Link 4 of 6 (Sila)

74 6 0
                                    

Keno’s Profile (Link 4 of 6)

Mapanganib ang mga taong walang kaluluwa. Bilang mga alagad ng dilim, wala silang puso kung pumatay. Lahat ng mga nagtatangkang pigilan sila sa kanilang maiitim na balak ay siguradong mapapahamak sa kanilang kamay. Marami silang mga koneksyon sa iba’t ibang dako ng daigdig. Sa katunayan nga, madali lang sa kanila ang makakuha ng kapangyarihan, hindi lang sa pamamagitan ng dahas, kundi na rin sa pamamagitan ng paggamit ng mga nakakasilaw na materyal na bagay. Padami nang padami ang mga nahuhulog sa kanilang bitag kaya ngayon, nakabuo na sila ng sapat na lakas para isa-isang sasakupin ang mga bansa sa buong mundo.

Paano nga ba nagsimula ang Gamma Maxima? Sino ang kanilang sinasambang panahon? Bakit marami silang pambihirang kakayahan at kaalaman? Ano nga ba talaga ang misyon nila? At bakit ko sila tinatawag na mga taong walang kaluluwa? Bago ko sagutin ang lahat ng mga ito, siguraduhin mo munang walang ibang taong nakakabasa nito. Tandaan mo na kayang kaya nilang magbagong anyo at magpanggap na kapamilya o kaibigan mo, kaya mas makakabuti kung iwasan mong may ibang taong nakakakita na binabasa mo ito. Anumang oras ay pwede ka nilang puntahan sa kinaroroonan mo kapag nalaman nilang ikaw ang bayaning pinatakas namin sa ibang mundo at panahon.

Mas makakabuti rin kung nabasa mo na ang aklat ng Genesis at iba pang parts ng Bible, lalong lalo na ang Revelations. Kung nabasa mo ang nakasulat sa umpisa ng Genesis, alam mong may nabanggit na Nephilims sa Bible. Nakakapagtaka lang kung bakit hindi gaanong pinapaliwanag ang tungkol sa kanila. Kagaya lamang ng kung paano dumami ang lahi ni Cain, ang mga bagay bagay na ito ay nananatiling misteryo sa nakakarami hanggang ngayon. Ayon sa mga na-research ko at sa mga nakalap na impormasyon nina Mang Dador at Teban, nilikha ng Diyos ang Araw at Gabi ng  noong pangatlong araw ng Divine Creation, kasabay ng pagpadala niya ng Light Bearers bilang counterpart ng mga Watchers na namamamalagi sa original na mundo. Ang mga Watchers ay mga fallen angels o ang mga anghel na piniling kumampi kay Lucifer, ang dating Light Bearer na itinakdang tagapangalaga ng mundo bago nangyari ang Divine Creation. Isipin mo, bakit naroon sa Garden of Eden ang serpent na nagdala ng kasalanan sa sanlibutan?

Sa pagkakaintndi ko, ang mundo ay sadyang nilikha para paglagyan ng lahat ng mga itinakwil na anghel mula sa langit. Ito marahil ang ginawa Niyang kulungan para pagsisihan nila ang kanilang pagrebelde sa Diyos. Kung napansin niyo sa pinakasimula ng Genesis, napakalungkot at nakakatakot ang itsura ng mundo sa umpisa. Hindi nga lang ako makahanap ng konkretong paliwanag kung bakit ni Lord pinaganda ito, nilagyan ng buhay, at nilikha ang mga tao para pangalagaan ito. Ang sigurado lang, may mahalaga Siyang purpose kaya Niya ginawa ang lahat ng ito at kaya tayong lahat nandito.

Ang isa pang sigurado ay sa panahon pa lang ng paraisong Garden of Eden, nandoon na ang kasamaan na nag-aabang ng magiging biktima nito. May mga nagsasabing ang serpent – si Lucifer – ay hindi anyong ahas na kagaya ng alam natin. Sa halip, ang anyo nito ay ang tunay na anyo ni Lucifer. Siya ay may image na halos kagaya ng tao, maliban sa kanyang mala-reptile na balat, mga mata, at mga daliri. Siya rin ay may malalaking sungay at mahabang buntot. Dahil nilikha ni God ang tao sa sariling niyang image, sobrang nainggit si Lucifer, lalong lalo na nang itinakda Niya si Adan na tagapangalaga sa Kanyang napakagandang creation. Ito ang naging dahilan kung bakit tinukso ng serpent sina Adan at Eba na suwayin ang utos ng Diyos.

Ayon sa mga sabi-sabi, habang tuwang-tuwa ang mga kampon ni Lucifer, labis naman ang pagkalungkot ng mga pinadalang Light Bearers sa mundo. Sa tindi ng kanilang pagsimpatya sa sinapit ng magkabiyak, ang mga mabubuting anghel daw ang tumulong kina Adan at Eba sa pagsisimula ng sibilisasyon ng tao, na hindi kasing sinauna ng mga napag-aralan natin tungkol sa Stone Age. In other words, may totoong advanced civilization na minsan nang nag-exist sa ancient world pero “tuluyang” nabura sa kasaysayan ng mundo, ilang libong taon na ang nakalipas.

Sa Tukador ni Mang DadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon