Chapter 25

1.2K 41 8
                                    

CHAPTER TWENTY-FIVE

Found

***


"WHAT happened? How was your talk?"


I went straight to the kitchen and aimed for a drink. That was the question Mama immediately posed to me. Maybe because she noticed my lethargy. Pumasok din si Papa sa kusina kaya silang dalawa naman ngayon ang naghihintay kung kailan ako magsasalita.


"Ayos lang po," maikling sagot ko.


I let out a long and heavy breath before sitting in front of the kitchen bar. Mama folded her arms and leaned against the side of the refrigerator. Papa walked over to make coffee.


"'Yong totoo, Vienna..." si Mama, mukhang hindi naniniwala sa akin.


Pasadyang tumikhim si Papa sa gilid kaya napalingon ako sa kinaroroonan niya. Seryoso na siyang nakatitig sa akin, tila binabasa ang mukha ko.


"Nag-usap na kami. We decided to part temporarily." Inilagay ko ang bag sa ibabaw ng counter bago nangalumbabang nakatingin sa mga magulang ko.


"Pumayag si Gael?" tanong ni Papa.


"Siya po ang nagbukas ng ideya," sagot ko. "Tama rin naman siya. Hindi ito ang tamang panahon para sa gusto namin. We are both broken and weak. We need time."


Bitbit ang kanyang kape, humarap sa akin si Papa at humigop mula roon. "That boy still hasn't changed," he said, moving his head gently from left to right.


I looked at him in astonishment. "Bakit, Papa?" tanong ko.


"Alam niya pa rin ang tama sa mali. Kahit labag sa loob niya. He still cares about you a lot," he said with his tone a bit amazed.


"And he's not rushing things, anak." Ngumiti si Mama sa akin.


Simula noong lumabas ako ng ospital matapos kong madala roon, tila hindi na humihigpit pa si Papa sa akin. Ipinaliwanag din naman nila ang lahat tungkol sa sitwasyon ko noon at kung bakit nila napagdesisyunang hindi sabihin sa akin ang totoong nangyari. Every part of me understood that. It was all for my sake.


"You blamed him before," mahina at may pag-aalinlangan kong sabi kay Papa. Umabot sa akin ang mahaba niyang paghinga. Nanatili lang tahimik si Mama sa gilid.


"And I regret that," mabilis namang sagot ni Papa kaya mas nakuha niya ang atensyon ko. "Pero alam niyang hindi niya ako masisisi kung binagsak ko sa kanya ang sisi dahil sa nangyari sa'yo. Bilang isang ama, responsibilidad kong protektahan kayo. Ipinasa ko sa kanya ang responsibilidad na iyon nang nagpaalam siya sa amin na dalhin ka para sa isang gig. Kaya dahil sa takot noong maaksidente kayo, sa kanya ko natambak lahat ng sisi."


"Aksidente naman po ang nangyari. Hindi niya iyon ginusto," paglaban ko pa. Napasinghap ako bago inilayo sa kanya ang tingin. Kaya rin siguro ayaw na ayaw ni Papa na nagbabanda ako. May nangyari naman pala noon. Siguro natatakot lang din siyang maulit iyon.

Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)Where stories live. Discover now