Keno’s Recent Posts (Page 6 of 8)
May 28, 2019 – 6:02AM, published
Hindi maganda ang kutob ko. May isang bagay na bumabagabag sa akin mula pa noong nakaraang linggo. Nararamdaman kong may darating na napakalaking problema sa pamilya Sabino. Kailangan kong mapaghandaan ito. Hindi ko pwedeng hayaan na masktan ang kahit sinuman sa kanila. Sila ang inspirasyon ko kaya ayokong mapahamak sila. Guys, please help me pray for them. Thank you.
View 20 Comments
May 25, 2019 – 1:49PM, published
Thank God at nakabalik kaming buhay ni Teban! Grabe, napakalaking risk ang hinarap namin sa pagpunta sa kampo ng isa pang grupo ng mga rebelde. Kahit hindi sila masyadong kumbinsido, matuturing tagumpay pa rin ang paglapit namin sa kanila dahil sabi nila, kapag nangyari man ang sinasabi kong catastrophy, magtatago sila sa kuweba na wala pang isang kilometro ang layo mula sa kuta nila. May mga armas din sila kaya sa tingin ko, may laban sila kapag may mga miyembro ng kulto na biglang sumalakay sa lugar nila kung sakaling makaligtas man sila sa paparating na delubyo.
Mabuti na lang at kasama ko si Teban sa aking pag-akyat sa bundok. Marami siyang alam na survival skills kaya nakaya naming tumagal doon nang halos isang linggo kahit ang dala naming supplies ay pang-tatlong araw lang. Magaling din siya dumiskarte kaya hindi kami ginawang bihag ng mga rebelde. Kahit matigas ang kanilang ulo at mahirap silang makaintindi, napaniwala pa rin namin sila na hindi kami kaaway at walang dahilan para bihagin nila kami.
View 18 Comments
May 24, 2019 – 8:53PM, published
Kasalukuyang nasa kampo ako ng isang rebeldeng gusto kong makapaghanda sa paparating na solar superstorm. Kailangan nilang makaligtas dahil may malaki silang maitutulong sa akin kapag dumating na ang nalalapit na araw ng pagtutuos. Papauwi na kami ngayon pagkatapos ng mahaba-habang diskusyon namin ng leader nila. Kung pwede ko lang sana sabihin sa kanila ang lahat lahat, hindi na ako nahirapang ipaliwanag sa kanila kung bakit dapat silang maghanda at hindi dapat mapahamak sa paparating na malawakang delubyo. Pero maski papano, may magandang naging dulot naman ang aming pagpunta kaya maaga pa bukas, bababa na kami ng bundok.
View 22 Comments
May 23, 2019 – 11:37AM, published
Ang galing! Nagka-signal na ako ulit kahit konti! Narating din namin sa wakas ang lugar kung saan matatagpuan ang sinasabi nilang kampo ng mga rebelde na hinahanap namin. Nandito lang iyon sa paligid kaya mas mabuti kung itago ko muna ito at paghandaan ang paglapit namin sa kanila. Nababahala na ako dahil mas mabagsik ang mga taong susubukan kong lapitan ngayon. Nami-miss ko na rin ang pamilya ko at si Fina.
Siyanga pala, ngayon ang panlimang araw mula nang umakyat kami sa bundok na ito. Nagkaligaw-ligaw kasi kami at naubusan ng supplies. Noong isang gabi pa naubos ang huling pagkain namin kaya naghanap pa kami ng makakain bago kami tumuloy dito. Ang galing talaga ni Teban! Laking probinsya kasi siya kaya alam niya kung paano mabuhay sa bundok, malayo sa makabagong teknolohiya na nakasanayan ng marami. Marami akong natutunan sa kanya kaya sa tingin ko, kakayanin ko na rin umakyat ng bundok mag-isa kung sakaling hindi siya makakasama sa akin next time. Baka nga mas mabuti na hindi ko na siya dapat isama sa susunod kong pag-akyat. Lalo na alam kong konektado siya sa pangatlong grupo ng rebelde na pupuntahan ko.
Nasugatan ako kanina dahil nagkamali ako ng hakbang habang tumatawid kami sa ilog. Kung malalim lang ang tubig, nalunod na siguro kaming dalawa kahit na magaling pang lumangoy ang aking kasama. Si Teban ang gumamot sa akin. Hinilot niya rin ang napulikat kong braso dahil sa aksidenteng iyon. Paano na lang kaya kung mag-isa lang akong umakyat ng bundok? Pero okay na din ‘yon dahil at least, may nadagdag na naman sa kaalaman ko.

BINABASA MO ANG
Sa Tukador ni Mang Dador
Misterio / SuspensoPagpasok ng unang araw ng taong 2020, kasabay ng mga paputok at mga naghihiyawang tao, ay ang pagdating ng isang malawakang catastrophic event. Bagong taon, bagong mukha ng mundo. May iilang survivors pero unti-unti rin silang mamamatay dahil sa nap...