(12)

30 7 0
                                    

"Ugh, Cyan ang kulit mo, umalis ka nga rito! Pabigat ka lang eh, bakit ka ba kasi nandito!?" Tulak ko kay Cyan.

"Ah hello? Bakit nga ba ako nandito? Malamang dito ako nag-aaral! At sinong nagsabing pabigat ako? Ikaw kaya 'tong pabigat, diba Ivy!?"

"Ughh ang gulo ninyo! Buti pa at mag focus nalang kayo, parang kayo pa ang tuturuan kesa sa mga bata eh!!"
Nandito kami ngayon sa isang bakanting room at gumagawa ng power point para sa upcoming preservice namin.

Ngumuso nalang ako at nagreview, dahil si Ivy na ang gumagawa ng power point na dapat kami ni Cyan ang gagawa! Tumingin ako sa gawi ni Cyan at pinanliitan siya ng mata. Nginusuhan nya lang ako at gaya ko nagreview nalang din siya dahil walang magawa.

Nang nakaramdam kami ng gutom pumunta kami kaagad sa cafeteria.

"Ah grabe bakit ba teacher pa ang kinuha ko, sana naging bata nalang ako, nakakapagod mag-aral." Ani ni Cyan at marahas na kinagat ang fried chicken.

"Hindi naman ako nag complain kahit ako ang nag gawa ng power point ah! Hahaha chos. Normal lang naman ang mapagod eh! Lahat kaya ng trabaho mahirap. Tsaka pagod at sabog kaya tayong lahat! Tingnan n'yo nga ang pagmumukha ninyo! Hahahaha."

"Hala ano meron sa mukha ko Ivy?!"

"Panget." Pabulong na sabi ni Cyan, ngunit rinig na rinig ko!

"Ang hagard ng pagmumukha ninyo, lalo kana, Cyan. Hahahaha."

"Hoy bawiin mo yan Ivy!! Ang pogi ko kaya at laging fresh!"

"Kahit kailan bwesit ka talaga Cyan!! Mukha kang unggoy grrrr fresh mo mukha mo."

"Eh ikaw nga itong favorite yung saging, kabahan kana Bwahahaha."

"So? At least hindi mukhang unggoy." Inirapan ko nalang s'ya at kumain.

Pagkatapos kumain, bumalik kaagad kami sa classroom namin dahil may final discussion na ibabahagi si prof para sa preservice.

Pagpasok namin sa classroom, as usual magulo at busy pa rin.

"Hi Pres! Musta tayo jan?"

"Shut up Cyan, wag ka munang magulo. I'm busy."

"O diba sabi ko na eh, gulo ka lang talaga sa mundo Cyan tsk, tsk, tsk."

"Luh, tinatanong lang eh, buti nga at kinamusta ko pa tsk." Nagmamaktol na umupo si Cyan at kunyari pang nasasaktan hahaha lol.

Umupo ako sa tabi nila Cyan at Ivy, Gulat na napatingin sa 'kin si Ivy kaya medjo na gulat din ako.

"Oh bakit parang nakakita ka ng multo jan? Ano 'yang sinusulat mo sa notebook ha?"

"A-anong s-sinusulat? W-wala noh!"

"Eh? Meron eh kita kaya kita!"

"W-wala yun!"

"Hindi ako naniniwala, s-siguro crush mo yun noh?" Nang aasar na tugon ko.

"H-ha!? Hindi noh! Tanga!, sino ba namang tao ang susulat ng ngalan ng c-crush nila sa notebook d-diba? That's childish!! H-hahaha." Ivy nervously laugh.

"Hmmm. Okay if you say so. Sino nga ba naman ang susulat ng ngalan ng 'crush' nila sa notebook diba? How childish! Hahahaha." panggagaya ko sa sinabi ni Ivy. Kinurot n'ya ako sa tagiliran habang parehas na tumatawa. Bigla namang pumasok si prof kaya pinandilatan ako ng mata ni Ivy at tinawanan ko lang siya ng mahina.

Umayos kami lahat ng upo at binati si prof, tinabig ko si Cyan dahil hindi ata na pansin na nandito na si prof.

Agad naman syang natauhan ng sabihin kong narito na si prof. Pfft, parang tanga.

TranquilityWhere stories live. Discover now