CHAPTER EIGHTEEN
Heavenly
***
"PUMAYAG ka, anak?"
Tumango ako kay Mama. Inabot ko sa kanya ang lumpia na natapos kong balutin.
"Ball lang naman 'yon, Ma, 'di ba? Wala namang ibig sabihin' yon," pagkukumbinse ko sa sarili.
Napangiti si Mama sa akin bago kinuha ang ilang lumpia at nilunod iyon sa mainit na mantika. Pinagmasdan ko na lang siya dahil natapos ko na rin naman ang panghuling piraso.
"Wala naman. Unless... hindi iyon ball lang para sa'yo?" tanong niya habang nakatalikod sa akin at nagluluto.
Napatahimik ako at napaisip. Nilingon ako ni Mama pero tinignan ko lang siya nang nalilito.
"What's wrong? What's with the face?" she asked.
Naglakad ako paikot sa kabila para makatabi si Mama habang abala sa ginagawa.
"Ma, noong isang gabi kasi... Nakahiram ako ng damit ng kliyente namin dahil nabasa ako sa ulan. Tapos... pagkauwi ko ay may napansin ako sa damit na iyon. Naalala mo 'yong jacket ni Lester, Ma? May nakaburda kasi roon na parehong-pareho sa naka-print sa t-shirt. I thought sariling icon iyon ng pamilya ni Lester. It's their family name's initial on an anchor. Pero may ganoon din sa t-shirt," I shared.
Hindi ako nilingon ni Mama. Hiniwalay niya ang mga nalutong lumpia mula sa kawali at nilunod naman ang ibang natira.
"'Yong t-shirt ba ay sa kliyente ninyo? Baka nakuha niya lang din sa iba," aniya matapos hinaan ang apoy sa stove.
"I think it's a company shirt sa isang event."
"O, baka nakuha niya roon," sagot niya sa akin bago tumalikod para linisin ang ilang kalat sa kabilang counter.
"Siguro..." kunot-noo kong sambit. "Do you think I should ask Gael about it, Ma?"
Mama turned her head to me after I said that. With furrowed brows, she gulped and looked at me straight in the eyes.
"Gael?" she asked.
I nodded.
"My last client. 'Yong palagi ko sa inyong nakukwento."
"'Yong recipient ng heart ni Lester?"
I nodded again. They know Gael as the recipient of Lester's heart. But as far as I can remember, I didn't tell them that he's also my client. Noong nabanggit ko kay Papa, pareho sila ng reaksyon ni Mama.
"Try to ask him about that. Baka... may makuha kang sagot. But don't think too much about it, Vienna. It's just a shirt," she smiled at me straightly. "Sige na. Hindi ba may lakad kayo ni Jayce ngayon?"
![](https://img.wattpad.com/cover/208946341-288-k125251.jpg)
YOU ARE READING
Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)
RomanceAfter losing her first love due to cancer, Vienna made a promise to never open her heart for love again. She would rather choose to stay as a maiden until the heavens decide to take her too. During Lester's last birthday, he wished for three things...