Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko, bakit parang, palagi na kaming itinatagpo sa isa't-isa? Curse you, Cupid!! "Pasok ka, Drix."
"Since when, did you call me Drix? It sounds cute" Nakakunot noong sabi niya.
Medyo, uminit yung mga pisngi ko sa sinabi niya, "W-wala, ngayun, bakit?"
He didn't reply. Tuloy-tuloy lang siyang pumasok at tsaka umupo sa couch na nasa tabi niya. Sungit neto.
Hindi ko na siya in-entertain, kasi pumunta ako dito para maghingi nang advice kay mama, hindi mag-ano. What's that word again? Nvm Hahaha.
"Ma" tawag ko kay mama.
"Hmm?, mamaya kana dito nak, nagluluto ako. Mag-laro muna kayo ni lalaki" Sumimangot lang ako at lumabas sa kusina. Grabe mag-laro talaga? Tapos lalaki pa ang tawag niya kay Hendrix haha, jusko ma.
Nang makalabas ako sa kusina. Nakita ko si Hendrix na nag-s-selpon. Tumitig ako sa kanya mga ilang minuto, ng biglang lumingon siya sa akin, dali-dali akong umiwas ng tingin. Kumalma ka Leu.
"Hi hija, kamusta school mo?" Nabalik ako sa realidad, ng biglang may nag-salita. Ngayun ko lang na-realize na, siya pala yung naka-halubilo ko noon sa principal's office. Kumusta na kaya si Sheena?
"Oy tita hehe, okey lang naman-" naputol ang pag-sasalita ko, kasi hinila agad ako ni Tita patungo sa sala.
"Hija, meet my son Hendrix" maligayang saad nito.
"Tita-"
"Iwan mo na kami Ma" si Hendrix.
"Great, magka-sundo na pala kayu." sabi ni tita at saka tinalikuran kami.
"Nga pala, wala ka bang klase Drix?" Wika ko.
"Meron. Pero half day lang, kaya hindi nalang ako pumasok, sayang naman uniform ko. You?"
Umiling ako, "Wala... nag-post kahapon yung president namin, may meeting daw kase ang mga teachers namin, kaya ayun"
Tumango lang ito. He's attitude reminded me of someone, hindi siya masayadong nagsasalita in personal, pero sa chat ang haba ng message niya.... nakakaloka. Or siguro mahiyain lang talaga siya? Ay wow hahaha.
"Ay Leu" tawag nito sakin.
"Hmmm?"
"Congrats"
Kumunot yung noo ko, "About what?".
"For, the 1M reads on your story"
"Hala, diba tapos kanang naka-greet? Pero thank you Drix"
Ngumiti siya ng matipid, "You're always welcome". I smiled back at him.
"Mads, kita mo? They grow up so fast" biglang nawala yung ngiti ko ng nag-salita si mama.
"Maaaa!!" Sabi ko at nahihiyang tumingin kay Hendrix na nakatingin lang din sa 'kin.
"What?, ang cute niyong tignan dalawa ouh" nag-make face nalang ako, at hindi na nagsalita. "Anyway, luto na yung pagkain, let's eat".
Nagsimula na kaming kumain. Ang daldal pala ng mama ni Hendrix, ang dami n'yang chika. Minsan may mga dirty jokes silang sinasabi. Akala naman nila di ko alam 'yang pinagsasabi nila hahah, joke lang inosente po ako.
"Shh, may mga bata Lin, loka-loka ka talaga" natatawang sabi ni Mama.
Nag-pepekeng ubo ako, kaya napatingin si Hendrix sa 'kin. Diko alam gagawin ko kaya, nginitian ko lang siya....
It's currently 2pm in the afternoon, uuwi na daw sila tita, kasi may gagawin pa daw s'yang mga paperworks. Nag-k-kwentuhan din kami ni Hendrix kanina. Nalaman ko na din yung course na kinuha niya, it was Arts. He showed me his works earlier, infairness ang ganda huhu....
YOU ARE READING
Tranquility
Teen Fiction"It only takes a book to find my love at first write." Leurica Layne Laruda. A girl who loves to writes. Whenever she writes, she is in peace. She creates her little paradise, her own world, on a book itself. Is she able to continue her dreams?