Chapter 14

78 5 2
                                    

"Ang kapal naman ng mukha mong makipagholding hands sa akin"


Biglaan akong napabitaw kay Ushijima nang makalayo na kami kay Oikawa. Napahilot nalang ako sa sentido dahil sa sinabi nito. Buntong hininga na lang ang naisagot ko dito at saka na kumaway sa kaniyang aalis na ako. 


Hindi naman na ako nito kinausap o ano kaya nagpatuloy nalang ako.


Naglakad na ako papuntang bus at saka na sumakay para magpahinga. Masyadong nakakapagod ang araw na'to ha. Maya maya pa ay bumyahe na kami para umuwi papuntang school. Inabisuhan ako ni Sir Takeda na maunang umuwi para may lakas na ulit ako bukas, sinabihan naman ako ng team na huwag na magpuyat dahil grabe sila nag-alala.


Gaya ng sinabi nila, nauna na akong umuwi nang makarating kami sa school.


"Pahinga narin kayo, congratulations sa pagkapanalo! Kita kits!" Paalam ko sa kanila. Tinahak kona ang daan papuntang apartment. Iniisip ko kung ano ang kakainin ko para makapag gain kaagad ng energy. Nasa street na ako ng bahay nang tumunog ang cellphone ko.


Mom is calling


Sinagot ko naman ito agad.


"How are you anak?" Panimula nito. Saglit lang itong nangumusta dahil may trabaho pa sila at saka ibinaba. Pumasok na ako sa apartment ko at saka na nagbihis. 3:00 PM pa lang naman kaya naisipan kong matulog na muna. Gigising nalang ako mamayang bago maghapunan para magluto.


-

Nagising ako sa ingay ng doorbell. Nagsuot ako ng jacket at saka pajama. Wala naman akong inaasahang bisita ngayon at ang ikinagulat ko ang hindi ako magising sa alarm! 11:40 PM na ng gabi. 


Sino kaya 'to?


Binuksan ko ang pintuan. Tumambad naman sa akin si Oikawa na naka trackpants at jakcet pa ng Aoba Josai. Mukhang dumiretso ito dito pagkagaling sa school. Pero anong oras na! Delikado na!


Namumula ang mata nito at halatang kakagaling sa iyak. Tinaasan ko ito ng kilay saka tinanong kung bakit.


"Aba naman Oikawa, dis oras na!" 

"Anong nangyari sa atin?" Tanong nito.


Medyo na shock naman ako sa bungad niya. Hah! Ang kapal mo! "Bakit ako ang tinatanong mo?" Sarili mo ang tanungin mo Oikawa!


"Isang linggo mo lang naman akong hindi kinausap. Nagpalit kapa yata ng number mo." Mahina nitong sabi. "Anong nangyari? Ang sabi mo hindi ka magbabago. Naging busy lang ako sa training, tapos na tayo? Ganon?"


"Huh? Anong sinasabi mo?! Nung lunes nakita kita sa mall bandang 7-8 ng gabi! May nakapalupot na kamay sa braso mo. Nakita ko rin yung babae kaninang game at kaninang 

kausap mo si Japan." Mahabang paliwanag ko. Naiistress buhok ko ha. Tapos na ako sa drama kaya naiirita ako saka naputol ang tulog ko!


One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon