Chapter 14

907 34 28
                                    

CHAPTER FOURTEEN

New Project

***


DUMIRETSO ako ng lakad papasok ng opisina nang matanaw si Elias sa may entrance na mukhang may inaabangan. Umayos siya sa pagkakatayo bago sinubukang lumapit sa akin.


"Vien, can we talk for a while, please? About last night—"


"Tapos na 'yon, Elias. Just please leave me alone. Marami pa akong kailangang gawin."


Hindi ko siya nilingon nang sinabi 'yon. Nakasunod lang siya sa likuran ko habang pilit hinahabol ang malalaki kong hakbang.

Gusto kong maunawaan niyang kahit ano'ng gawin niya ay hindi mangyayari ang dati niya pang gusto. Hindi porket malaya ako ay magagawa na niya ang gusto niya. At hindi porket maayos ang pakikitungo ko sa kanya ay ibig saihin binibigyan ko na siya ng daan papunta sa 'kin.


"I'm really sorry, Vienna. Nakainom na ako kagabi kaya madaling uminit ang ulo ko," pagrarason niya pa.


Ano ba namang rason 'yan?


Mabilis akong pumasok sa elevator nang bumukas ito. Sumunod siya agad. May ilang employees pang sumakay kasabay namin kaya napatahimik siya sandali. Tumigil ang elevator sa third floor at pumasok si Ma'am Hilary. Ngumiti ako kaagad at bumati.


"Tamang-tama, sumama ka sa akin sa opisina, may pag-uusapan tayong bagong project," ani Ma'am Hilary na mukhang nasa magandang mood ngayon.


Kahit papaano ay nagpapasalamat ako na dumating siya dahil nalayo ako kay Elias. I was starting to get annoyed with him. Tuluyan lang kaming naghiwalay ng daan nang sumunod ako kay Ma'am Hilary sa opisina niya. Napahinga ako nang maluwag.


"Sit down for a while, may kukunin lang ako." Dumiretso si Ma'am Hilary sa mini shelf niya kung saan nakalagay ang ilang folders.


"You are done with your last client, right?" she asked.


Tumango ako at tipid na napangiti. Umupo siya sa kanyang swiveling chair na may hawak na folder bago iyon inabot sa akin. I scanned the first few pages. It's for a new client.


"I want you to handle that... for your last project before you leave the company." My boss smiled widely at me.


Muli akong nagbaba ng tingin sa folder kong hawak. Tinupi ko ang nga pahina hanggang sa napatigil ako noong makita ang pangalan ng bago kong kliyente.


"May problema ba?" pukaw sa akin ni Ma'am.


"Nothing. I'll deal with the client right away, ma'am. Thank you so much!" nakangiti kong sagot sa kanya.


"Lahat ng impormasyon ay nandiyan na. You can meet with the owner or it's up to your team. Just coordinate with the other departments for the marketing strategies and operation," she said.

Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)Where stories live. Discover now