Chapter 24

92 4 0
                                    

"Hey, I'm sorry last time. Hindi ako nakapunta sa dinner with your family."

Nandito sa bahay ngayon si Oikawa. Babawi raw siya at dito matutulog ngayong weekends para mag-aral maghapon. Sa lunes kasi pupunta na kami sa Tokyo para doon magstay para sa isang linggong nationals. Hinayaan ko naman siya dahil gusto ko din namang kasama siya. Dalawang linggo din kaming hindi nagkita simula new year dahil pareho kaming busy at walang time.

"Ano palang gusto mong ulam?" Maghahapunan na kasi. Panigurado gutom na'to. Ganiyan 'yan! Kakain ng madaming chichirya sa tanghali tapos walang proper meal. Pritong isda at beef steak naman ang sinuggest na ulam nito saka na bumalik sa binabasang papel. Exam week naman nila sa darating na linggo kaya pareho na naman kaming busy. Ngayon na lang ulit kami magkakasama ng matagal ngayong taon.

Tinawag ko na si Oikawa nung nakaluto na ako.

"Ako na maghuhugas ng pinagkainan para makabalik ka agad sa ginagawa mo"

Tinaasan ko naman siya ng kilay nung bigla siyang napatakip ng bibig. "Ano na namang nakain mo ha, ikaw ba'yan?" Natatawa niyang tanong. "Grabe iba tlaga kapag lutong Mikazuki. Ayaw mo ba magpatayo ng eatery? Mikazuki-am-am"

Napailing nalang ako sa naisip na naman niyang kalokohan. "Kumain kana ng kumain jan."

Kahit papano namiss ko rin na palagi siyang lutuan. Masaya kayang naririnig 'yung mga compliments nya no! Parang mafefeel mo na ang perfect girlfriend mo na. Char!

Tinabihan kona siya sa sala matapos kong maghugas ng pinagkainan namin. May nirereview siya sa isang subject nila ngayon kaya tahimik lang ako sa tabi nito. Nag open naman ako ng IG at tinignan ang mga story ng mga finofollow ko sa IG. Unang lumitaw si Tendou, laman nito si Semi at Ushijima mukhang nasa library sila at kagaya ni Oikawa, nagrereview din.

Nagreply naman ako sa story niya ng 'Goodluck sa inyo!' Saka nito agad pinusuan.

Pinicturan ko naman ng patago si Oikawa habang ang paa ko ay nasa lap niya. Nakasandal kasi ang ulo ko sa arm rest ng sofa kaya nasa banda niya ang paa ko. Nag caption naman ako ng 'goodluck bb' saka pinindot ang post to my story button.

Ganun lang!

Wala pa mang isang oras nagsipag tunugan na ang cellphone ko dahil sabay sabay na nagsipag react ng 'wow' ang Karasuno habang si Coach Ukai naman ay pinusuan ng napakadami!

Support na support?!

'Azuasahi mentioned you' pinindot ko naman ang GC namin na punong puno ng kantyawan.

Its.shimi.yoko: Gusto ko lang sabihin na sana all.
azuasahi: Sana all. May pa goodluck bb pa!
tanakabaldie: Tara Kiyoko-san, para hindi kana mag sana all.
t.kei: Oh, smooth
dadadaichi: wala paring tatalo kay kalbo!
nishinoya.yu: Baka Tanaka Ryuunoske 'yan?

Napahalakhak naman ako habang binabasa ang conversation nila.

h.mika: Boss Ryunoske, malakas.
tanakabaldie: Hinde, wag ganon iniiba 'yung topic.
nishinoya.yu: Sana all binabantayan mag aral no? How to be Oikawa Tooru.
e.c: Pass may nagbebebetime dito. Saan ba 'yung leave button dito?!
dadadaichi: ito na nga aalis na e.
sugawara.k: Luh kapag nagnanationals dapat may ganiyan? Pano naman kami.
azuasahi: Ang alone naman ng January.
tanakabaldie: Oo, ang lungkot ngJanuary.
h.mika: @its.shimi.yoko, pasayahin mo nga si Tanaka.
tanakabaldie: I left the group...

Todo ang halakhak ko na ikinatingin bigla sa akin ni Oikawa. Nag peace sign naman ako dito. Umupo na ako saka siya hinalikan sa pisngi bago pumunta sa kwarto para doon nalang maghalakhak. Pero hindi pa man ako nakakalayo hinila niyana ako dahilan para mapaupo ako sa lap niya.

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon