Chapter 9

828 34 10
                                    

CHAPTER NINE

Huling Tugtog

***


"WHERE'S the progress report?"


Iyon agad ang bungad sa akin ni Ma'am Hilary pagkarating ko sa opisina. I know I'm minutes late already. Natagalan ako dahil na rin sa mga nangyari sa hospital. Hindi pa ako lubusang kalmado pero pinilit kong sagutin si Ma'am Hilary.


"Ihahatid ko po sa opisina ninyo," sagot ko sa kanya.


"Please include the copy of the proposal you presented earlier," she added.


Tumango lang ako nang makaalis siya. Napalingon ako sa cubicle ni Jayce. She's talking with a client. Gusto ko sana siyang makausap tungkol sa mga nangyari pero mukhang hindi ito ang tamang oras. Dumiretso na lang ako sa cubicle ko.

Muli akong napaisip sa lahat ng mga nasabi ko kay Gael kanina. I feel sorry for raising my voice at him. Pero hindi niya rin ako masisisi. Alam kong may kapangyarihan silang magawang posible ang transplant. Lalo pa't sila rin ang may-ari ng hospital. Hindi ko lang matanggap na gumagalaw na sila sa preparasyon kahit buhay pa si Lester. That feels so wrong!

When he said he didn't support this idea of Lester, I kinda believed him. Hindi dahil sa mga nasabi ko, kundi iyon din ang sinabi niya noong gabi ng surprise birthday party ni Lester....


Walang naglakas-loob na magsalita matapos marinig ang mga hiling ni Lester. Nagiging emosyonal na rin ang paligid kahit ito ang iniiwasan naming mangyari. I felt Gustav's hand rubbing my back while I was silently sobbing.


"Uhm... okay. Can you blow the candles now, Les?" Jayce said, trying to lighten the atmosphere.


Sumenyas siya sa akin at pilit na ngumiti. Napatingin naman ako kay Tito Felipe at Blissle. Bliss was tearful but she managed to plaster a small smile before she nodded at me.

Lumapit ako kay Lester at iniharap sa kanya ang cake. He stretched his other arm to reach my face before he wiped my tears off.


"Hush, love..." he weakly said.


Pinilit kong ngumiti sa harap niya. He couldn't even let out enough air to blow the candles. Tinulungan ko pa siyang patayin ang huling kandila roon.


"Happy birthday, bro..."


"Dude, happy birthday!"


Isa-isang lumapit ang mga barkada at kasamahan niya sa team para bumati. Hinayaan ko silang makausap sandali si Lester kaya umalis ako roon at nanatili sa dulo ng rooftop kung saan tanaw na ang mga sasakyan sa ibaba.

Nagpunas ako ng luha nang matanaw si Gael na papalapit sa kinaroroonan ko. Maging siya ay tahimik pa nang makatabi sa akin.


"I can't believe him," salita ko. "Hindi ko maintindihan kung paano niya naisip ang mga sinabi niya."


Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)Where stories live. Discover now