"Nya! Player ka mula grade school hanggang junior high?!"
Gulantang na tanong ni Nishinoya. Lumapit naman sa akin si Tanaka at Daichi. Napakamot ulo nalang ako sa hiya, nawala sa loob ko nung maihagis ko ang bola na nandito pala sila.
"Bakit hindi kana naglalaro?"
Hindi ko alam pero ito ang pinakainiiwasan kong tanong. Although sasagutin ko parin naman. Hindi lang ako kumportable.
Nagdahilan nalang ako ulit na "Nagfocus kasi ako sa pag-aaral hehehe" para hindi na sila ulit magtanong.
Si Tanaka kinukulit akong turuan siya mag Jump serve pero dumating na sina Tsukishima at Yamaguchi kasabay si Kageyma at Shimizu-senpai. Si Hinata lang ang wala dahil mukhang siya ang kaninang minamadaling asikasuhin ni Coach Ukai.
-
Ilang araw nalang at magtotokyo na pero hindi parin nag-uusap sina Hinata at Kageyma. Hindi man aminin ng buong team, apektado sila sa nangyaring pagtatalo nung dalawa. Mukhang gustong matuto ni Hinata makipaglaban sa mid-air pero ayaw ni Kageyama dahil umano sa mahirap at hindi kakayanin ni Hinata. Pero sa tingin ko naman ay kaya niya 'yun, lahat naman ng bagay naidadaan sa tyaga. Sigh.Nang matapos sila magtraining nilapitan ko si Kageyama at kinausap. Hindi kami masyadong close nito pero ayoko naman na ganun ang mindset. Masyadong bad reputation, at isa pa. 'I'm his senpai!'
"Naibigay mo naba ang gustong toss ng mga spiker mo?" Tanong ko sa kaniya.
"Anong ibig mong sabihin"
So hindi niya pa nga. Kung hindi ako nagkakamali binigyan siya ng famous nickname nung dati niyang mga kateam mates sa Kitagawa "King of the court". Akala ko dahil sa pagiging magaling niya pero hindi. Isa siyang diktador sa loob ng court. That's why.
"uhhh, ito ha don't get me wrong, the one who has the initiative to attack is Hinata... and not you." 'yun nalang ang nasabi ko at saka siya tinalikuran. Kung hindi niya parin maintindihan, hindi maggogrow ang team na'to hanggat siya ang setter.
Bahala na siya magself reflection. Ilang araw nalang at magsisimula na ang training sa malayo pero kung ganito parin ang set-up nila mahihirapan lang rin ang mga nasa paligid nila.
Bigla namang bumukas ang pintuan ng gym at iniluwal nito si Coach Ukai na naghihingalo na. Parang nakipag marathon 'to sa kung kanino. Inabutan siya ng tubig ni Shimizu-senpai at saka pinakalma.
"Ka-Kageyama, let it drop." Humahangos nitong sabi. "Ang toss na humihinto!"
"What do you mean Coach?"
Uminom ulit ito ng tubig at pinalapit si Kageyama para kausapin. Nilihis kona ang tingin ko saka nilapitan si Yamaguchi na nagliligpit ng net para tulungan.
"Saan ba ilalagay 'to hehe" Kami narin ang nagdala sa stock room ng mga upuan at mga bola para hindi na magligpit ang mga seniors. Nang matapos kami ay tinawag sila ulit para sa huling meeting.
Bukas, mula umaga hangang tanghali ang training nila dahil sa gabi babalik kami dito para bumyahe papuntang Tokyo. Maaga akong nagpaalam sa kanila na mauuna ng umuwi para gumayak. Binalak kong magluto ng hapunan at snacks para sakanila.
Dumaan muna akong supermarket. Naisipan kong pork curry nalang ang lutuin kaya binili ko ang mga sangkap saka na umuwi ng bahay.Apartment ang tinitirhan ko malapit sa school, ang parents ko kasi nasa ibang bansa dahil sa trabaho. Ako lang ang isang anak at pinili kong magstay dito kaysa sumama sa kanila dahil mahirap ang palipat plipat ng school lalo na paiba iba ng bansa ang mga pinupuntahan ng mga 'to kada taon.
Nasanay na akong mag-isa sa buhay kaya naman sisiw lang sa akin 'to. Maaga akong naligo at natulog para bukas ng umaga bago makapasok sa school, makapaggayak na ako ng gamit.
BINABASA MO ANG
One Special Meeting
Novela Juvenil'Am I in his dream?' It's such a heavy question for Hatake Mikazuki, a second-year student in Karasuno High school. After falling in love with Oikawa Tooru - Captain ball of the volleyball team Aoba Josai, Mikazuki started to think if she is part of...