CHAPTER SIX
Lucky
***
I CONFRONTED Lester after knowing about his proposed option. Ipinaliwanag niya sa akin lahat at tama nga ang hinala ko. Kaya niya naisip 'yon dahil nalaman niya ang sitwasyon ng mga magulang niya at ng negosyo nila.
"Vienna, admit it or not, milagro na lang ang makakagamot sa akin. Every single day ay kinakain ang lakas ko ng sakit na 'to. Tanggap ko na, love. Kaya kung sakali mang muli itong umatake at hindi ko na makayanan... I'm giving them that option. I give them my consent to do that," nanghihinang paliwanag sa akin ni Lester.
Siguro nga ako lang itong hindi pa matanggap ang sitwasyon niya. Ako itong hindi handang iwanan niya.
DAYS passed, I skipped visiting at the hospital due to my workloads. We have a big project on the table so I had to manage everything fairly. Tatlong araw akong hindi nakabisita kay Lester pero binabawi ko naman sa tawag at doon kami nag-uusap.
Paunti-unti ay natatanggap ko na ang lahat at ang mga maaaring mangyari. Hindi ito madali pero kinakaya ko. Si Papa ay nagiging malambot na rin sa akin matapos kong ipinaliwanag sa kanila ang sitwasyon.
"Kumusta ang trato sa'yo ng Padre de Pamilya nila?" seryosong tanong ni Papa matapos humigop mula sa kanyang tsaa.
"Okay... Okay naman," sagot ko sabay inom ng tubig.
Alam kong sa oras na sabihin ko sa kanila ang totoo ay mas lalong iinit ang tingin niya sa pamilya nina Lester. Mabuti sana kung kay Tito lang siya magagalit, pero hindi.
"Sigurado ka, ha. Once malaman kong pinagsasalitaan ka na naman ng masasama ng tatay nila, magtutuos kami. No one should treat you like a trash," ani Papa.
I faked a smile.
"Ate, nagka-chat kami ni Bliss kagabi, pinapasabi niya kung puwede ka ba raw niyang makausap mamaya. May plano raw kayong pag-uusapan," Gus intervened.
"Talaga nagka-chat kayo? Kagabi?" mapanukso kong tanong sa kanya.
He just hissed. Si mama sa gilid ay napatawa na lang.
"Gustav, umayos ka ha..." may bakas ng banta sa boses ni Papa. "Kung manliligaw ka man huwag na sa kapatid ni Lester. Baka salubungin ka pa ng shotgun ng mala-Hitler niyang ama," he added.
"Ano na naman ang naiisip n'yo?" Gus chewed hard. Palihim na lang akong napangiti bago kami nagpatuloy sa pagkain.
Maaga kong tinapos ang mga trabaho sa opisina bago ako sumipot sa address ng cafe na pagkikitaan namin ni Bliss. Naabutan ko siyang umiinom mula sa frappe niyang in-order. Alas quatro pa lang ng hapon kaya malamang ay kakalabas lang niya mula sa school.
"Ate Vien," bungad niya matapos akong salubungin.
YOU ARE READING
Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)
RomanceAfter losing her first love due to cancer, Vienna made a promise to never open her heart for love again. She would rather choose to stay as a maiden until the heavens decide to take her too. During Lester's last birthday, he wished for three things...