Chapter 7

895 44 47
                                    

CHAPTER SEVEN

Three Wishes

***


"MAS maswerte ako sa kanya," sagot ko.


Kinuha ko ang ilang pintura sa bandang paanan niya at inilipat iyon sa maliit na table sa gilid para madali niyang maabot.


"Kay Lester, oo, but his family? His father?" mas seryosong salita ni Gael nang hindi man lang lumilingon sa akin.


I paused for a moment. Naalala kong narinig niya nga pala kami ni Tito noong nakaraang araw. Nasaksihan niya rin kung paano makitungo si Tito sa akin kaya niya siguro ito sinasabi ngayon.


"Ate Vien, may kukunin lang kaming ibang materials sa ibaba, ha! Balik din kami agad!" Kumaway si Blissle sa akin. Nasa likuran na niya si Gustav.


Tumango ako kay Blissle. Pinanliitan ko naman si Gus ng mata bago sila tuluyang makababa. I bent down and busied myself with the trashes, trying to ignore what Gael said a while ago.


"Parte naman ng relasyon 'yan. Hindi mo mapipilit na magustuhan ka ng tao. Swerte na lang kung matanggap ka nila nang buo." Hindi ako nakatiis at binigyan nalang siya ng sagot.


Halos umabot sa akin ang mabigat niyang paghinga. Tumayo ako at nilagay sa gilid lahat ng basura bago bumalik sa kinaroroonan ni Gael. Nahagip ko siyang napatingin sa akin bago muling itinuon ang mga mata sa ginagawa.


"You know it's not right for someone to talk to you that way, right? Bakit hinahayaan mo lang? Dahil sa parte nga 'yan ng relasyon n'yo?" he said and freed a scoff.


"I could keep up with all that for Lester."


"Kahit ikaw ang nasasaktan?"


"At least hindi siya ang nananakit sa akin," giit ko pa.


Mas lalo siyang napatawa sa sinabi ko. He straightened his back and put the brush he was holding on the table. He bent his head a bit while his tongue played with the insides of his cheek.


"What did Lester do about that before?" he queried in a monotone. When I looked up to him, he's already darting his gaze on me.


"Kinakausap naman niya ang Papa niya. Pinaglalaban niya naman ako..." I sounded a bit nervous.


"Did that change anything?"


Umiling ako.


The emotions in his eyes became strong. I couldn't look at them for long. Parang nanunusok sa tuwing tumatama sa akin. He got those gray eyes with fiery stare tonight. His jaw moved once before taking his eyes from me. Kinuha niya ulit ang paintbrush at pinagpatuloy ang pagpipinta.


"Magkaiba nga talaga ang isip ng tao pagdating sa bagay na 'yan. If I were Lester, I wouldn't settle that issue with a talk with my father. I wouldn't defend you in front of him over and over again," seryoso niyang sabi na mas umagaw sa atensyon ko.

Love Transplant [Under PaperInk Publishing House] (✔️)Where stories live. Discover now