Chapter 21

912 36 13
                                    

CHAPTER TWENTY-ONE

Sagada

***


MAHABA at matagal ang biyahe patungong Sagada. Huminto lang kami sa isang restaurant para kumain bago bumiyahe ulit. Naubos ko na rin lahat ng playlist ko kaya nang makarating sa sentro ay hindi na ako natulog.

I took a peek outside the window and noticed the locals from there, waving and throwing a warm smile at every passerby. Mas nagiging malamig na rin ang hangin dahil paakyat na ang sinasakyan namin. Pinatay na rin ang aircon ng sasakyan dahil sa lamig ng paligid.


"Coffee break muna tayo habang pinagpapahinga ang van," suhestiyon ni Gerard.


Mabuti na lang at may isang coffee house hindi malayo sa pag-iiwanan namin ng sasakyan. Doon kami nagdesisyon na maghanda at magbihis para sa hiking. Para na rin makapagpahinga kaming lahat kahit sandali.


"May problema ba kayo ni Gael?" pabulong sa aking tanong ni Donna nang maka-upo sa table. Ang mga lalaki ang nagboluntaryong umorder para sa amin kaya nauna kami sa mahabang mesa.


"Ha?" kumurba ang kilay ko sa tanong niya.


"Kanina pa namin kayo napapansing hindi nag-uusap o nagkikibuan," aniya.


"Wala naman. Kailangan ba laging nag-uusap?"


"Alam mo ang labo n'yo rin, eh no? Kagabi lang ay halos hindi na kayo mapaghiwalay sa party lalo na noong isinasayaw ka niya. Tapos kinabukasan ay parang walang nangyari? Ano 'yon? Isang gabing pagpapanggap na mag-jowa kayo?" napailing si Donna at mabigat na napahinga.


Nagtaka naman ako sa tingin sa akin ni Jayce. Seryoso ang mukha niya na para bang alam niya ang nangyari. Umiling siya ng isang beses bago ipinukol ang atensyon sa phone.


"Wala namang meron, Donna. Ikaw lang at 'yang isipan mo ang nag-iisip na meron," sagot ko.


"At ikaw lang din at 'yang isipan mo ang nag-iisip na wala lang lahat, Vienna," seryosong singit ni Jayce.


"What? What are you trying to say?"


"Do you still not get it? Wala pa rin ba? Hanggang kailan ba 'yan?" She sounded very frustrated, kaya mas nagtaka ako sa nagiging reaksyon niya. Tumawa pa ako at nagbabakasakaling nagbibiro lang siya pero hindi iyon tumalab.


"Ang alin? Jayce, I don't understand you," I stated.


"Oh come on, Vien. It's so obvious! Please naman, oh—"


"Jayce." She was cut off by a monotone voice from behind. It's Gael's voice.


"I'm sorry," napayuko si Jayce. "Don't mind it, Vien." Ngumiti siya sa akin nang tipid.


Doon na rin naputol pa ang makabuluhang pag-uusap namin dahil dumating na rin si Gerard dala ang ilang pagkain. Napag-usapan namin ang buong plano para bukas sa shooting. Naireview na rin ni Donna ang mga kailangang dalhin at gawin pagkaakyat namin sa Kiltepan peak.

Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)Where stories live. Discover now