Link 6 of 6 (Tayo)

76 7 1
                                    

Keno's Profile (Link 6 of 6)

OK. Alam mo na kung sino ako. Alam mo na kung sino ikaw. Alam mo na kung sino sina Mang Dador, Kuya Baste, Dr. Onibas, Ms. Lina, Ms. Genny, at Shey. Alam mo na rin kung sino o ano ang Gamma Maxima at kung ano ang ginawa nila sa amin sa mundong pinanggalingan ko. Ngayon naman, alamin mo kung paano natin matutupad ang napakalaking misyong ito sa pamamagitan ng mga kaalaman at bagay-bagay na meron tayo.

Sinabi ko na ito dati. Ang pagwawakas ng misyong ito ay nakasalalay sa iyo, hindi lang dahil sa ikaw ang pwedeng magdala kina Kuya Baste at Mang Dador sa mundong ito, kundi dahil na rin sa ikaw mismo ang nakatakdang kikitil sa pisikal na katawan ng panginoon ng kadiliman na pinagmumulan ng buhay ng mga taong walang kaluluwa. Lahat ng bagay ay may simula, may katapusan, may pagbabago, at higit sa lahat, may dahilan. Marami ka pang dapat malaman at maintindihan. Sa ngayon, ang pinakaimportante sa lahat ay ang matanggap mo sa sarili mo na ikaw ay may halaga. Ikaw ay mahalaga kahit ano pa ang mga bagay-bagay na bumabagabag sa iyo ngayon. Ikaw ay mahalaga kahit walang ibang taong nagsasabi sa ‘yo nito o naniniwalang totoo ito. Ikaw ay mahalaga dahil ikaw ay nilikha ng Diyos.

Kung natatandaan mo, sinabi ko sa blog posts ko na pinaghandaan ko ang solar superstorm na mangyayari sa pagpatak ng unang segundo ng taong 2020 sa totoong mundong pinanggalingan mo. Isa sa mga nagpahirap sa amin noon sa mundo at panahon ko ay ang kawalan ng power source dahil sa pagkasira ng lahat ng power plants at sa limitadong galaw ng binuo naming hukbo. This time, nagawa ko nang mag-preserve ng iba’t ibang uri ng electric energy sources na pwede kong gamitin para i-resume ang operation ng iniwang secret robotics technology manufacturing station ni Mang Dador.

Ginawa ko rin lahat ng pwedeng gawin para masigurong hindi mapipinsala ang condominium sa ibabaw nito, kung saan ko inimbak lahat ng supplies, materials, at iba pang mga gamit na kakailangin natin. Sa tulong ni Ms. Genny, may mga nagawa na akong mga armas at mga robotic armors para may magamit kaming pang-depensa habang nag-uumpisa pa lang maging fully operational ang manufacturing station. Mabuti na rin at nakausap ko si Dr. Pattersmith dahil bukod sa pagpapakalat ng impormasyon tungkol sa pagiging ligtas sa parating na solar superstorm, binigay niya rin sa akin ang listahan at mapa ng lahat ng mga locations ng secret underground laboratories na pwede naming magamit kung sakaling mawasak ng Gamma Maxima ang mga existing technologies ng mundo.

Isa sa mga pinakaimportanteng laboratory sa listahan ni Dr. Pattersmith ay ang genetic and biotechnological engineering institution kung saan ginagawa ang fully developed na human-cloning technology. Kapag nailigtas ko ang laboratory na ito, magagamit namin ito para i-clone ang pinakamalakas at pinakamagaling na fighter ng rebeldeng grupo na nakumbinsi kong sumapi para sa misyong ito. Dahil magiging limitado ang resources natin, magfo-focus tayo sa pag-clone ng isang tao lamang.

Ang mga clones ang magiging frontline ng kampo natin laban sa mga taong walang kaluluwa. Hahatiin natin sila sa ilang grupo at pamumunuan sila ng mga kasama nating pulis, sundalo, at rebelde. Magsasagawa rin ng puspusang training sa pakikipaglaban at sa paggamit ng mga ginawa naming armas at robotic armors. Isa sa mga grupo ng clones ay tutulong din sa pag-construct ng mas malaking defense systemng kampo natin. Sila din ang makakatulong namin sa paggawa ng mga robotic vehicles at iba pang technology para sa survival nating lahat. Sana lang ay matuloy ang planong ito dahil kahit sa mga miyembro ng Gamma Maxima sa bansang ito pa lang, sobrang outnumbered na tayo kung wala ang clones.

Sa Tukador ni Mang DadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon