Chapter 6

83 4 3
                                    

"Anong gusto mong panoorin?"

Sigaw ni Oikawa sa sala, nandito ako sa kusina at nagluluto ng ramen. Nagluto rin ako ng sausages at egg saka ko sinalin sa dalawang bowl at nilagay sa tray para dalhin sa center table sa sala.

"Pagtapos ng isang movie matulog kana." Uuwi pa kasi siya bago mag tanghali pero kung mag pupuyat siya ng ganiyan e' baka pagalitan siya ng coach nila kapag nalate pa siya.

Hindi na ako nagtanong patungkol at magulang niya at hinayaan na lang siyang magstay. Kahit ako ayokong ichika sa ibang tao ang mga kahinaan ko, that's why I understand him.

"Iwaizumi Hajime bayun?" Pag-alala ko sa pangalan nung kasama niyang lalaki kanina. "Sino 'yun?"

Nangunot naman ang noo nito. "Bakit crush mo?"

Luh, pag nagtanong crush agad.

"Hindi, nagpakilala kasi siya after mong mag walk-out pagkatapos nung walang kwenta mong speech sa akin." Pahayag ko, e' bat kasi may nalalaman pang ganun.

"What the" Bulalas nito "Anong walang kwenta! Tsk, Ace ng Seijo. Iwaizumi Hajime" Proud nitong dagdag.

"Huh hindi ikaw?" Ano bang position ang nilalaro nito.

"Setter ako, tsk hindi mo kasi ako pinapanood."

Nung una kailangan bang kilala ko siya, ngayon naman dapat pinapanood ko.

"Great king ka nga talaga 'no!" SI Hinata ang nagtawag sa kaniya nito.

"Don't give me that shitty nickname, nakuha mo na naman kay chibbi-chan 'yan." Pagmamaktol pa nito sa akin bago kumuha ng sausage at itlog.

"Chibbi-chan?"

"Si tangerine ng team nyo, si bulilit, si demon jumper-"

"Oo na gets ko na, kilala ko na kumain kana ng kumain." Putol ko sa kaniya baka atakihin pa siya sa inis. Kumalma, oh kumalma.

Nang matapos kami kumain ay saka na ako nagligpit at naghugas ng plato, pinatay ko narin ang ilaw sa sala para matulog na siya gayong patapos na ang movie. Siya naman mismo ang nagkusang nagoff ng TV at saka naghilata.

Iniwan kona siyang nagcecellphone sa sala at pumasok sa kwarto. Nakasanayan ko ng naglolock ng kwarto kahit meron at wala akong kasama, para safe. Hindi naman sa pinaghihinalaan ko ng masama si Oikawa, mabuti ng ganito hehe. Peace.

Nagscroll scroll pa ako sa facebook at instagram bago ako nagmessenger. May aasikasuhin pala akong paperworks para bukas, isa sa mga projects ng teacher ko. Nag alarm naman ako ng alas dos para gumising bago ko ioff ang phone at matulog.

-

Nag-unat unat muna ako bago ako bumangon ng kama, maga pa ang mata ko dahil sa aga ng gising ko pero bumangon narin naman agad ako. Nagsuot ako ng pajama at jacket na tinanggal ko kagabing natulog ako dahil naka comforter naman ako.

Dala ko palabas ang laptop at mga pagpiprintang papel dahil nasa labas ang printer ko. Binuksan ko ang ilaw sa kusina para duon nalang magtrabaho saka baka magalit si great king sa ingay.

Tinignan ko naman ito, napagtanto kong hindi ko ito nabigyan ng kumot kagabi! How bad of me huhu. Kaya pala siya nakabaluktot, mukhang naligo siya kagabi dahil hindi naman ito ang suot niya bago ako pumasok sa kwarto.

Kinuha ko ang comforter ko saka ko siya kinumutan.

"Hindi pala kita nabigyan ng kumot, sorry."

Napadako ang tingin ko sa mukha nito, dahil sa sinag ng ilaw sa kusina malinaw na malinaw ang mukha niya. May iilang patak ng luha sa damit niya at saka pisngi niya. Mukhang kakatulog lang nito.

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon