Page 2 of 8 (Alam)

229 9 0
                                    

Keno’s Recent Posts (Page 2 of 8)

  

December 19, 2019 – 4:18PM, published

Napagkasunduan namin ni Teban na magkita bukas para matulungan niya akong pumuslit sa mansyon ni Mang Dador. Bukod sa pinapakuhang detector ni Mang Dador, marami pa akong katanungan na sa tingin ko ay masasagot ng kung anuman ang mahahanap ko sa lugar na iyon. Delikado man, kailangan ko ding magmanman sa secret society na kulto o kung ano man ang tawag sa grupo nila para malaman kung paano ko magagamit ang nakuha kong kristal na pagmamay-ari nila at ang kukunin kung detector.

View 386 Comments

  

December 18, 2019 – 6:57PM, published

Information overload. Pahinga muna ako. Andami kong nakalap na mga impormasyon at andami pa ring mga katanungan na gumugulo sa isip ko. Sa mga oras na ito, pinag-iisipan ko ang tungkol sa isang desisyon na baka ikapahamak ko.

View 345 Comments

December 17, 2019 – 2:19AM, published

Mahimbing na ang tulog ko kanina nang bigla akong ginising ng alarm ng isang highly important notification sa phablet ko. May video message si Teban. Agad-agad niyang pinakita sa akin ang mga newspaper clips na nakalap niya tungkol sa rumored na secret society na nangingidnap ng kabataan para gawing alay. Ayon sa mga sabi-sabi, ang mga babaeng nahuhuli nila ay hinihiwaan ng korteng baliktad na krus mula sa ilalim ng leeg papuntang pusod para ialay bilang papuri sa kanilang panginoon. Ang mga lalaki naman daw ay sinasaksak sa puso para naman gawing alay na magpapalakas lalo sa panginoon nilang nagkatawang tao.

May mga pinakita din siyang litrato ng mga bakas ng kakaibang ritwal sa mga liblib at abandonadong lugar. Naguguluhan ako. Tama ba ang naiiisip ko? Sila nga kaya ang may kagagawan nun? Paano ko makukuha sa kamay nila ang pinapakuha ni Mang Dador?

View 647 Comments

December 16, 2019 – 10:51AM, published

Sa pagpapatuloy ng research ko, napag-alaman kong ‘Baphomet’ daw ang pangalan ng panginoon ng kadiliman na pinaniniwalaang maghahasik ng lagim nang buong lakas kapag paparating na ang sinasabing End Times. Siya yung demonyong may katawang tao pero ang kanyang ulo ay kagaya ng sa kambing pero mas malalaki at mahahaba ang magkabilang sungay. Hindi ko alam kung paano siya nakilala at naging panginoon ng mga Satanic secret societies.

Isa ang Illuminati sa mga rumored na secret societies na sumasamba kay Baphomet. Batay sa mga naresearch ko, napakalaki daw ng posibilidad na halos lahat ng mga numumuno sa mundo – hindi lang ang mga nasa pulitika at relihiyon, kundi pati na rin ang mga malalaki at maimpluwensyang tao sa iba’t ibang uri ng industriya, lalong lalo na sa media – ay mga kasapi ng grupong ito at unti-unti na nilang tinutupad ang misyon na binigay sa kanila ng kanilang panginoon.

May mga nagsasabi din na ang mga fallen angels daw ay nagkatawang tao at nagkaroon ng mga anak sa mga babaeng tagalupa. Dumami ang lahi nila at sa panahong ito, ‘Reptilians’ daw ang tawag sa descendants nila dahil sa mala-reptile na mata nila na kahit tinatago nila, ay nakukunan minsan ng camera kapag nagta-transform ang mga ito. Samantala, may mga naniniwala din na ang Nephilims na binanggit sa libro ng Genesis ay mga nilalang na mukhang tao pero kakaiba ang anyo at may pambihirang mga kakayanan. Nag-asawa din sila ng mga taga-lupa at nagkalat ang kanilang mga descendants na kalauna’y nagtayo ng kaniya-kaniyang secret societies.

Sa Tukador ni Mang DadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon