"Ano na naman kaya ang gagawin ko pagkatapos ng klase?"
Kakatapos lang ng Math Subject namin. Nasa ikalawang taon na ako ng pag-aaral sa Karasuno High. Wala naman akong club na sinalihan noong first year kaya wala rin akong sinalihan ngayong second year. Sigh.
Lumabas ako ng room para itapon ang chukie na kakaubos ko lang, iniisip ko parin kung anong gagawin ko mamayang pagkatapos ng klase. Mamili kaya ako ng writing materials? Kumpleto paba ang mga kulay ng acrylic ko? Hmmm. Bumaba ako ng floor namin at tinahak ang daan kung saan may vendo. May strawberry yogurt kaya?
"Shi-shimizu-senpai?" Rinig kong sigaw ng isang 1st year. Napalingon naman ako doon dahil sa ang lakas ng pagkakatawag nito.
'nakalunok yata ng microphone'
Mukhang 3rd year ang babaeng kausap noong 1st year. Parang junior pa ang tangkad nung 1st year – hmmmm, medyo matangkad naman ako 5'5 rin ang tangkad ko no!
"May kakilala kabang 1st year or 2nd year na wala pang sinasalihang club?" Rinig kong tanong nito. Oh hiring yata ang club nila.
Nag-isip naman ako kung kakausapin ko ba at magtatanong ng details about sa club nila. Sumandal ako sa pader at saka hinigop ang gatas na binili ko, naubusan ng strawberry. Asar. – Kailangan ko pa mag-isip kung magaapproach ba ako o hindi.
Hindi naman kasi ako masyadong sociable sa tao pero kaya kong makisama.
Sa huli, nilapitan ko rin ang dalawa, mas matangkad ako kay ateng 3rd year pero nahihiya parin ako kaya nag-iwaas ako ng tingin dahil mukhang nagtataka sila kung bakit ako lumapit. Bawal ba?
"A-no. Uhm. I just happened to hear your conversation." Shit, nakakahiya. "May I have the details o-of t-the club" Shit nauutal ako. Napawoah naman 'yung 1st year habang si Ate ay napangiti sa akin.
"Let's go somewhere. Masyadong maingay dito sa hallway." Ani nito sa akin at saka nagpaalam kay junior high. "Thankyou, Hinata. See you"
Napunta kami sa wide space ng school kung saan may table at chair na nakasilong sa malaking puno. Umupo kami roon atsaka ako kinausap. Medyo nahihiya parin ako sa kaniya pero pinaparamdam naman nitong mahinahon ang presensya nito.
"Uhno, I'm Shimizu Kiyoko. 3rd year. Current manager ng Volleyball boys ng Karasuno High. Naghahanap kami ngayon ng bagong manager dahil huling tan ko na dito at kailangan ko na ng successor," Nakangiti nitong paliwanag.
"I'm Hatake Mikazuki, 2nd year. 18" Bati ko pabalik sa kaniya.
Volleyball. Since grade school hanggang makapagtapos ako ng junior high ay player ako ng sports na'yon. Tumigil ako nitong naghigh school ako dahil sa personal na dahilan.
Binigyan pa ako nito ng details at sa huli sinabi kong pag-iisipan ko muna. Inabisuhan ako nitong sumama mamayang hapon sa para magpakilala sa team bilang potential manager.
"Hihintayin kita sa floor ninyo later!" Nakangiti muli nitong sabi sa akin. Ngumiti rin ako pabalik at tumango.
Haharapin ko ulit ang larong volleyball kung sakaling tatanggapin ko ang posisyong manager.
Tumunog ang bell, hudyat na tapos na ang klase. Agad akong lumabas ng classroom pagkatapos kong magligpit ng gamit. Nadatnan ko naman sa dulo ng floor namin si Shimizu-senpai.
'Hinintay niya nga ako' ani ko sa isip ko.
Kumaway ito sa akin at saka ngumiti. "Ang tangkad mo, kitang kita kita habang sabay na naglalakad kasama ang mga kabatch mo." Sambit nito. Medyo may katangkaran kasi ako siguro ako ang pinakamatangkad na babae sa buong 2nd year.
BINABASA MO ANG
One Special Meeting
Teen Fiction'Am I in his dream?' It's such a heavy question for Hatake Mikazuki, a second-year student in Karasuno High school. After falling in love with Oikawa Tooru - Captain ball of the volleyball team Aoba Josai, Mikazuki started to think if she is part of...