Page 7 of 8 (Pagbabago)

71 8 0
                                    

Keno’s Recent Posts (Page 7 of 8)

April 2, 2019 – 10:19AM, published

Masaya palang kasama si Teban. Kahapon nang namamasyal kami kasama ang mga bata at si Fina, may kinuwento siyang sobrang nakakatawa na dinagdagan pa ng kanyang pakenkoy-kenkoy na paraan ng pagkukwento. Hindi ko pa pala na-mention sa inyo na marami siyang alam na pickup lines at mga fliptop na banat. Kahit hindi na uso ang mga iyon sa panahong ito, nagiging mabenta pa rin kapag si Teban ang nagde-deliver.

By the way, nakabili na ako ng kumpletong set of tools at mga machines para sa mga susunod kong projects. Tinago ko ang mga iyon sa kinuha kong condo unit, kasama ang mga raw materials at iba pang mga equipment na kakailanganin ko sa pagtupad ng unang bahagi ng misyong ito. Sa ngayon, kailangan ko pang mag-research para malaman ko ang pinaka-effective na design ng Faraday Cage na gagawin kong shielding sa buong internal walls ng secret na kwarto ko. Hindi sapat ang aking mga nalalaman kaya mabuti na rin at nandiyan si Fina para tulungan ako sa mga computations at sa mga pinag-aaralan kong scientific principles.

View 18 Comments

March 30, 2019 – 7:07PM, published

Gusto ko lang i-share sa inyo kung ano ang naiintindihan ko sa tinatawag na parallel universes theory. Ayon sa mga nabasa ko, magiging posible lang ang time traveling kung totoo na may parallel universes, bukod sa universe na kinabibilangan natin. Sinasabi ng theory na ito na may ibang mga universe na may isang planeta na kagaya ng Earth kung saan may mga tao ding naninirahan. At ang mga tao na iyon ay mga ibang version ng mga tao sa mundo natin. Ewan ko kung maiiintindihan ninyo pero subukan ninyong i-consider ang example ni tao A, B, C, at D.

Sa isang universe, sina A at B ay nagkatuluyan at naging anak si C na nagmana ang ugali sa kanyang ama. Sa kabilang universe naman, si A ay may ibang nakatuluyan kaya nang pinanganak niya si C, ibang iba ang ugali niya sa C ng naunang universe na binanggit ko. Si B naman ay may iba ring nakatuluyan at naging anak niya si D. Dahil ama niya si B, marami sa kanyang mga katangian ay kagaya ng naunang C dahil pareho lang sila ng pinagmanahan. Ibig sabihin, sa parallel universes magkakaiba ang mga nagiging outcome dahil sa iba’t ibang desisyon. Kung yes sa una at no naman sa kabila, may pagkakaiba sa mga bagay-bagay, kabilang na ang personality ng mga versions ng tao sa iba’t ibang parallel universe.

Kung nagtataka kayo kung ano ang kinalaman nito sa misyon ko, isipin niyo na lang na ito ay isang napaka-advanced na kaalaman na hindi pa lubusang naiintindihan ng tao sa ngayon. Inuulit ko, tao ang pinag-uusapan natin. Pero kung mga extraordinaryong nilalang ang pag-uusapan, hindi malabo na alam nila ang katotohanan sa parallel universes – ang sekreto ng time and space.

May mga sabi-sabi na ang parallel universes ay konektado sa isa’t isa sa pamamagitan ng mga portals. Isipin mong example ang isang papel. Kung pupunta ka mula sa isang point ng isang surface nito papunta sa opposite nitong point sa kabilang surface, kailangan mong maglakbay papunta sa isang edge ng papel and then liliko ka sa kabilang surface at didiretso sa specific na target point. Pero kung alam mo ang secret ng time and space, malamang pwede kang dumaan sa isa sa mga “invisible” holes na pinakamalapit sa origin mo. Papasok ka lang sa butas na iyon at nasa kabilang surface ng papel ka na. Tapos agad ang iyong paglalakbay.

View 16 Comments

March 26, 2019 – 6:02AM, published

Maaga pa akong gumising para sa isang importanteng appointment. Naghanda pa ako ng isang multimedia presentation para dito. Kakausapin ko ngayon ang head engineer ng transmission department ng isang broadcasting station. Ipapaliwanag ko sa kanya kung bakit kailangang maging alerto at paghandaan ang pagdating ng solar superstorm. Hindi lang ang mga equipment ang nanganganib sa mapinsalang dulot nito, kundi pati na rin ang mga taong nag-ooperate nito. Kaya sana makinig siya sa akin at magawan niya ng paraan para maging protektado ang kanilang buong transmission system laban sa destructive effects ng electromagnetic pulse o EMP.

Sa Tukador ni Mang DadorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon