Chapter 4

99 4 0
                                    

Natapos ang pangalawang araw nila na may isang panalo laban sa Shinzen. Nagkakapaan pa sa bagong fast attack nila si Kageyama at Hinata habang ang iba ay hindi pa naayos ang synchronized attack nila. Kung tutuusin kung pagsasamahin ang mga atakeng ginagawa nila, may laban sila sa mga top teams. Kung mahahasa nila 'to ng lubos, pwede na.

"Oi- Mika!" Si Kotarou. "Tara tulungan mo kami mag block!" aya nito sa akin. "Tsuki! Hey! Tara!"

Nagpaalam akong saglit lang at magpapalit lang akong T-shirt. Bumalik rin naman ako kaagad sa gym kung nasaan sila. Medyo naging awkward nung hangin nung makita ko si Tetsurou na nanduon.

'Close pala sila ni Kotarou'

Si Tsukishima at Kuroo sa blocking habang kami ni Kotarou ang spikers, si Akaashi-maboy parin ang setter.

"Ako muna ha, kailangan mga da-best ang unang papalo"

Maiispeechless ka nalang talaga dito sa hayop na'to e. Humingi naman ng paumanhin si Akaashi-maboy sa Captain nito.

"Don't mind" Sa totoo lang ako nahihiya sa pinsan kong naging Captain nyo pa e'.

Binigyan siya ng toss ni Akaashi-maboy at saka nito pinalo. Nakalampas naman ito sa block ni Tsukishima. Binigyan ni Kuroo ng tips si Tsukishima about blocking at paano ikill ang bola galling kay Kotarou.

Ako naman ang next na papalo. Sinabi ko kay Akaashi ang toss na gusto ko. Ayos na sa akin ang mataas na toss, sobrang motivated ako sa toss ni Akaashi-maboy kaya naman buong pwersa ko itong pinalo pero na one touch ito ni Kuroo.

'tch'

Nakailang laro pa kami bago may pumasok na mga manager at sabihing maghapunan na kami bago pa magsara ang Cafeteria. Hindi pa naman ako gutom kaya naman nagjog na ako papunta sa corridor kung nasaan kami natutulog. Nadatnan ko naman si Shimizu na nanduon at nagbabasa.

"Nag-aaral ka kahit break?" Halata naman sa kaniya na nakakakuha siya ng matataas na grado at tutok sa pag-aaral. Si Suga rin ay may hobby na mag-aral kapag kinakabahan.

Maaga akong nag-paalam sa kanila na matutulog na pagkatapos kong maligo dahil kakagaling kong makipaglaro at turuan si Tsukishima kanina.

"Goodnight"

-

Nasa ikahuling araw na kami ng training camp. Ang fast attack na sa una ay palyado nasa 70% na ang success rate. Ang synchronized attack naman ng team ay tumitino na ganun rin ang spike serve ni Azumane at ang jump float nina Kinoshita at Yamaguchi. Everyone's on roll rakenrol.

Buong mag-araw ay hindi na ako kinausap ni Kuroo, marahil binibigyan ako ng oras. SI Kenma lang ang nakakausap ko. Si Rintarou at Kourai ay sa ibang school nagsipag aral. Kung hindi ako nagkakamali Inarizaki ang school ni Suna habang si Kourai ay nasa Kamomedai. Super-naks kasi bigatin na nung mga team nila.

'I can't wait to see them'

Pero part of me saying na huwag. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sila haharapin. Lalo na si Kourai, hindi ko lubos maimagine kung ano ang naging ekspresyon nito noong mga panahong pinutulan ko sila ng communication sa akin.

Huling round na ng laban bago magsikain ng tanghalian. Nanlibre ang mga coach ng barbecue party, natyempuhan namang narinig ni Daichi ang paguusap ng coach ng Nekoma kaya nung natapos sila magpenalty ay chinika ni Daichi sa kanila 'yun.

'Ang daldal mo captain'

Nagpaboost naman sa gana nila maglaro ang barbecue, nasa kalagitnaan na ng laro ng mag-emo na naman si Kotarou dahil sa palagiang pagkablock sa kaniya. Mukhang nakuha na ni Tsukishima ang play ni Kotarou ah.

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon