Chapter 24

938 39 2
                                    

CHAPTER TWENTY-FOUR

Chained

***


"TITA, alis na po kami."


Mabilis kong sinulyapan sina Mama nang makababa ako ng hagdan. Nag-uusap sila ni Papa sa dining area at lumingon lang sila sa amin nang magsalita si Jayce. Nahagip ko pa siyang malapad na ngumiti sa mga magulang ko.


"Uuwi ako agad pagkatapos," pagpapaalam ko. Lumapit ako sa kanilang dalawa at humalik sa pisngi. Hindi naman ako makatingin nang matagal kay Papa dahil alam kong nagdududa siya.


Sa sinehan ang paalam ni Jayce sa kanila. Mabuti na lang at nakumbinse niya sina Mama kahit alam kong nagdududa na sila lalo pa't kasama namin si Gerard.


"Ingat kayo." Iyon lang ang sinabi ni Papa bago kami tuluyang makalabas ng bahay.


"Diretso na tayo sa ospital?" mahinang tanong sa akin ni Jayce mula sa front seat. Nag-angat ako sa kanya ng tingin at tumango.


Walang ni-isang nagsasalita habang bumibiyahe. Wala rin naman ako sa mood para makipag-usap pa. Maraming bagay ang pumapasok sa isip ko habang naghihintay kung kailan kami darating sa hospital.


Kinuha ko ang phone ko nang may nagtext doon. Nakita kong si Mama iyon kaya agad kong binuksan.


From: Mama
Alam naming hindi sa sinehan ang punta n'yo. Don't worry, okay lang kay Papa mo. Ako na ang bahala. Ikamusta mo na lang kami kay Gael. I know you are slowly finding the memories you've lost, anak. Kung iyan ang sa tingin mong ikatatahimik mo, keep going. Take it slow. We're right behind you.


A reassuring smile flashed on my lips as I read Mama's text. It was as if a thorn inside my chest had been cut off. It was as if strength had filled the weak part of my system.

Yes, she's right. This will make myself at peace. I have been so lost all this time. I have been living in the past while I'm in my present. And I think it's time for me to get out... to move forward. Hindi ito madali pero alam kong kakayanin ko.


This is the start of my chase for the truth. The chase for my inner peace.

And Gael...

He is my truth. He is the peace that I've been waiting to have and to feel. He was... and still is.


I took in a deep breath and for the first time in years... I have felt a foreign feeling of calmness. Napakagaan sa dibdib. Hindi ako sigurado kung dahil ito sa ilang linggo kong pahinga sa bahay matapos ang nangyari o kaya ay dahil nasa harapan ko na ang katotohanan na naghihintay na lang na matanggap ko nang lubusan.


"Let's go, Vien," pukaw sa akin ni Jayce. Saka lang ako muling napalingon sa labas at nakitang nasa harapan na namin ang hospital.


Hindi ko na mabilang kung ilang malalalim na hininga ang pinakawalan ko habang paakyat sa kwarto ni Gael. Nakailang balik na ako rito pero ganoon pa rin ang nararamdaman ko, tila bumibigat sa tuwing naaalala si Lester.

Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)Where stories live. Discover now