Page 5 of 8 (Katapatan)

87 8 0
                                    

Keno’s Recent Posts (Page 5 of 8)

July 1, 2019 – 4:43PM, hidden

Nabanggit ko na pala sa mga post ko in the last 3 months ang mga pangalang Teban, Fina, Kelly, at Kyle. Sa totoong buhay, si Teban ay si Sebastian “Baste” Ibañez; si Fina ay si Geniva “Genny” Orrieta; si Kelly ay si Sheila “Shey” Minuervas; at si Kyle ay si Genesis “Ges” Aquino (kung nabasa mo ang pinakauna kong hidden post, alam mo na kung sino ang taong ito). Kagaya ng kay Dr. Onibas, minabuti kong ibahin ang pangalan ng bawat taong babanggitin ko sa mga posts ko sa blog na ito. Sinadya ko rin na ipaalam sa mga readers na may mga iniba akong detalye sa “pagkatao” ko pero may iilang bagay na hindi ko talaga pwedeng banggitin o ipaliwanag sa kanila. In this way, mas maliligaw ko ang mga taong naghahanap sa akin kung sakaling  may ilan sa kanila na kabilang sa mga subscribers ng blog ko.

Kung kilala mo ang totoong “Kyle”, alam mong hindi sila totoong magkapatid ni “Kelly” at hindi rin sila mga tunay na anak ng taong kumupkop sa akin. Ang totoong “Mr. Sabino” ay tumandang walang asawa at totoong mga anak. Iniwan siya ng kanyang dating asawa nang malaman na may diperensya siya sa kanyang sexual hormones at hindi niya kayang buntisin ang kahit sinong babae. Ang tinatawag ko namang “Mrs. Sabino” ay si Ms. Linao, ang kanyang personal nurse at secretary na baog din. Hindi sila pwedeng magkaroon ng relasyon ni “Mr. Sabino” dahil magpinsang buo silang dalawa.

Kagaya ko, adopted din si Shey. Si Dr. Onibas ang nag-ampon sa kanya dahil isang bata lang daw ang kayang buhayin ni Ms. Linao. Ako ‘yon.  Ang kuwento ng mga tao sa akin, dinampot at ginawang alay daw ng mga hinihinalang kulto ang mga magulang ko at mga magulang ni Shey kaya sabay kaming naulilang lubos. Dati na akong sinasama ni Ms. Linao sa bahay nina Dr. Onibas. Nang nagpasyang magsilbing personal nurse at secretary ng kanyang pinsan ang ina-inahan ko, napadalas ang pagkikita namin ng aking bestfriend. Magkaedad lang kami ni Shey kaya naging magkaklase kami mula elementary hanggang high school.

Si Ms. Orrieta ang naging adviser teacher namin ni Shey noong first year at kahit ilang taon na ang lumipas, close pa rin kami sa kanya at madalas namin siyang dinadalaw sa dating classroom namin. Ang totoo niyan, nagtapat ako 2 years ago kay Ms. Orrieta ng aking nararamdaman para sa kanya pero binasted niya ako dahil masyado daw akong bata para maging boyfriend niya kahit mahigit sampung taon na mula nang naging teacher ko siya. Bilang bestfriend ni Shey, kinuwento ko sa kanya ang tungkol dito at mula noon, unti unting naging madalas ang aming pag-uusap tungkol sa mga personal na bagay bagay. Sa madaling salita, nabaling ang aking pagtingin sa aking bestfriend kaya malamang  sa malamang, kaming dalawa sana ang nagkatuluyan kung hindi lang dumating ang di-inaasahang malaking pagbabago sa buhay ko.

Bago ako napunta sa mansyon ni Mang Dador, kung saan biglang nag-iba ang buong sitwasyon ko at napilitan akong mag-iba ng pagkatao, ang aming teacher ang nagsisilbing social worker na nag-aalaga sa mga batang nawalan ng mga magulang. Hangang hanga ako sa kanyang kabayanihan, lalong lalo na nang nilabanan niya ang mga halimaw na balak kunin ang mga paslit sa center na pinagsisilbihan niya nang walang bayad. Naalala ko tuloy ang naging madugong laban namin ni Baste noong gabing napadpad ako sa mansyon.

Mula ngayon, naka-publish o naka-hide man ang mga next post ko, paninindigan ko sa blog na ito na wala na akong kilalang  Dr. Onibas, Ms. Linao, Sebastian Ibañez, Geniva Orrieta, Sheila Minuervas, at lalong lalo na si Genesis Aquino. Paninindigan ko rin na sina “Kelly” at “Kyle” ay totoong mga kambal na anak nina “Mr. at Mrs. Sabino”, at silang apat ay isang pamilya. Si “Teban”, ang bago kong bestfriend, ay isang staff sa church, hindi sa katabi nitong law firm. Totoong lumipat ng condo (sa katabing unit namin) sina “Mr. Sabino” at “Kelly” pero hindi dahil nasunugan sila, kundi dahil may pinasabog akong bomba sa loob ng bahay at pinalabas kong kagagawan ‘yon ng gang na balak silang looban. Sinadya ko ang buong pangyayari dahil kasama ito sa plano kong protektahan sila laban sa secret society na tumutugis sa akin.

Sa Tukador ni Mang DadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon