Link 1 of 6 (Ako)

95 8 0
                                    

Keno’s Profile (Link 1 of 6)

Magaling!

Kung nababasa mo ito at ang mga naka-hide na post sa blog ko, ibig sabihin nagtagumpay ako sa unang bahagi ng misyong ito. Hawak mo ngayon ang aking phablet na solong naka-connect sa isang special na server kung saan naka-save ang highly encrypted na mga content ng blog site ko para masigurado na wala nang ibang pwedeng maka-access ng account na ito maliban sa iyo, ang napili kong bayani na magptapatuloy sa nasimulan kong laban para sa kapakanan ng sangkatauhan.

Ako si Genesis Aquino, mas kilala sa palayaw na ‘Ges’, pero noong bata pa ako, may isang tao na tinatawag akong ‘Keno’. Isa ako sa iilang nakaligtas sa malawakang pag-atake ng Gamma Maxima, isang evil secret society, na nagdulot ng sunod-sunod na mga pagsasabog, pagkalat ng mga abo at burning debris sa atmosphere, pagkasira ng lahat ng power plants at communication stations, at higit sa lahat, pagkalason ng hangin at tubig sa buong mundo. Sa madaling salita, isang himala ang naganap at mayroong iilang nabuhay pa pagkatapos ng nangyaring apocalyptic event noong January 1, 2020. Take note: hindi ang nangyaring solar superstorm ang totoong nagdulot ng worldwide disaster.

Ang totoo niyan, nanggaling ako sa taong 2029 at sa hindi inaasahang pagkakataon, nakabalik ako sa taong 2019 para maumpisahan ko ang isang napakalaking misyon laban sa Gamma Maxima.Impyerno ang naging buhay ng mga survivors sa panahong pinanggalingan ko. Iilan na lang kami ang natitirang buhay noon. Ang iba, kung hindi namatay sa gutom o pinatay para gawing pagkain ng ibang tao, ay binihag ng Gamma Maxima para gawing kasapi nila. Para hindi ka malito, ikukuwento ko muna sa iyo ang mga nangyari sa totoong panahon ko.

Teenager pa lang ako noong nangyari ang sinasabing “End of the World”. Kasama ko noon ang aking bestfriend na si Shey at ang aming dating teacher na si Ms. Genny sa isang laboratoryo. Doon kami  pinapunta ng taong nagligtas sa amin, si Dr. Dominador Onibas na mas kilala sa pangalang Mang Dador. Dati kasi, may binigay siya sa akin na isang sulat na nagsasabing sa kanyang laboratoryo ako dapat manatili kasama ang aking mga mahal sa buhay at iba pang mga tao bago sumapit ang January 1, 2020. Pero bago pa kami nakapunta sa lugar na iyon, sumugod ang  Gamma Maxima sa bahay namin at kaming tatlo lang ang nakaligtas.

Ilang oras bago maghatinggabi, lumabas ako ng laboratoryo para magbakasakali na may ibang tao pa na sasama sa aming pagtago sa nasabing ligtas na lugar. Mabuti naman at may mga nakita akong ibang tao na naniwala sa aking babala. May ilang mga bata rin sa eskwelahang malapit sa laboratoryo na nakapagtago nang sumalakay sa lugar namin ang mga taong walang kaluluwa.  Ayon kay Mang Dador, ako talaga ang gustong patayin ng Gamma Maxima dahil alam nilang ako ang sinasabi ng propesiya na magsisimula ng kanilang pagbagsak. Dinamay lang nila ang sinuman na pumipigil sa kanilang paghahanap sa akin. Dahil sa pagkabahala sa nasaksihang pagsalakay ng Gamma Maxima, marami pang ibang tao ang nakumbinse kong sumama sa aming pagtago sa laboratoryo. May iba pa nga na humabol ilang minuto bago maghatinggabi.

Taong 2018 nang una at huling beses kaming nagkita ni Mang Dador pagkatapos ng limang taon. Nagmamadali siya kaya minabuti niyang isulat na lang lahat ng mga dapat niyang sabihin sa akin. Ang sabi niya, ako daw ang kanyang napili na magsisimula sa isang misyon na matagal na niyang pinagplanuhan. Hindi ko maintindihan ang iba pang mga nakasulat doon. Basta ang alam ko, kailangan kong puntahan ang kanyang inabandonang mansyon na ginawang kampo ng mga taong walang kaluluwa. Nasa isang tukador niya daw nakatago ang mga armas na kakailanganin ko para malabanan ang Gamma Maxima at ang iba pang mahahalagang mga bagay na tutulong sa akin sa pagtupad ng aking misyon. Wala na daw pag-asang mailipat pa niya ang kanyang tukador sa bago niyang laboratoryo dahil padami nang padami na daw ang mga bumaba ng bundok na miyembro ng kulto na iyon para tugisin siya. Pero may ginawa daw siya para kailanman, hindi nila pwedeng buksan o lapitan man lang ang tukador na iyon.

Sa Tukador ni Mang DadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon