CHAPTER ONE
Anytime
***
"BAKIT ba hindi mo pa iwanan 'yang boyfriend mo? He's dying, Vienna!"
Gulat akong nagbaling ng tingin kay Papa na wala man lang bakas ng pagsisising sinabi niya 'yon. Sa harapan ko pa talaga?
"Pa..." I scoffed. "Alam ko naman po na ayaw n'yo sa kanya pero sana naiisip ninyo 'yang sinasabi n'yo sa akin ngayon."
Mabilis nitong itiniklop ang binabasang newspaper at tumayo para lapitan pa ako. Hinawakan ko nang mahigpit ang bag na nasa balikat ko bago hinintay ang pagharap sa akin ng ama ko.
"I'm telling you... Ikaw lang din ang mahihirapan! Mas mabuti pang iwanan mo na habang maaga pa!" halos pasinghal niyang ani.
Umiling ako at umalis sa harapan niya. Dumiretso ako sa kusina kung nasaan si Mama. Lumapit ako sa kanya para humalik sa pisngi at magpaalam.
"Tigilan mo na ang anak mo, Yago," saway niya kay Papa. "Kung ako ba ay may taning na, iiwan mo rin?"
Dahil sa sinabi ni Mama, mas nanaig ang katahimikan sa paligid. Napatahimik bigla si Papa at sumipsip na lang sa kapeng hawak niya.
"Huwag mo ngang ibato sa akin pabalik, Delia. Magkaiba ang sitwasyon natin sa mga batang 'to—"
"Paanong magkaiba ba? Dahil kasal tayo't may sinumpaan? It's not about the matrimony now, Yago. It's about love!"
Sarkastikong napatawa si Papa bago inalis ang tingin sa aming dalawa ni Mama. "Magsama kayong mag-ina...." mahinang sambit niya bago tuluyang umalis.
"Ilang taon na kami ni Lester, Ma. Bakit ayaw pa rin ni Papa sa kanya?" salita ko sabay kuha ng isang pirasong cinnamon roll mula sa mesa.
"Alam mo naman kung gaano niya ka ayaw na minamaliit ka ng pamilya ni Lester, hindi ba? Kaya siguro hangga't ayaw sa'yo ng Papa ni Les, ay ayaw niya rin kay Lester. Inaalala niya lang ang kalagayan mo."
"Hindi naman kasalanan ni Lester na gano'n si Tito, e."
Binigyan lang ako ni Mama ng tipid na ngiti. Hinaplos niya ang balikat ko bago tumalikod para kuhanan na sana ako ng kape pero pinigilan ko siya.
"Ma, hindi na. Kailangan ko nang umalis para makadaan pa ako sa ospital bago ako dumiretso ng trabaho," sabi ko.
Muli akong lumapit sa kanya at humalik sa pisngi bago tuluyang umalis ng kusina. Nadaanan ko pa si Papa sa sala na bumalik na sa pagbabasa ng mga kararating na newspapers.
"Pa..."
Mabilis niyang itinaas ang palad niya para pigilan ako sa paglapit sa kanya. "Just go," malamig niyang sabi.
YOU ARE READING
Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)
RomanceAfter losing her first love due to cancer, Vienna made a promise to never open her heart for love again. She would rather choose to stay as a maiden until the heavens decide to take her too. During Lester's last birthday, he wished for three things...