Chapter 10

883 46 18
                                    

CHAPTER TEN

Rest

***

TW: death


"VIENNA, what happened? Sandali!"


Hinabol pa ako nilang apat palabas ng resto pero hindi ko na sila pinapansin. Hindi na matigil ang mga luha ko sa pag-agos habang tinatahak ang daan palabas at pabalik sa sasakyan. Nanginginig kong hinanap ang susi ng kotse mula sa bag. Nilapitan ako ni Jayce at pilit pinapakalma.


"Vienna, sabihin mo ano'ng nangyari? Nag-aalala na kami sa'yo. Is it about Lester?"


Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paghalughog ng bag ko para hanapin ang susi habang patuloy pa rin sa pagluha. Hindi ko na maaninag nang maayos ang mga gamit dahil sa humaharang na luha sa mata ko. Hinablot ni Chai sa akin ang bag habang hinila naman ako ni Jayce palapit sa kanya para yakapin.


"It's okay... it's gonna be okay. Ihahatid ka namin doon. We can't let you drive like this," bulong niya habang hagud-hagod ang likod ko.


"Found it. Let's go," boses ni Chailyn 'yon. Hawak na niya ang susi bago umikot papunta sa driver's seat.


Tulala ako sa buong durasyon ng biyahe papuntang hospital. Sobrang daming bagay na ang pumapasok sa isip ko na mas lalong nagpapakaba sa akin. Wala akong malinaw na balita kung ano ang nangyari pero ramdam ko na...

Ramdam ko na pero hindi ko pa rin alam kung handa na ba ako. Kahit kailan hindi ako magiging handang maiwan.


Nasa labas na ng kwarto sina Yaya Yeng at Bliss nang makarating kami. Nakayakap sila sa isa't isa habang umiiyak at sumisilip sa mga nangyayari sa loob.


"Blissle!" pagtawag ko.


Nakita ko ang pagkakaabala ng mga doktor kay Lester nang sumilip din ako. Hindi ko masyadong makita ang mga pangyayari dahil natatabunan siya ng mga nurse.


"He got another attack, Ate Vien. Bigla na lang tumunog yung ECG niya. Natatakot ako, ate. Natatakot ako..." pag-iyak ni Bliss sa dibdib ko. Inalis ko ang tingin sa loob ng kwarto ni Lester dahil hindi ko kinakaya ang mga pangyayari.


"Papunta na rito ang Mommy't Daddy n'yo, Bliss..." pagpapatahan naman ni Yaya Yeng.


Napalingon ako sa kwarto ni Gael. Mas lalo akong nagtaka nang makitang wala nang tao sa loob. Madilim at nakasarado ang pinto.


"Yayeng, si Gael?" I asked.


"May emergency rin sa kanya kanina, Vien. Dinala na siya sa ICU at wala na kaming balita pa sa kanila," sagot niya.


Mas nadagdagan lang ang bigat sa dibdib ko. Nagkahalo-halo na ang takot, pag-aalala, at konsensya. Hindi ko mapigilan dahil baka nakaapekto sa kanya ang nagawa ko kanina.

Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)Where stories live. Discover now