(05)

92 5 3
                                    

"Sino kaba? Grrr. Kapag si Cyan to papatayin ko talaga yong kumag na yon. The heck" sabi ko sa sarili ko. "Ay baka readers ko? Kaklase? Kaibigan? Baka kilala nya ako o kilala ko sya, tapos pinaglaruan nya ako. Ewan uy shuta"

Sumimangot ako at nagpatuloy sa pag-review "Bahala ka jan. Mag-review na nga, makakapasa pa ako nito. Kesa hanapin ang suspect na yun."

Another morning, for a new another day.

Jusko po, exam na. Todo-todo ang pag-review ko kahapon. Muntik pa nga akong hindi nakatulog eh, pero mas kailangan ng katawan ko ang mag-pahinga. Baka makakatulog pa ako sa skwelahan nyan. Malilintakan na naman ako. Papagalitan ako nyan ng mama ko haha.

Pagpasok ko sa school. Nakita ko kaagad si Ivy na may hawak na notebook at libro sa kamay nya.

"Ay sana all hardworking, penge answers mamaya ha. De charot lang po" sabi ko at tumawa.

"Review muna, bago ang sakuna" tugon niya at tumawa din.

Maya-maya dumating na kaagad ang prof namin. "Good Morning class, this is your first day of exam. Remember honesty is the best policy, alam nyo na yan. Cheating is a choice not a mistake. Goodluck to y'all" paalalang sabi ni Sir.

Nagsimula na ang exam namin. Kakasimula lang pero, math na agad ang nagbungad sakin. Wow goodmorning. Nakaka bwisit sa utak.

"Psst, Leu penge answer number 8 hoy" bulong ni Cyan sa kilid ko.

"Manahimik ka dyan. Pag nakita tayu ni Sir, papatayin talaga kita dya-"

"Mister Usoro, Miss Laruda ano yan?" tugon ng professor namin.

"E-eh kasi Sir, ang iingay nya kasi ouh" sabi ko at tinuro si Cyan.

"I'm warning you two. Mind your own business, kayung dalawa" kalmadong sabi ni Sir.

Tumango lang namin kami, na parang mga aso. Muli kong sinamaan nang tingin si Cyan.

Tapos na ang first day na exam namin, bukas nanaman. Awit po.

"Ivy, samahan mo ako please" sambit ko sa kanya.

"Saan ba?" sagot niya.

"Bibili lang ng ballpen sa NBS"

"Sige ako nalang din"

"Yey thanks vivi" tinawag ko sya sa palayaw niya. Cute hehe.

Nakalabas na kami ng campus. Sasakay na sana kami ng taxi ng biglang may sumigaw sa likuran namin.

"Oy samahin nyo ko uy, ang sama nyo" sigaw na sabi ni Cyan at tumatakbo patungo sa amin.

"Hindi ka pwede, for girls only" sambit ko at nagpahilim ng tawa.

"Oa neto, Ivy sige na?" pa-cute nyang sabi.

"Isama mo na yan Leu, ang kulit eh"

"Sige na nga, psh"

"Galit kapa ba sakin?" tanong ni Cyan sakin.

"Ha? Hatdug. Hindi naman" tugon ko at tumawa.

Naka-abot na kami sa National Bookstore. Nag-ikot ikot muna ako para hanapin yung dapat bibilhin ko.

"Leu, bibilhin ko ito sayo, gusto mo ba? Magka mukha kayu eh" sabi ni Cyan, na may hawak na isang unggoy na stuff toy.

Inirapan ko lang siya, bahala ka jan.

"Ang mahal ng sign pen" sabi ni Ivy at napangiwi.

"Magkano ba?" tanong ko.

"May thirty-five, fourthy-six, at fifty pesos"

TranquilityWhere stories live. Discover now