Dali dali naman akong bumaba dahil baka mabomba nanaman ako non. Pagbaba ko ay lahat sila nakatingin sakin. "Bakit ganyan itsura mo? Mukha kang natatae na ewan?." Sabi ni Bebe Dzi. "Nakoo Baby Ji. Ilabas mo na yan, maaga pa naman." Sabi ni Ate Ella. Binatukan ko lang sya buti na lang at malapit sya. Narinig ko naman na nagpipigil nang tawa yung mga Team mates ko. "Tsee. Hindi ako natatae, wala may gumugulo lang sa isip ko. Tara na nga." Sabi ko sakanila at lumakad na palabas. Napansin ko na wala din don si Marge. Umano nanaman kaya yon?. Wala na rin sa labas yung sasakyan nya. Baka nauna na sa hospital. Di man lang ako hinintay. "Bebe, pagusapan natin yan mamaya. Tara na." Sabi ni Bebe Fille at hinatak na nga ako papasok sa Van ni Bebe Dzi.

Buong byahe ay tahimik lang ako. Pagkinakausap naman nila ako e tango at iling lang yung sagot ko. Tinitimbang ko kasi kung ano talaga yung nararamdaman ko. Sasabihin na nya yung mahal nya sakin. Hindi naman ako yun pero bakit nakakaramdam ako ng sakit. Naiimagine ko yung sarili ko habang may binabanggit syang pangalan ng babae o lalaki. Hindi ko kaya na sa bibig nya mismo manggaling na may iba syang Mahal. Hayss naman kasi e Jirah tatanong tanong ka tapos ngayon na sasabihin na nya yung sagot aayaw ka pa.

"HOYYY ! JIRAAAH BABA NAAAA !". "Ay, may mahal syang iba--- Ano ba yan Bebe Fille. Makasigaw ka naman !." Sigaw ko sa kanya. "Kanina ka pa po kasi namin tinatawag dahil nandito na po tayo at sino naman yang may mahal ng iba?!" Sarcastic nyang tanong sakin. "Eto na bababa na. W-wala." Sabi ko at bumaba na nga sa Van. Habang naglalakad kami ay para akong lutang, wala akong pake kung may nababangga man ako. Naririnig ko naman na nagsosorry si Bebe Fille sa mga nababangga ko.

Pagkarating namin sa room ni Ate Ly ay naabutan ko si Marge na nakaupo sa gilid ng kama ni Ate Ly at nanunuod lang ng TV. Hindi ko na lang sya pinansin dahil hindi nya rin naman ako pinansin ni hindi nya nga kami nilingon e. Pumunta na lang ako sa tabi ni Bebe Den at kinamusta sya. "Bebe, kamusta ka na?" Tanong ko sakanya. "Okay naman. Pagod lang." Sabi niya. "Eh ikaw kamusta?." Tanong nya sakin. "Ha? Okay lang naman." Sabi nya at tinitigan ako para bang binabasa nya yung expression ng mukha ko. "Hmm. As far as I can see, hindi ka okay and parang may gumugulo sayo. So tell me, ano yun?." Sabi nya. Kelan pa to natutong magbasa ng expression ng tao? Nahawa na yata to kay Ate Ly. "Haha. Nahawa ka na yata kay Ate Ly e Bebe. W-wala random things lang naman. Nothing to worry about." Sagot ko sakanya. "Haha. Ganon talaga, tinuro nya sakin yun e :p. Sure ka a? Basta nandito lang ako always pag kailangan mo ng payo or whatever." Sabi nya sakin. Nginitian ko lang naman sya.

DENNISE'S POV

"Oh, Nandito na pala yung ipapakilala namin sayo Den." Sabi ni Bebe Dzi. Tinignan ko naman kung sino yun. O_o yan yun itsura ko nung nakita ko sya. Agad agad akong tumakbo palapit sa kanya at niyakap sya. "Jiaaaaaa !." Sigaw ko, nagtataka ba kayo kung bakit ganto yung reaction ko? Well, Team mate ko sya dati sa CSA eh parang kapatid ko na 'to e. "Arrk, Ate Den, uso bumitaw. I can't breathe." Sabi nya napabitaw naman agad ako sakanya. "Ay. Sorry na. Haha. Namiss lang kita. Bakit di mo sinabi na sa Ateneo ka pala magaaral. Daya mo talagaaa." Sabi ko sakanya. "Syempre para surprise. Haha. Mukha namang nasurprise ka e." Sabi nya. Loko talaga tong batang 'to. "Magkakilala kayo?!." Tanong ni Mae. "Shunga ka rin e noh Mae? Sa tingin mo ba ganyan magiging reaction ni Besh and Jia kung hindi sila magkakilala. Utak Mae, Utak. Alam mo kasi yung utak ginagamit yan hindi yan binuburo." Sabi ni Ella, ayan nanaman silang dalawa. Natawa na lang kami sa kalokohan ng dalawang 'to. Haha. "Tama na Guys ! Baka magising pa si Besh Ly e. And yes, magkakilala kami ni Jia, Team mate ko sya sa CSA before." Sabi ko. "Baka nga magising Den. Hahaha." Sabi nila. Baliw e"And anong pangalan mo?" Tanong ko don sa isang babae na nakatayo katabi ni Jia. "Michelle Morente po." Sabi niya. "Jia and Mich, Sya si Alyssa Valdez, team mate din natin sya, She's in coma because of an accident." Sabi ko sakanila. "Whooo... totoo nga na magiging team mate ko na si Phenom." Sabi ni Mich. Ano daw phenom? "Phenom?" Tanong ni Ate Jem kay Mich. "Opo, phenom po kasi yung tawag sa kanya sa School namin dati, Kaya po Phenom kasi magaling talaga sya sa Volleyball and Humble pa." Sabi ni Mich. Ngayon ko lang nalaman yung Phenom yung tawag kay Besh. Yari ka sakin pag gising mo besh Phenom pala a. Hahaha.

Enemies Turns to LOVERS? (Alyden Ft. Ateneo Lady Eagles)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon