Keno’s Recent Posts (Page 3 of 8)
November 9, 2019 – 2:24PM, published
Galing ako sa opisina ni Dr. Pattersmith. Nasigurado ko nang hindi siya isa sa mga taong tumutugis sa akin. Kagabi, binasa ko ulit ang sulat ni Mang Dador para ma-review ko ang mga palatandaan ng isang miyembro ng secret society na nagtitipon-tipon sa mansyon niya tuwing bilog ang buwan at kapag may Lunar Eclipse.
Nagdala ako ng maraming luya at eucalyptus sa bag ko pero wala naman akong napansing pagiging uncomfortable ni Dr. Pattersmith nang magkausap kami. Inaya ko rin siyang mag-selfie (kunwari para sa blog ko) pero hindi naman siya nagdalawang isip na humarap sa camera ko. Parehas naman ang ininom naming soda at wala akong nakitang kakaibang reakson nang uminom siya nang malamig na inumin. Pinakaimportante sa lahat, wala siyang peklat sa dibdib na pormang tatsulok na sa loob nito ay may espadang pinupuluputan ng ahas. Paano ko nakita ang dibdib niya? Konteng diskarte lang... Sure ako, hindi siya nakahalata sa ginawa ko.
Maingat ko pa ring inobserbahan ang bawat reaksyon niya sa mga sinasabi ko. Maliban sa mga nakita kong senyales na hindi nga siya isa sa kanila, umasa na lang ako sa instinct ko na mabuting tao ang kaharap ko kanina kaya binanggit ko na rin ang tungkol sa mga taong walang kaluluwa. Mas maipapaliwanag ko pa sana ang gusto kong sabihin sa kanya kung pwede ko lang ipaalam sa kanya ang totoong pinanggalingan ko.
Positive naman ang naging response ni Dr. Pattersmith sa mga ibinahagi kong impormasyon. Pag-aaralan pa daw niya kung ano ang pwedeng maging aksyon tungkol dito. Inimbitahan niya akong dumalo sa kanilang conference kasama ang mga co-representatives na mga leaders ng Institutes for Disaster and Global Warming Awareness sa kani-kanilang mga bansa. Gaganapin daw ito sa umaga ng December 29, 2019. Tumanggi ako dahil naisip kong baka may mga dadalo sa event na mga miyembro ng secret society na di ko pa rin alam ang tawag hanggang ngayon. Naintindihan naman ako ni Dr. Pattersmith kaya pinagawa niya na lang sa akin ang presentation ng lahat ng mga gusto kong ipamahaging impormasyon. Sabi ko, kahit marami pa akong uunahing projects, sisiguraduhin kong matapos at ma-submit sa kanya ang presentation na iyon, one day before ng event nila.
View 59 Comments
November 1, 2019 – 7:31AM, published
Kakatawag lang ni Dr. Pattersmith, gusto niya daw akong makilala at marami siyang mga tanong sa akin. Kaya lang, nag-aalangan ako. Paano ko malalaman kung mabuti o masama ang intensyon niya sa akin? Sana makakatulong ang mga binigay na tips ni Mang Dador sa kanyang sulat.
Ngayon ay araw ng mga patay at maraming nagsisipunta sa mga sementeryo. Naisip ko lang. After two months, magkikita-kita na rin ang halos lahat ng mga taong ito at ang kani-kanilang mga namayapang kamag-anak at kaibigan. Ikaw, handa ka na bang harapin ang nakatakda?
View 57 Comments
October 26, 2019 – 12:06PM, published
Ilang weeks na rin akong hindi nakaka-attend ng Sunday service. Buti na lang at natapos ko na rin ang “ultimate project” ko kahapon kaya nagkaroon ako ng time para sumama sa Sabino family na mag-church kanina. Sarap sa pakiramdam kapag nakakarinig ako ng mga encouragement, especially ‘yung verse na nagsasabing kailanman, hinding hindi magwawagi ang kasamaan laban sa kabutihan. Naalala ko tuloy ang shinare ni Teban sa akin na quote na ang sabi “If God is with us, then who can stand against us?”. Dahil sa verse na ito at sa narinig kong preaching kanina, lalong lumakas ang loob ko na magtatagumpay ako sa misyon ko.

BINABASA MO ANG
Sa Tukador ni Mang Dador
Mystery / ThrillerPagpasok ng unang araw ng taong 2020, kasabay ng mga paputok at mga naghihiyawang tao, ay ang pagdating ng isang malawakang catastrophic event. Bagong taon, bagong mukha ng mundo. May iilang survivors pero unti-unti rin silang mamamatay dahil sa nap...