(01)

125 6 3
                                    

Sino nga ba to si Mischievous_guy? Oh well let's stalk him. Ang weird ko kailan pa ako naging stalker? Sa lahat ng followers ko siya lang ini-istalk ko at isa pa siya lang ang lalaking follower ko kaya ganito ako ngayon, taena to.

Pag-tingin ko sa kaniyang profile, yung picture naman nya ay anime hindi ko alam kung sino ito sa anime o anong anime ito, kase hindi naman ako nanonuod n'yan, k-drama lang. Wala siyang naka follow na ibang author or other wattpaders kun'di ako lang? Creepy.

Medjo inaantok na ako at masakit na ang mga mata ko. Kinusot ko ang mga mata ko and after, I layed down onto my bed to take a sleep. I checked my phone, pag tingin ko sa selpon ko ang aga-aga pa pala kaso hindi kona kaya at tsaka, may klase pa ako bukas.

Ang aga kung nagising ngayon ah, 5:48 pa lamang ng madaling araw, my class starts in 8:00 AM pa. Kaya ang dami ko pang oras para mag-ayos.

I'm planning to eat sa pinaka malapit na eatery dito sa'min. Kase tinamad akong magluto nang breakfast ko.

Nakita ko si Cyan, sa isang malapit na eatery kaya doon nalang din ako. Nakita ko s'yang kumain nang dalawang cups na kanin, hotdog at meatloaf. Nang makita niya ako, he immediately waved and shouted at me, "Oy Leu, aga natin ah" aniya.

"Naka tsamba lang eh" sabi ko at sabay tawa.

"Kain tayo, dito kana umupo" tinuro nya ang bakanteng upuan sa harap nya.

"Sige, pipiili muna ako nang kakainin ko".

Tumango lang siya.

Binaba ko muna yung bag ko sa upuan at tumungo sa harap ng counter para mag order. Kumuha lang ako nang isang sabaw, 1 cup of rice at isang tortang talong. Hindi naman karamihan yung inorder ko kase, hindi naman ako ganoon karami kumain sa agahan.

Habang kumain kami. Nag-dal-dalan lang kami nang iba't ibang bagay.

"May pupuntahan kapa after kumain?" Tanong nya.

"Wala naman, d-deretso na ata ako sa school, ikaw ba?"

"Sabay na tayo"

Tumango ako.

"Ay oo nga, nag wawattpad kaba?" Tanong ko sakanya.

"Huh? Hindi ah, naboboringan ako d'yan ML lang papabuhat ka?"

"Ay taray, ang hina mo nga eh. Layla lang alam. And excuse me, wattpad is not boring you know, try it." Biro kong sabi. I know he's strong when it comes to online games, pero syempre ayaw kong sasabihin yan 'no. Lalaki pa ang ulo niyan hays, mahirap na.

Tumawa sya nang malakas kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. "Syempre char lang yun. Wag magalit, pero seryoso hindi ako nag wawattpad bakit ka napatanong?"

"Ah wala kase may nag follow kase na lalaki sa akin syempre diko alam sino"

"Ah kaya pala curious ka? Anyways, tara na mag taxi tayo o jeep?"

"Siyempre sino ba ang hindi ma c-curious diba?" Sabi ko "Let's go with taxi" pahabol kung sagot.

Tumango sya at pumara na para tumawag nang taxi.

Nakarating na kami sa eskwelahan. Konti palang ang mga estudyante dito, first time ko ata makita ito ah, palagi kasi akong late hahaha. Proud pa nga

"Hatid kita sa room mo?" Pag alay ni cyan sakin.

"Huh? Anong hatid magka klase tayo, tanga"

"Weh di ka sure"

"Utak mo may sipon- ay sorry wala ka palang utak"

TranquilityWhere stories live. Discover now