(15)

52 4 2
                                    

Mas lalo akong hindi naka-tulog, dahil sa message niya. Bwisit ka Hendrix!

I don't know what to reply. Bukas ko nalang ata siya re-replyan. Inaantok na ako, please lang.

───✧❁✧───

While waiting for the bell to ring..... We are here at a café, near the school having breakfast.

Humarap ako sa lalaki, at binigyan nang nakaka-asar na ngiti. "Cyan, psst"

Lumingon siya at kumunot ang noo nito. "Ano na naman?"

"May tanong ako" sabi ko at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi.

Tinaas niya ang isang kilay bilang sagot.

Tumawa muna ako, kaya lalo siyang naguluhan. "Noong, pinanganak ka ba...." patuloy akong tumawa "...nag-a-among us ba Mama mo? Just asking"

"Ha?"

"Ang sabi ko-"

"Hanader question" putol niya sa 'kin at tumawa nang malakas. Halos mabingi na ako sa putek na tawa niya.

I scoffed. Then looked at him, with a straight face.

"Oo nga Cyan, may point ang tanong ni Leu" si Ivy at saka sumimsim sa kape na inorder niya.

Natahimik bigla ang lalaki at nagsalita. "Pati ikaw babe? Baduy niyo naman"

"B-babe amputa" nauutal na sabi ni Ivy. Muntik pa nga niyang mabuga yung kape na iniinom.

Tumili ako at tinakpan ang bibig "Wait lang. Sandali lang ha, sandali" sabi ko at tumili ulit.

"Gaga, ingay mo" reklamo ni Ivy, at hinampas ako sa braso.

Nang tumunog ang bell ng eskwelahan, dali-dali kaming tumayo sa kina-upuan at saka lumabas sa café.

"See you later mga slapsoil" I waved them goodbye, then smiled weirdly.

Binagalan ko konti yung lakad ko. I want to soothe myself here in this breezy air, outside.

But, then I remembered.... pupunta pala siya dito. Shet.

Wala pang kalahating minuto, nasa taas na building na ako. Sa pagmamadali ko, I almost fall out of balance, just to avoid him seeing me.

Ang lakas ng apekto mo sa 'kin Hendrix ah.

"Guys, 'andito na si Teacher" rinig ko ang sigaw sa isang estudyante ko.

Nothing special happened. As usual, nagturo ako. Wala paring nag-bago, energetic pa rin yung mga estudyante ko.

Tomorrow is finally weekends. Wala akong plano lumabas bukas. Gusto ko lang matutulog at magpapahinga, buong araw. I need it. Even, just for a day.

The papers I checked last night..... I already gave it to them, one-by-one. They thanked me for the scores they received.

"Thankyou for these scores, Ma'am Leu"

Napailing ako, ba't ba ako pinapasalamatan nila? "You should thanked yourself, as well Elly. You worked hard for that, give credits to yourself too"

She only giggled, then went back to her seat. Smiling.

Morning has passed. Nandito lang kami sa isang karenderya, para manang-halian. Medyo may kalayuan din ito sa eskwelahan. Palagi kasing bukambibig ni Ivy ang karenderyang 'to, kaya pinuntahan namin.

I ordered one porkchop, at isang serve ng bitsuelas, my fave.

"Kumusta kare-kare mo Ivy" saad ni Cyan.

TranquilityWhere stories live. Discover now