Chapter 17

847 29 2
                                    

CHAPTER SEVENTEEN

Someone else

***


"VIENNA, baka lumamig 'yang pagkain mo," saway sa akin ni Mama.


I almost forgot I was eating with them. Uminom ako ng tubig bago kumuha ulit ng ulam mula sa gitna. Habang abala ako sa paghihiwa ng karne, ramdam kong palagi akong sinusulyapan nina Mama at Papa. Si Gus naman sa tabi ko ay tahimik lang din na kumakain at nakayuko.


"May problema ka ba, anak? Kahapon pa kita napapansin na wala sa sarili," si Mama sabay hawak sa balikat ko.


Umiling lang ako at isinubo ang karne.


"Kumusta ang trabaho? Hindi ba may bago kang project ngayon? Nabanggit ni Jayce noong isang araw sa akin nang magkita kami sa daan," ani Papa.


"Okay lang, Pa. Nangangalahati naman na kami."


Sabay kaming tatlo napalingon kay Gustav nang tumayo ito at nagpunas ng bibig. Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo ito at mukhang aalis na.


"Busog na ako. May gagawin lang ako sa itaas," aniya nang hindi tumitingin man lang sa amin. Tinawag pa siya ni Papa pero hindi man lang ito lumingon at huminto.


Binalingan ko ng tingin si Mama at naabutan itong napahinga na lang nang mabigat habang nakatingin pa rin sa kapatid ko. Si Papa ay patuloy lang sa pagkain. Sa paggalaw pa lang ng panga niya habang ngumunguya ay alam kong may hindi sila napagkakasunduan.


"Lumalaking suwa-il na 'yang anak mo, Delia. Kinokonsente mo kasi," may diin na puna ni Papa.


"Ano'ng nangyari?" tanong ko.


Ibinaba ni Papa ang kutsara't tinidor niya bago ako tinignan at sinagot.


"Iyang kapatid mo, nahuli kong lumalabas ng hatinggabi. Alam mo kung saan nagpupupunta? Doon sa pamilyang tinuturing siyang basura!" may bakas ng galit niyang sagot.


"Hindi naman kasi 'yan magkakaganyan kung hindi mo pinaghihigpitan, Yago. Ano ba kasing problema mo kung makikipagkita lang naman siya kay Blissle? Malaki na ang anak mo at alam kong pinalaki ko iyan ng tama kaya may tiwala akong hindi siya gagawa ng kahit anong makakasira sa tiwala natin sa kanya," paglaban ni Mama.


"Ang sabihin mo kasi kinokonsente mo. Ilang beses ko na 'yang pinagsabihan na layuan na si Blissle para wala nang gulo." Napatingin si Papa sa akin nang nakakunot ang noo. "Ang dami namang iba bakit kayong magkakapatid ay sa mga Madrigal nagsusumiksik?"


"Yago, tama na," si Mama.


"Kung hindi ko lang talaga inaalala ang—"


"Yago!" sigaw ni Mama kaya agad napatigil si Papa. Nagulat naman ako sa pagtaas ng boses ng ina ko na hindi ko kailanman narinig sa maraming taon. "Lavienna, paki tignan muna ang kapatid mo sa itaas. Mag-uusap lang kami ng Papa mo."

Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)Where stories live. Discover now