Link 3 of 6 (Siya)

75 6 0
                                    

Keno’s Profile (Link 3 of 6)

Sa pagpapatuloy ng pagbabahagi ko sa iyo ng misyong ito, nararapat lang na maski papaano, makilala mo isa-isa ang mga taon may malaking papel sa pakikipaglaban natin para mawakasan ang paghahasik ng lagim ng Gamma Maxima at mapigilan ang kanilang tuluyang paghahari sa buong sangkalawakan. Sino nga ba si Mang Dador? Ako nga mismo ay walang sapat na nalalaman tungkol sa pagkatao ng pinakamatalinong tao na nakilala ko. Pero narito ang ilang mga kailangan mong malaman tungkol sa misteryosong taong ito.

Si Dr. Dominador Onibas ay mas nakilala bilang si Mang Dador mula nang kumalat ang mga sabi-sabi tungkol sa kanyang mga kakaibang experimento at mga imbensyon sa kanyang lihim na laboratoryo sa loob ng kanyang malaking mansyon. Dahil sa kanyang pambihirang katalinuhan at di-mapantayang pagpupursigi sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman, maituturing siyang henyo sa iba’t ibang larangan ng science, kabilang na ang mga napakahirap at di-pangkaraniwang fields gaya ng radiogenetic engineering, psychoelectro-chemistry, autorobotic technologies, at quantum mechanics. Marami rin siyang nalalaman sa world history, anthropology, ancient philosophy, at iba pang larangan ng humanities.

Nakapasok na ako sa kanyang underground laboratory kung saan nakalagay lahat ng kanyang mga high-tech na machines, tools, at mga apparatus. Sa isang kuwarto sa loob nito nakalagay ang kanyang mga files at mahahalagang specimen sa mga experimento. May storage room din kung saan naka-secure ang kanyang mga importanteng materials at supplies. Ang hindi alam ng ibang mga tao (pati ng kanyang anak), may basement pa ang mala-supermarket na underground laboratory ni Mang Dador. Ang basement na ito ay tinatawag na ‘danger room’ kung saan niya isinasagawa ang mga delikadong experimento o testing ng kanyang imbensyon at mga maselang proseso na madalas ay nangangailangan ng malaking space. Ito rin ang nagsilbing refuge center namin noong nangyari ang solar superstorm.

Marami nang natuklasang misteryo si Mang Dador at may idea na siya kung paano nangyari ang ilan sa mga pambihirang bagay-bagay na nangyari sa ancient world  na hindi pa rin maipaliwanag ng science hanggang ngayon. Kung saan-saang lupalop ng daigdig siya pumupunta para mangalap ng mga impormasyon at ilang ebidensya na makakatulong sa kanyang pagtuklas sa mga misteryong ito. Isang araw, natuklasan niya ang grupong Gamma Maxima at dahil sa kanyang pagnanais na malaman ang madilim na sekreto ng kultong ito, pinain niya ang kanyang sarili para gawin siyang bihag ng mga miyembro nila sa bansang ito. Noong panahong iyon niya natuklasan na ang kanyang kakambal na si Artemio – ang aking lolo na habangbuhay nanatili sa kanyang bata at malakas na anyo – pala ang inatasang pinuno ng Gamma Maxima sa bansa natin. Pero dahil sa di-pangkaraniwang talino ni Mang Dador, nakatakas rin siya matapos ang limang araw ng pagkabihag sa kanya.

Oo, kadugo ko ang taong nagbuo ng misyong ito at kadugo ko rin ang taong makakalaban ko sa pagpasok ng taong 2020. Nang malaman ni Mang Dador ang nangyari sa kanyang mahal na kapatid, mas pinaigihan pa niya ang pagplano para masalba ito mula sa puwersa ng kadiliman. Alam niya rin noon na anumang oras ay matatagpuan din siya ulit at mapapatay ng mga taong walang kaluluwa bago niya mabuo ang plano para matalo ang kampon ng kasamaan sa araw ng huling pagtutuos.

Kakabalik lang ni Mang Dador sa mansyon nang ipinanganak ang bunsong anak ni Lolo Artemio sa asawa ng kanyang katiwala pero walang kaalam-alam ang lider ng kulto tungkol dito. Para mailayo ang walang kamuwang-muwang na sanggol sa madilim na mundo ng kanyang ama, minabuti ni Mang Dador na ipaako sa kanyang katiwala ang pagiging ama nito kaya mula noon, ang kanyang pamangkin ay kinilala na siyang amo. Ang batang iyon ay walang iba kundi si Kuya Baste, ang taong tinatago ko sa pangalang Teban at ang aking bestfriend sa panahon ni Kyle. Ngunit unfortunately, hindi nakaligtas ang bata sa itinakda ng propesiya sa kanyang pagkatao.

Sa Tukador ni Mang DadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon