Chapter 9

72 5 1
                                    

"Lumayo kayo ka sakin at naiinis ako sa'yo!"

Binanoon ko ang mukha ko sa unan nang marealized ang pinagsasabi ko kanina. Niyakap ako nito kahit na nakatalikod ako sa kaniya. Wala akong mukha na ihaharap sa kaniya ngayon.

"Kung hindi pa malinaw sa'yo e' nililigawan na kita." Sambit pa nito pero mas rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko. Masyado akong napepressure ha.

'Manliligaw ko na pala 'to! Hindi ko pa alam' ganun ba ako kastone hearted?!

"Huwag kanang magalit, nagulat ako kanina kaya mo palang magalit ng ganun." Hays.

Oikawa, gusto kong malaman mo na tao ako hehe.

"So? Ano, gusto kita at gusto mo ako. MU ganun?"

Ang kapal kapal talaga ng sarili ko magtanong pa ng ganiyan! Ano pabang gusto mo.

"Huh? Anong sinasabi mo, umpisa palang tayo na. Girlfriend kita diba?" Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko at ang paghigpit ng yakap ni Oikawa.

Anong araw ba ngayon?!

Hindi na ako nakipagtalas tasan pa kay Oikawa dahil kanina pa ako inaantok. Napurnada lang dahil sa maliit naming pagtatalo kanina. Mas nahimbing ako sa pagtulog ng suklayin nito ang buhok ko.

-

Nagising ako sa tunog ng alarm ko. Agad ko itong pinatay dahil tulog pa si Oikawa. 4 AM palang kaya naisipan ko ng magluto ng baon ko. Sa isang linggo pa ang match ng team namin at ng team nila Oikawa.

Inalis ko ang kamay nitong nakayakap sa akin saka siya kinumutan ng buo. Natali muna ako ng buhok at saka naghilamos bago pumunta ng kusina. Nagsaing na ako ng kanin at saka naglabas ng bacon and egg. Paubos na ang stock ng ref at mga drawer ko kaya napagpasyahan kong maggrocery mamaya.

Kasalukuyan akong nagpiprito ng itlog ng biglang yumakap sa akin si Oikawa mula sa likod. Binaon ulit nito ang ulo niya sa leeg ko.

Amoy na amoy ko naman ang mabago niyang pabango at dove na sabon. Taray, may pa dove.

"Oh? Aga mong nagising?" Usually kasi kapag pagod siya late siya nagigising.

"Wala ka sa tabi ko" ang aga aga naman Lord. Pwede bang mamaya nalang? Aga agang nagiinit yung pisngi ko. Hindi pa ako nakakamove on sa madramang confession kagabi!

"Luh, nagluto ako. May pasok pa ako. Ikaw ba?"

"May training kami buong linggo, hindi ako makakapunta dito nun." Ah- sabagay Karasuno din ganun kaya mukhang malelate na ang uwi ko.

Hindi umalis si Oikawa sa likod ko hanggang sa matapos ako magprito ng bacon at itlog.

"Para kang linta jan lumayas ka nga, umupo kana dun. Ilalapag ko na ang pagkain"  pero hindi ako nito sinagot. Hinarap niya ako sa kaniya at saka hinalikan sa noo.

"U-ui." Parang naeestatwa ako sa posisyon namin. Nasa pagitan ako ng mga hita nito habang ang mga kamay niya ay nakayakap sa bewang ko.

'Napatay kona ba yung stove?'

"Natatakot ako" saan naman? "Baka sa darating na isang linggo hindi mo na ako gusto kasi hindi mo ako nakikita at madalang makausap"

Ano bang iniisip nito? Hindi naman ako ganung tao! Binaon ulit nito ang mukha sa leeg ko pero ang mas nakakagulat ay-

"Oikawa!!!" Siniil nito ng halik ang leeg ko dahilan para makaramdam ako ng kaunting kirot. "Pag ito merong mark! Nakakainis ka!"

"Woah, alam mo ang kiss mark."

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon