Chapter 11

71 6 0
                                    

"go go, go go Seijo!"

Napuno ng ingay ang buong gymnasium. Pagkaakyat ko ay nag-uusap usap na ang bawat team sa kani-kanilang bench. Nilingon ko naman ang gawi ng Seijo, nagsasalita si Oikawa ng bigla siyang hawakan ni Iwaizumi ganun din ang #3 at #2 nila. Iyon yata si Mattsun at Maki. Nakisali rin ang mga first year at nakipagkantyawan rin kagay ng tatlo sa captain nila. Habang sa Karasuno naman may sinasabi si Sir Takeda sa mga ito habang nakangiti. Alam kong grabe ang kaba ng mga players namin but..

Their only option is to surpass this team, para makapag proceed sa final round. So go win this time, Karasuno!

Naki "Yeah" at "Let's go" Rin ako sa taas. Tumabi sa akin ang kakadating lang na babae at nagpakilalang ate ni Tanaka.

'Hawig na hawig ah'

Habang ang dalawang lalaki namang nasa kanan ko ay kasama sa mens volleyball association ng Alumni ng Karasuno. Kung hindi ako nagkakamali ay kasamahan ito ni Coach Ukai at nakalaro na ng team.

Nagumpisa na ang game.

"Give us nice serve Oikawa!" Sigaw ng mga kateam niya sa loob ng court.

"Hiyaa, Siya pa ang magseserve" Tanong ng lalaking katabi ko na nakasuot ng salamin.

"Is he that good?" Tanong ni Saeko-neesan.

"He's a freaking cannon!" Sagot nito sa kaniya.

Lumingon ulit ako kung nasaan si Oikawa. Totoo namang grabe ang spike serve nito. Daig pa nitong nabigyan ng magagandang toss araw araw dahil sa service niya.

"If Seijo's able to build momentum with his serve, Karasuno will be in trouble" Sambit naman nung lalaking dilaw ang buhok.

Service itself is a powerful weapon. Cut him off Karasuno!

Cut the curse~Char!

May sinigaw ang tatlong teammates ni Oikawa sa kaniya na ikinainis nito.

Pumito na ang referee dahilan upang ihagis na nito ang bola saka naghigh jump at paluin. Malinis naman na naipataas ni Daichi ang bola.

"All right! They we're able to dig his first serve!" Ani ni Mr. Eyeglass.

"Yeah, But It's going back over the net! They're gonna hit it down!" Intense na sabi ni Mr Yellowed hair. Parang ako ang kinakabahan sa mga katabi ko e'. Sila yata ang dapat kong tignan dahil baka mawalan ng malay o di kaya ang atakihin.

Dinrop nung number 12, Turnip head ang bola sa gilid ni Hinata pero nakuha ito ni Kageyama. Siya ang first touch!

"Kageyma touched the ball first, they can't do their fast attack" Sambit ko habang pinapanood ang game.

"Kageyama, Nice receive!!!" Sigaw ni Daichi.

Mabilis naman na kumilos si Nishinoya para tumalon mula back row hanggang front row para itoss ang bola. Nagapproach si Hinata at Tanaka pero si Azumane mula back row ang binigyan ng toss.

"Phew! Talk about power!"

Nakuha ng Karasuno ang unang score at nalimitahan si Oikawa sa isang service. Kita ko naman ang frustration nito mukhang hindi dahil sa pagkapuntos ng Karasuno kundi dahil sa pagputol nila sa service niya.

"All right!!!" Sigaw namin mula sa 2nd floor.

Gulat na gulat naman sina Nishinoya at Azumane sa ginawa nilang combo. Parang sila pa ang mas surprised na surprised. Loko loko.

"Nice one Azumane! Let's go Karasuno!"

Service na ni Kageyama. Isa rin 'tong killer serve e'. Lalo na kung matututunan niyang pag-aralang kontrollin. Pumito na ang referee dahilan para maging alerto na ang Seijo.

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon