"DUDE, sama ka?"
Mabilis akong umiling kay Harold, isa sa kasama ko sa basketball varsity team. Nag-aaya silang uminom pagkatapos ng practice. Malakas din ang ulan kaya mahirap pang umuwi.
"No, thanks. May practice kami ng banda," sagot ko.
"Masyadong dedicated sa musika. Hindi ba nakakasawa?" natatawa nitong sagot.
Naghubad ako ng sapatos habang napailing sa sinabi niya. Lumapit na rin ang iba naming teammates matapos magpalit ng damit sa locker room.
"Paano mo napagsasabay ang pagbabanda, pag-aaral, at pagsali mo ng varsity? May time ka pa ba para sa iba?" dagdag naman ni Louis.
"That's simple. If you love what you're doing, you always find time for it." I smirked.
Naagaw ang atensyon namin nang may pinagkakaguluhan ang iba naming kasama sa kabilang gilid. Pinagtutulakan nila si Lester palabas. I traced where their attentions were directed. Tinignan ko rin kung ano ang nandoon at napansin ang babaeng nakatayo sa labas, parang sumisilong dahil sa malakas na ulan.
"Anong kaguluhan mayroon?" Tumayo si Harold at lumapit sa kanila.
"Itong lalaking 'to, ang torpe! Lapitan mo na! Giniginaw, o! O kaya ay ihatid mo na sa kanila. Ang hina mong nilalang!" Dismayadong umiling si Elton kay Lester.
"What's happening?" tanong ko nang makalapit na rin sa kanila.
"'Yong crush niya nasa labas, nag-iisa. Panahon na ang nagbibigay daan sa kanya, ayaw pang kumilos. Bahala ka nga!"
Lester scratched his nape while throwing a glance at the girl outside. Nakatalikod siya sa amin kaya hindi ko siya makilala. She's still wearing her uniform and she had her books on her arms. Panay rin ang galaw ng paa niya, nagpapahiwatig na hindi siya mapakali.
"Hindi niya ako kilala," Lester said casually.
"Kaya nga magpapakilala! Hay nako, dude!" Mukhang ang mga barkada niya pa ang na stress sa kanya.
Natawa na lang ako bago tumalikod at bumalik sa bleacher. Inayos ko ang gamit ko at hinayaan na lang sila roon.
"Dude, pahiram naman ako ng jacket mo," tanong ni Lester nang makalapit. He maybe pertaining to my varsity jacket.
"For what?"
"Bigay ko lang sa kanya para makauwi na. Ibigay ko sa'yo ang akin bilang pamalit. Pareho naman tayo ng size," aniya.
Kinuha ko ang jacket mula sa bag at ibinigay ko iyon sa kanya bago ako nagpatuloy sa pagligpit ng iba kong gamit. Bago ako umalis ay natanaw ko siyang nakalapit na roon sa babae at nag-uusap na sila. So... He's making a move. That's good for him.
![](https://img.wattpad.com/cover/208946341-288-k125251.jpg)
YOU ARE READING
Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)
RomanceAfter losing her first love due to cancer, Vienna made a promise to never open her heart for love again. She would rather choose to stay as a maiden until the heavens decide to take her too. During Lester's last birthday, he wished for three things...