Chapter 8

75 5 1
                                    

Lunch time.

Lunch time nang magising si Daichi at sinabing okay na ito. Inaya ko naman na siya palabas ng clinic at saka sinamahan kung nasaan ang team.

Nanalo sila laban sa Wakutani. They played 3sets kaya naman hindi na ako nagulat nang makitang gutom na gutom ang mga ito.

They need to restore their muscles.

"Manonood ba tayo ng game ng Aoba Josai at Date Tech?" Tanong ni Chikara habang nakatingin sa akin.

'O bakit ako ang tinatanong mo?'

Gusto ko sanang sabihin 'yun pero nilingon ko si Daichi at saka tinanong. Umoo naman ito dahil kung sino ang manalo sa dalawang team ay siyang makakalaban ng Karasuno. Pagkatapos nilang kumain ay saka na kami nagligpit at pumunta sa court kung saan maglalaban ang Date Tech at Aoba Josai.

Nang makahanap kami ng upuan ay agad na kami umupo. Inilabas ko ang phone ko saka nag text kay Oikawa na nanood ako. Humingi rin ako ng sorry dahil nangyari kanina. Nilingon ko naman ang gawi kung nasaan siya. Nagwawarm up ang iba nilang members habang siya ay nagtotoss sa mga wingspiker nila. Iba ang itsura ni Oikawa ngayon, malayo sa kaninang hindi ko mabasa at nakakatakot. Nagagawa nitong makipagbiruan sa baba sa mga kateam niya. I guess, okay na siya.

Nagsimula na ang laban. Kalmado lang ang gameplay ng Seijo kahit grabe ang pressure na nilalabas ng date tech mula sa service at blocks. Ito yata ang dabest sa Aoba Josai dahil kahit anong gawin mo mananatili silang kalmado at maghihintay ng opening. Phew.

Service ni Oikawa, ngayon palang ako manonood ng game niya kaya hindi ko alam masyado ang game play nito. Hinagis nito ang bola at saka malakas na pinalo ang bola.

Huhuuu, talk about the sound.

"Service Ace"

Napuno ng tilian ng mga kababaihan ang buong gymnasium. E' madami na palang supporters 'to e.

Nakadalawang service ang Seijo bago maayos na nadig ng date tech ang Seijo. Nakaramdam ako ng gutom kaya nagpaalam akong aalis para bumili saglit.

Hindi kasi ako nag umagahan at nagtanghalian. Naalala ko may pinabaon palang almusal si Oikawa kaninang umaga. Lumabas ako ng building at nagpunta sa lilim ng puno kung saan may table at chair. Mas malamig dito at hindi masyadong sinag na sinag ng araw. Nag text ako kay Shimizu na imessage ako kung anong oras uuwi para makabalik ako kaagad.

Nagsuot ako ng earphones at saka nagpatugtog bago kumain. Hindi ko na tinapos ang game nina Oikawa dahil mukhang sila naman ang mananalo.

Hanggang ngayon worried parin ako, sino ba namang hindi? May motibong pinapakita sa akin si Oikawa, kagaya kanina.

Mahigit dalawang linggo narin kaming nag-uusap, dalawang beses narin itong natulog sa akin. At... at... ano nga ba kami? Ano bang tawag sa ganito? Bff ganun?

Wala naman kaming feelings sa isa't - isa ano bang hinahanap ko? Siguro masaya ako sa kaniya kasi sa wakas ay may kasama na ako at alam kong ganun rin siya na sa wakas ay may karamay at kasama narin siya sa mga panahong kailangan nito ng masasandalan. Diba~diba?

Medyo nasasanay narin ako sa palagian naming paguusap o tuwing maaga natatapos ang practice nila saka siya didiretso sa bahay ko at tatambay hanggang sa dumilim. Sa loob ng higit dalawang linggo ganun na lang ang routine namin. Ako namang engot mukhang nasasanay.

Pero mas sanay akong mag-isa. Hindi ko pa naman lubos na kilala si Oikawa. Tama! Hindi dapat ako bumigay sa mga ganitong pagsusulit.

Sigh. Natigil naman ang tugtog sa cellphone ko ng tumawag si Kotarou bigla.

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon