Page 4 of 8 (Puso)

89 8 0
                                    

Keno’s Recent Posts (Page 4 of 8)

August 30, 2019 – 7:24PM, published

Hindi ko pwedeng sabihin kahit kanino kung kelan ang totoo kong kaarawan kaya noong tinanong ako nina Mr. Sabino, ang petsa ngayon ang unang pumasok sa isip ko at nasabi sa kanila. Ayoko sanang lokohin sila pero kailangan ko talagang itago sa kanila ang totoo kong pagkatao. Anyway, nakakatuwang isipin na nag-abala pa talaga ang pamilya nila para i-celebrate ang “birthday” ko. May konting salu-salo pero ang pinakaimportante sa lahat, palihim nilang inimbita ang girlfriend kong si Fina at ang bestfriend kong si Teban para sorpresahin ako. Napakasaya ko ngayong araw kaya kahit papaano, nabawasan ang aking pangamba para sa aking misyon.

View 24 Comments

August 25 2019 – 4:07AM, published

Patuloy pa din ako ngayon sa paghahanap ng mga taong pwede kong lapitan para hingan ng suporta. Marami-rami na rin ang mga nailista kong contacts. May mga engineers at head operators ng telecommunications, broadcasting, data centers, at iba pang electronic communications systems company. Meron ding mga CEO at directors ng iba’t ibang power plants at local oil producers. Sa ngayon, kailangan ko pang magkaroon ng contact sa mga government offices, lalong lalo na sa mga science at environment institutions. Kahit nga mga rebeldeng nagtatago sa mga bundok nasubukan ko na ring lapitan para makagawa rin sila ng sarili nilang paraan para mapaghandaan ang nalalapit na apocalyptic event.

View 35 Comments

August 22, 2019 – 11:25AM, published

Naisipan ko kagabi na gumawa muna ng listahan ng mga contacts ng mga taong may-ari o may mataas na posisyon sa mga kompanya at mga institutions na may kinalaman sa paghahanda sa paparating na solar superstorm. Alam kong napakaliit ng posibilidad na makumbinsi ko ang bawat isa sila pero kung paghahandaan kong maigi ito, di-hamak na mas maitataas ko pa ang chances. Mas maraming tao ang malalapitan ko, mas posible na may iilan sa kanila ang maniniwala at magbibigay ng kanilang suporta sa aking misyon.

View 34 Comments

August 20, 2019 – 5:41PM, published

Thank you, Lord! Natuloy din sa wakas ang lakad namin ni Fina. Actually, ngayon ang unang date namin mula nang naging kami na officially. Hindi ko nga akalain noon na balang araw mamahalin din ako ng babaeng matagal ko nang pinapangarap. Lalo tuloy akong na-inspired na magtagumpay sa misyong ito.

Marami kaming napag-usapan at mas nakilala pa namin ang isa’t isa sa buong araw naming pamamasyal sa mall. Nalaman kong halos magkasabay lang pala kaming naulila sa magulang at pareho din kaming nasa pangangalaga ng mga pangalawang magulang. Siya, sa tiyahin at tiyuhin niya. Ako naman, sa Pamilya Sabino na mga hindi ko kaanu-ano pero tinuring akong tunay na kapamilya.

Napagkwentuhan din namin ang tungkol sa misyon ko. Hindi naman sa mas may tiwala ako sa kanya kesa kina Mr. Sabino, pero pinili kong ipaalam kay Fina ang halos lahat ng detalye ng mga plano at paghahanda ko. Naisip ko kasi na makakatulong siya dahil isa siyang mechanical engineer. Bilang isang aspiring physicist, sa tingin ko ay mas mapapabilis at mapapaigi ang construction ng dinesign kong Faraday Cage para sa kinuha kong secret condo unit. May background din siya sa mga engines at electromechanical systems. Plus, kabisado niya ang mga physical at chemical properties ng iba’t ibang uri ng metals na kakailanganin sa mga nakaplano kong projects kapag nalampasan ko ang pagtawid ng bagong taon.

Sa Tukador ni Mang DadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon