Page 8 of 8 (Simula)

74 7 0
                                    

Keno’s Recent Posts (Page 8 of 8)

February 3, 2019 – 7:32PM, published

In a few days, sasabak na ako sa una kong paglakbay sa isang lugar na hindi ko pa napuntahan. Nasimulan ko na ang paghahanda ng mga kakailanganin ko, lalong lalo na ang mga travel aids, survival/first aid kit, GPS gadgets, at iba pang communication devices. Nakahanda na rin ang multimedia presentation ko para sa pag-uusap namin ng lider ng pinakaunang rebeldeng grupo na lalapitan ko. Kailangan ko talagang maghanda para masagot ko sa kanila lahat ng pwede nilang itanong. Sa pamamagitan nito, mas mapapadali ang pagkumbinsi ko sa kanila na gawin ang mga preventive measures para makaligtas sila sa paparating na malawakang catastropic event.

Ang grupong ito ang pinili kong unang puntahan dahil sila ang may pinakamaraming mga miyembro na nakakalat sa iba’t ibang lalawigan ng bansang ito. Kapag nagtagumpay ako na maligtas sila sa destructive effects ng upcoming solar superstorm, marami ang mga pwede kong makasama para sa bubuuin kong hukbo ng pagbangon. Marami ang makakatulong ko para malabanan ang puwersa ng kadiliman kapag dumating na ang tinakdang panahon. Iyon nga lang, kailangan mas igihan ko pa ang pag-disguise para makaiwas sa mga taong walang kaluluwa habang nasa biyahe ako.

Ang susunod na lalapitan ko ay ilang head operators ng mga telecommunication at broadcasting companies. Lalapit rin ako sa lahat ng mga power plants at pati na rin sa iba’t ibang scientific institutions. Lahat sila susubukan kong hingan ng suporta sa pagpapalaganap ng impormasyon, hindi lang sa pagsu-survive, kundi pati na rin sa pagprotekta ng mga gamit laban sa malawakang pinsala ng EMP na hatid ng solar superstorm. Alam kong mahirap at malabo ang chances pero susubukan ko ring lumapit sa mga taga-media at sa mga government offices. Baka sakaling may ilan sa kanila na maniniwala sa akin at baka sakaling may matyempuhan akong hindi miyembro ng secret society ng tumutugis sa akin.

May dalawang grupo ng mga rebelde pa pala na kailangan kong mapuntahan. Ang pangalawa ay ang grupo na kilala sa kanilang maraming armas at secret warefare technology. Ang pangatlo naman ay kinakatakutan ng gobyerno dahil sa kanilang natatanging battle strategies at galing sa iba’t ibang uri ng pakikipaglaban. Hindi problema kung magmatigas man ang mga grupong ito at ayaw nilang paghandaan ang pagdating ng taong 2020. Ang importante, masabi ko sa kanila ang mga bagay na unang una nilang gagawin sa oras na dumating ang malawakang delubyo para maligtas nila ang kanilang mga sarili at ang mga bagay bagay na kakailanganin nila para manatiling buhay sa mga susunod pang mga araw.

View 16 Comments

January 30, 2019 – 4:20PM, published

Successful naman maski papaano ang unang paglabas ko ng bahay. Need ko kasing para magpa-convert ng cash at ngayong 30 days after ng bagong buhay ko, naisipan kong puntahan ang bakanteng lote malapit sa mansyon ni Mang Dador para sana makuha ang ibinaon ko doong kristal. Kagaya ng hinala ko, may mga miyembro ng kulto na nag-iikot malapit sa paligid ng masyon para bantayan ang pagbalik ko. Muntik na nga ako makita ng isa sa kanila kaya hindi na natuloy ang paglapit ko sa lugar na iyon. Anyway, thankful na din ako dahil meron na akong sapat na cash para tustusan ang aking mga lakad, kasama na ang nalalapit na journey ko sa isang bundok. May budget na rin ako para sa mga equipment at materials na bibilhin ko para masimulan ko na ang first batch ng projects ko.

View 16 Comments

January 27, 2019 – 8:13PM, published

Nagdadalawang-isip pa ako kung itutuloy ko bukas ang paglabas ko ng bahay, iyong as-in may konting byahe pa galing dito. Hindi pa kasi ako sigurado sa naisip kong paraan para hindi ako makilala ng mga miyembro ng kulto na naghahanap sa akin. Dito sa loob ng bahay nina Mr. Sabino, alam kong ligtas ako dahil hinding hindi sila makakalapit sa lugar na ito. Salamat kay Mang Dador sa binigay niyang pansamantalang pangontra na espesyal na perlas. Tatlong piraso lahat ang binigay niya sa akin. Ang isa, iniwan ko sa loob ng pinagtaguan kong cannister ng mahiwagang kristal kaya dalawa ang ginagamit kong pamproteksyon sa bahay na ito.

Sa Tukador ni Mang DadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon