Chapter 7

85 4 0
                                    

Nasa tapat akong muli ng banner namin sa 2nd floor. Magsisimula na ang laban ng Karasuno Vs. Jozenji. Hindi ko naman napansin kanina ang jersey ni Terushima, siya pala ang captain ng Jozenji.

Naalala ko na naman ang ginawa kanina ni Oikawa sa kaniya, napaka rude talaga kung iisipin! Hays.

Sa amin ang service at nakatokang si Azumane ang magseserve.

"Let's go service ace!" Pangchecheer ko mula sa itaas. Pumito na ang referee kaya hinagis na nito ang bola saka naghigh jump upang paluin.

'Grabe force ha'

Pero mas grabe ang pagka receive ng kalaban. Matapos kasing makuha 'yun ng Jozenji at maipaasa sa kakampi nito para sa 2nd touch umiba ang direksyon ng bola papalayo sa net akala ko iuunderhand nito pabalik ang bola pero nag quick turn ito sa end line at saka pinalo ang bola.

Jozenji's score.

Kahit ang mga starter ng Karasuno ay nagulat sa ginawang atakeng 'yun. Usually kasi ay ibabalik mo ang bola gamit ang underhand.

"Mukhang troublesome ang team na nakaharap nyo ha" Boses mula sa likod ko.

"Oh mag-isa ka lang?" Tanong ko kay Oikawa na kakaupo lang sa gilid ko. Iniwan raw siya ni Iwaizumi saka sinamahan si Mattsun~ Hindi ko naman siya kilala kaya tumango nalang ako para wala ng debate.

Nakailang puntos pang ulit ang Jozenji dahil sa game play nila. "Dapat yata hindi simplicity and fortitude ang nasa banner nila e dapay wild and free"

"Hmm, dati kasi simple at malakas talaga ang game play ng Jozenji, that's why."

Hmm, mukhang nakabuo naman ng pangcounter ang team at nakabawi ng momentum kaya naman nagride na sila hanggang sa set point.

"Ohh mukhang makukuha ng Karasuno ang unang set ha." Amazed na sabi ni Oikawa.

At nakuha nga ng Karasuno ang unang set dahil sa pagcopy ng jozenji sa synchronized attack ng Karasuno. Kita ko namang napahilot sa sentido ang coach at manager nito. Half of that attack e' dahil 1st set palang naman.

Kalagitnaan na ng laro ng biglang magseryoso ang Jozenji, mukhang dahil sa sermon ng manager nila ay iniisip na nila ang susunod na atake. Sa huli Karasuno ang nanalo pero bakas parin sa mukha ng Jozenji ang mukhang gusto pa nila maglaro.

Nagpaalam naman na sa akin si Oikawa na babalik sa team nila para kumain. Lumapit naman ako sa team para abutan sila ng lunch box at prutas.

"Coach, sinong kalaban nila bukas?" tanong ko kay Coach Ukai.

"Wakutani South, kapag naipanalo nila ang game bukas pasok na sila sa semi's."

-

"7AM ulit tayo bukas dito ha, Nasaan si Mikazuki" Tinaas ko ang kamay ko para makahanap ako nito kaagad. "Kami na muna ang toka sa pagluluto, masyado kanang napupuyat. Liwasan nalang tayo." Tinanguan ko naman si Sir Takeda. True naman antok na antok ako tuwing pumupunta ako ng school pagkatapos maghanda ng lunch box.

Naglakad na ako pauwi pagkatapos kong magpaalam sa kanila, sinuway ko na rin sina Hinata na nagbabalak maglaro sandali dahil kailangan nila ng mahabang pahinga.

Kasalukuyan akong nagbobrowse sa phone ko ng biglang may nagincomming call galing kay Oikawa.

"Oh-"

"Hindi kapa uuwi? Nasa tapat ako ng apartment mo -"

Pinatay kona agad ang tawag saka mabilis na tinakbo ang daan papuntang bahay, ano na naman kaya ang balak nun? Tapos na ba ang practice nila?

One Special MeetingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon