Chapter 2

1.1K 38 0
                                    

CHAPTER TWO

Friends

***


"WE need the marketing plan tomorrow, Vien. Have you started it with your team?" bungad na tanong sa akin ni Ma'am Hilary nang masagot ko ang tawag. Sinarado ko ang pinto ng sasakyan bago sumagot sa kanya.


"Yes, ma'am. I'll drop the plan tomorrow on your desk. Na-approve na rin 'yon ni Sir Klyde kaya puwede mo na rin po 'yon i-check."


"Okay! That's great! Thank you, Vienna!"


I let out a heave after the call ended. Sandali akong nanatiling nakatayo sa labas ng bahay. Malalim na ang gabi at mukhang tulog na rin sina Mama ngayon.

I had a long day today. Maraming bagong kliyente sa marketing firm na pinagtatrabahuan ko. Mas kailangan ko pang paghati-hatiin ang oras ko sa trabaho at sa pag-alaga kay Lester.


"Why are you still up?" I asked Gus, my younger brother.


"May tinatapos lang na project," he answered.


Nagkalat ang ilang markers at papers sa sahig. Kinuha ko ang isang marker na gumulong pa sa paa ko. Saktong doon naman iyon huminto sa isang ligaw na litrato. Napatigil ako nang makita iyon.


"What's this for?" tanong ko sa kanya sabay pakita sa litrato ni Lester na naglalaro ng baseball. It was a candid shot of him na sa tingin ko'y sinadya pang hanapin ni Gus sa page ng team nila.


"It's for this scrapbook," tamad niyang sagot. "Paste a photo of your favorite sport with your favorite player," pagbasa niya sa instruction na nasa papel niyang hawak.


I gave him a soft smile before disheveling his hair a bit. Inabot ko sa kanya ang litrato bago inilapag ang mga gamit ko sa couch at umupo sa tabi niya para tulungan siya sa ginagawa. Natatawa na lang ako sa kanya lalo na no'ng makita ang gawa niyang sobrang dry ng design.


"I can handle this, ate. Alam kong pagod ka sa trabaho."


"It's okay. I miss spending time with my little Gustav anyway," malambing ko sa kanyang sagot. Napangiwi lang siya sa akin kaya napatawa ako.


Ayaw na ayaw niyang bini-baby ko siya dahil binata na raw siya. Masyado rin siyang seryoso na lalaki kaya sa tuwing napipikon ito ay natutuwa ako. Minsan lang siyang ngumiti o tumawa pero kapag ginagawa niya, tumitili ang mga bakla sa kanto.


"Paano mo kinakayang makita si Kuya Les na nahihirapan, ate?" bigla niyang tanong. "Narinig ko kayo ni Papa kaninang umaga."


Napatigil ako sa paglalagay ng glue sa mga litrato dahil sa tanong niya. Ilang sandali akong napatitig sa hawak kong litrato bago mag-angat sa kanya ng tingin.


"Hindi ko maimagine ang tatag na binubuhos mo. Simula no'ng magkasakit si Kuya Lester. Hindi kita nakitang napanghinaan ng loob," dagdag niya.

Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)Where stories live. Discover now