Chapter 15

950 32 37
                                    

CHAPTER FIFTEEN

Pagbabago

***


MAS naging busy ako sa mga sumunod na araw para sa resto. Madalas kaming nagkakasama ni Gael dahil gusto niya ring masubaybayan ang preparation.

Habang tumatagal ay nagiging magaan na rin naman ulit ang loob ko sa kanya. Si Jayce rin at Gerard ang laging kasama namin dahil madalas nagpa-practice ang banda nina Gerard sa resto habang naghahanda naman kami para isagawa ang plano.


"This is the last one," ani Jayce sabay lapag ng dalawang pintura sa sahig.


Today's Saturday at sinadyang pinasarado ang resto. Nakahanda na lahat ng mga gagamitin para sa gagawing mural painting. Ang ibang kasama namin ay nasa open area dahil sila ang naka assign para sa plano roon. Gael even hired an interior and exterior designer to assist the planning.


"Saan na ba si Gael?" tanong ko sa kanya.


"Lumabas, magbibihis lang daw," sagot niya. Kinuha niya ang isang pantali at ginamit iyon para maligpit ang buhok niya.


Tumango ako at dumiretso sa dingding na tatrabahuin. Hinubad ko ang denim blazer na suot at nilagay iyon sa ibabaw ng mesa. Kinuha ko ang ilang paintbrush. Binuksan ko na rin ang ibang pintura na gagamitin para handa na pagkarating ni Gael.


"This is not part of our job description, Vienna. We are only assigned for the planning. Pasalamat ka at kaibigan ko rin si Gael. Kung hindi ay siguradong pinigilan na rin kita," reklamo ni Jayce.


"This is my last project, Jayce. At saka kaibigan ng boyfriend mo rin ang kliyente," paliwanag ko sa kanya.


"Kaya nga. Sisingilin ko sila ng malaki," pagtawa niya.


"Sinong sisingilin ng malaki?" salita ni Gerard na kakarating lang din. Hinarap siya ni Jayce nang nakangisi.


"Ikaw. Mamaya." Jayce winked at him.


Napairap na lang ako sa kanilang dalawa at nagpatuloy sa pag-aayos ng mga paint brush.


"Balik nga kayo ro'n! Ang sakit n'yo sa mata," pagbibiro kong pagtaboy sa kanilang dalawa.


"Sorry sister Vien," pang-aasar naman ni Jayce sa'kin.


"We're here to work for the resto, Jayce. Huwag ibang tao trabahuin mo."


Umawang ang bibig niya sa sinabi ko. Napatawa naman si Gerard habang nakahawak pa rin sa bewang ni Jay ang kabilang kamay.


"Palibhasa walang nobyo. Naku talaga, Vienna! Hindi na ako magugulat kung magmamadre ka talaga."


"I have a boyfriend, Jay."


"Ayan ka na naman." Umiling siya at lumayo kay Gerard. "Ikaw nga kumausap diyan sa kaibigan ko. Baka sakaling matauhan at makinig kapag lalaki na kakausap."

Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)Where stories live. Discover now