Keno's Recent Posts (Page 1 of 8)
January 1, 2020 - published a few seconds ago
Maganda ang buhay!
View 0 Comments
December 31, 2019 - 11:18PM, published
Ito na marahil ang pinakahuli kong post. Sa ilang sandali lamang ay magkakaalaman na kung magtatagumpay ba ako na ibaihin o mabawasan maski papaano ang magiging epekto ng catastrophic event na ito. Handa na akong harapin ang bukas, lalo na ngayong hawak ko na ang pinakainiingatang yaman ng Gamma Maxima at ang "ultimate weapon" laban sa kanila.
Sa mga oras na ito, napag-isip isip ko na gaano man ka-advanced ang technology natin at gaano man kadami ang kaalaman ng tao, hinding hindi pa rin natin lubusang maco-control ang kalikasan. Maiintindihan man natin kung paano at bakit nangyayari ang mga bagay-bagay pero si God lang talaga ang may kakayahan at karapatang magtakda kung mangyayari o hindi ang isang bagay, kung kelan at saan ito mangyayari, kung gaano ito katindi o kahina, at kung anu-ano ang magiging epekto nito sa buhay natin.
Sana hinanda niyo rin ang mga sinabi ko sa inyo sa dati kong posts. Wala namang mawawala kapag naniwala kayo sa akin. Nasa inyo na ang desisyon.
Kung nalilito kayo sa mga pinagsasabi ko, malamang hindi niyo pa nabasa ang mga nauna kong posts. Balikan niyo ang pinakauna kong post para malaman niyo kung sino ba talaga ako at maunawaan niyo kung paano ko nalaman ang mangyayaring apocalyptic solar superstorm pagpatak ng bagong taon. Nasabi ko na rin sa pangalawa kong post kung paano ang magiging takbo ng mundong ito sampung taon mula ngayon sa kamay ng Gamma Maxima.
Hayan na, palakas nang palakas ang beep ng detector. Alam ko na anumang sandal bago mag-hatinggabi ay susugod silang lahat dito para kunin ang kristal. Nadiskubre na nilang hindi ko bangkay ang nasunog sa mansyon ni Mang Dador. Magkamatayan man, hinding hindi sila magtatagumpay. Hindi ko sasayangin ang sinakripisyo mo kaibigan para sa akin. Mananalo tayo sa laban na ito at babaguhin natin ang kasaysayan ng mundo! Hindi pwedeng sila ang maiiwang buhay sa pagtawid ng Bagong Taon!
View 982 Comments
December 30, 2019 - 9:45AM, hidden
Nalalapit na ang tinakdang panahon. Mangyayari na ang kinakatakutan ko. Kailangan ko na talagang makumbinsi si Mr. Sabino na dito na lang sa kanilang condo kami mag-aabang ng Bagong Taon. Huwag sa beach! Buti na lang at pinagkatiwalaan ako ni Fina. Handa na rin siya sa nalalapit na malaking pagbabago sa mundo kasama ko. Sayang at wala sa mga mahal niya sa buhay ang naniwala sa mga pinagsasabi namin.
Nahanda ko na ang mga kakailanganin kong materials at tools sa aking ginawang Faraday Cage. Buti na lang at nabili na nina Madam ang sina-suggest ko sa kanilang electric generator at UPS para sa computers nila. Ready na ang water purifier at may stock na kami ng malinis na tubig (nagtataka pa rin ang pamilya kung bakit masyado akong paranoid sa pag-stock ng ganito kadaming tubig). Marami-rami na rin ang naipong supply naming pagkain, gamot, at iba pang necessary goods. Salamat sa supersale ng SM Supermarket!
Siyanga pala, muntik na naman akong makita ng isa sa mga tumutugis sa akin. Mabuti na lang at palagi kong dala itong detector. Desperado na talaga sila sa paghahanap ng kristal.
View 0 Comments
December 29, 2019 - 1:07PM, hidden
Ayon kay Dr. Pattersmith, successful ang naging campaign niya noong nag-meeting sila ng mga fellow institute leaders niya. Tutulong daw sila sa pag-encourage sa mga tao sa kani-kanilang bansa nila na paghandaan ang nalalapit na world-changing catastrophy kung ayaw nilang bumalik tayo sa 19th century technology. Salamat naman kung naniniwala sila. Sa ngayon, okay na ang mga sugat ko kaya normal na ang galaw ko. Salamat din at hawak ko ang specialized EHF energy-detecting device na ito, nalalaman ko kaagad kapag may malapit o papalapit na mga naghahanap ng kristal.

BINABASA MO ANG
Sa Tukador ni Mang Dador
Mystery / ThrillerPagpasok ng unang araw ng taong 2020, kasabay ng mga paputok at mga naghihiyawang tao, ay ang pagdating ng isang malawakang catastrophic event. Bagong taon, bagong mukha ng mundo. May iilang survivors pero unti-unti rin silang mamamatay dahil sa nap...